Chapter 8

224 4 0
                                    

Jarren's Pov

"he likes-" tinakpan ko ang bibig ni Archie

'Napakaingay naman ng batang to' sabi sa sarili ko

Nag-usap lang sila ng nag-usap tapos biglang naisipan ni Fyang na mag picture

"Ow family picture" sabi ni naman ni Archie

Aba ayos kang bata ka.

Nasabi ko kasi kay Archie na gusto ko si Fyang kaya ang lakas ng trip niya mang asar.

Nakaalis na sila mommy at pauwi na din kami "Jarren, look ang panget mo dito" sabi nito at naka zoom yung picture "click ka kasi ng click" sabi ko naman "panget ka lang tal---" hindi niya natapos yung sinasabi niya dahil nadapa ito.

Grabe yung mukha.

Tawang tawa ako dahil ang bilis dumating ng karma...

"Yan sayo" sabi ko sa kanya habang tumatawa "itayo mo ako" sabi naman niya "kaya mo na yan, malaki kana" sabi ko naman.

Hindi ko mapigilang hindi matawa.

Nakakatawa naman kasi talaga

Sofia's Pov

Grabe naman tong lalaking toh hindi man lang ako tulungan, tawang tawa pa talaga siya.

"Jarren" sigaw ko sa kanya

Wala na akong pake kung nagtingin sa akin yung mga tao

Agad agad niya akong tinulungan tumayo pero tumatawa pa rin siya.

"Masakit ba?" tanong niya

Aba ayos nakuha niya pa akong tanongin ng ganon..

"Malamang" sabi ko naman "di ka kasi nag iingat e" sabi niya pa at tumawa pa ito "kapag ikaw, sinapak sapak ko" sabi ko sakanya at tinuro ko siya ng hintuturo.

Naka uwi na kami at sa bahay na nag lunch si Jarren "tita thankyou po sa lunch" sabi niya kay mama.

Para namang may bago....

Gusto nila mommy na dito na siya kumain palagi okay na yung kumain dito, kunti nalang talaga patitirahin na nila tong engot na to dito.

"Sofia linisin mo yung guest room ha at dito na muna titira si Jarren" sabi mommy

Mind reader pala tong mga tao sa bahay hays...

"Siya nalang po paglinisin niyo" sabi ko naman "tita okay lang naman po ako sa bahay basta dito ako kakain parati" sabi nito "feeling good boy" bulong ko naman "good boy talaga ako" sabi ni Jarren.

Aba ayos.

Natapos kaming kumain ay naglaro naman sila ni Hayden ng video games.

It's already 3 pm at hindi pa rin sila tapos maglaro ang iingay pa man din, kainis.

"Hoy manahimik nga kayo" sigaw ko sa kanilang dalawa "ops may kj" sabi naman ni Jarren at tumawa naman itong si Hayden.

Bigla akong naka isip na lumabas nalang kami kesa magdamag na maglaro tong dalawa.

"tara sa park" sigaw ko "ano ba napaka ingay mo" sabi ni Jarren "talaga?" tanong ko "Oo" sabi nito at kinurot ko siya sa pisngi.

"tara na kasi maglibot lunes na naman bukas" sabi ko "mag libot ka mag isa mo" sabi naman ni Jarren "Oo nga ate ikaw nalang" pag sang ayon ni Hayden.

Bigla akong nakaisip ng paraan para samahan ng mga batugan nato.

"Okay magpapasama nalang ako kay Jm" sabi ko naman at tinawagan si Jm

"Sino?" pasigaw na tanong ni Jarren "ano ba napaka lakas ng bunganga mo" sabi ko naman.

Ang lakas kasi talaga ng sigaw niya makainis.

"Sino nga?" tanong nito "si Jm" sagot ko naman "wag mo nang tawagan kukuha lang ako ng hoodie ko" sabi nito at agad agad kumuka ng hoodie niya.

