"Bakit mo naman kasi pinipiling masaktan kung pwede mo naman siyang iwan?" ang tanong ni Roen sa kaibigang si Fhyela.
"Mahal ko talaga sya, friend. Hindi mo naman kasi ako maiintindihan kasi hindi ka pa naiinlove." ang sagot ni Fhyela na may kasamang hikbi.
"Oo nga hindi pa ako naiinlove pero hindi naman ako manhid." ang paliwanag ni Roen sabay himas sa likod ng kaibigan.
"Kaya bhez, I think you should break up to that guy na because he's not the right guy for you." ang payo ni Clarisse.
"At tama na yung ang pag-iyak, baka bumaha pa dito...haha..." ang biro naman ni Lainez.
At sabay-sabay na lang tumingin sila Roen, Fhyela at Clarisse kay Lainez at sabay-sabay na sinabing 'hindi nakakatawa, Lainez'...
-_______-
Palaging magkakasama ang apat na magkakaibigang ito.
Si Roen ang pinakapasaway sa grupo. Mahilig sa music, can play different kind of instrument. Sporty rin sya. Palaging ginagawa kung ano ang maisip kaya nagiging pasaway. Minsan ay makikita siyang magisa kung hindi nya kasama ang barkada.
Si Fhyela naman ang pinakakikay sa grupo. Fashionista because of her mother being one of famous designer. She is also one of the popular girls sa campus kaya maraming siyang admirers. A nature and animal lover. At kung magmahal ay todo-todo.
Si Clarisse naman ang pinakasmart. Bookworm and active sa mga clubs sa academy. Siya din ang Vice President sa kanilang school council and also their class representative. Smart but not that smart about sa love.
Lastly, si Lainez. Ang pinakakwela sa grupo. Masayahin at palabiro. Siya ang laging nagdadala ng ngiti/sigla kahit saan sya mapunta at pinakafriendly sa buong campus. Dahil dito, everyone thinks she's not serious when it comes to love.
Kahit na magkakaiba ang mga personalidad nila, hindi ito naging hadlang sa kanilang friendship.
Kilala ang grupo nilang apat lalo ngayong nasa ikatlong taon na sila sa highschool sa Royal East High, one of the most prestigious school in town.
"Oo na. Tatahimik na po." ang sabi ni Lainez after mapagsabihan ng mga kaibigan. "So ano na bhez ang balak mo?" ang pahabol na tanong nito.
"Hindi ko alam. Mahal ko pa rin siya kahit masakit." ang sagot ni Fyhela sabay hikbi.
"Naku pigilan nyo ko. Kahit kaibigan kita Fhyela eh sarap mong iumpog sa pader para magising ka na sa kalokohan mo." ang gigil na sabi ni Roen habang pumoporma na may aawayin.
"Bhez, maghunusdili ka nga." sabay na sinabi nila Lainez at Clarisse habang pinipigilan nila si Roen.
Habang patuloy na nag-uusap ang apat, biglang may lumapit na lalaking estudyante.
"Fhyela?" ang sambit nito.
"At ang lakas ng loob mong magpakita pa sa kaibigan namin." ang pahayag ni Roen sabay suntok sa lalaki.
"ROEN WAG!!!" ang sigaw nila Fhyela, Lainez at Clarisse ng sabay-sabay pero huli na ang lahat....
------------------------------♥----------------------------------
A. N. :
Hello po!
Sana magustuhan nyo. Comment lang po kayo or vote na rin.
Yung mga characters nasa may taas
SALAMAT! ^^,
BINABASA MO ANG
Mixture of Love
Teen FictionMarami tayong paniniwala about love. Nariyan na nagkaiba-iba tayo ng opinyon tungkol dito. Merong 'Love is blind'. Ang ilan ay 'Age doesn't matter'. At ang ilan ay 'Will do anything for Love'. Pero