"Who's Jm?" tanong ni Hayden "yung guy na naghatid sa akin kahapon" sabi ko naman "oh that guy, I don't like him" sabi naman neto at pumunta sa room niya.

Mga ilang minuto lang ay dumating na si Jarren "asan si Hayden?" tanong nito "hindi ba siya sasama?" tanong niya ulit.

Hindi ko pa nga nasasagot isa nyang tanong may bago na naman.

"Wait lang" sigaw ni Hayden Mula sa kanyang kwarto.

It's already 4 pm at kadadating lang ng mga kasama namin.

Kasama namin sila Binsoy, Dylan, Jp, Marc, ate Jas, Rainah, Kai, and ate Kolette.

Boring kasi pagkaming tatlo lang noh.

Papasok palang kami sa park ay huminto ako dahil may hinihintay pa ako.

"Hey Fyang, may hinihintay kapa ba?" tanong ni Jarren "yes" sagot ko naman "who?" tanong naman ni Hayden "Si Jm" sabi ko naman.

"Why did you invite him?" tanong ni Hayden

Ano namang masama??

"Bakit?trip ko eh" sabi ko naman.

Ilang minuto kaming naghintay pero wala pa din si Jm "ano pupunta pa ba yun?" malamig na tanong ni Jarren "nagseselos kaba bro?" tanong ni Marc "no" malamig na sagot ni Jarren.

"Wait for him, aaya aya ka tapos maghihintay lang nang matagal, makabili na nga" sabi ni Jarren saka umalis sinundan naman siya nila Hayden.

Kaming girls lang ang natira dito "does he like you?" tanong ni Kai "who?" tanong ko din "Jarren" she answered.

Ha?? Si Jarren gusto ako?? Imposible yun.

Jarren's Pov

Nawala ako sa mood dahil kasama si Jm, kainis naman.

"Jarren ano yun? nagseselos kaba?" tanong ni Marc.

Alam nila na gusto ko si Fyang.

"No way" sabi ni Dylan "yes way" sabi ni Binsoy "so you like my ate" sabi naman ni Hayden.

Nagulat ako dahil nagsalita ito "kasama ka pala namin" sabi ko sa kanya "Anong gusto mong flavor? chocolate?" tanong ko sa kanya para maiba yung topic.

"Don't change the topic" sabi nito "I'm not" sabi ko naman "so you like her" sabi nito "ops you don't like her, you love her" dagdag pa niya.

"No way" sabi ko naman "yes way" sunod ni Binsoy "shut up Yosnib" sabi ko naman.

"Don't worry kuya, I make sure na hindi magiging sila nong Jm" sabi nito "why?nanliligaw naba?" tanong ni March "talo kana ata bro" dagdag niya at tumingin sa akin.

"Hindi pa naman pero malapit na" sabi ni Hayden.

Okay na sana eh

"Umamin kana kasi" sabi ni Dylan "oo nga baka maunahan ka pa" dagdag ni Jp "naghihintay ako nang tamang oras" sabi ko naman at tinignan si Fyang sa pwesto niya, hinihintay niya pa din si Jm.

"1 vanilla ice cream please" sabi ko sa vendor nag order naman sila ng puro chocolate flavor.

Favorite kasi namin ni Fyang ng vanilla flavor kaya yun na ang binili ko

Habang pabalik kami sa pwesto nila ay bigla ko silang natanong "do you think she like Jm?" tanong ko "sobrang close nila kaya Oo" sabi naman mo Binsoy "yun lang ang reason kaya niya gusto?" tanong ko naman "remember kuya Sean?" tanong ni Hayden "diba sobrang close din nila" dagdag pa neto.

Oo nga pala si Sean, yung siraulo na yun.

Ex siya ni Fyang, naging sila for 2 years, ang hirap maka move on ni Fyang sa lalaking yun.

Una pumayag ako na maging sila pero si Jm sisiguraduhin kong hindi magiging sila.


Chasing What's Not MineWhere stories live. Discover now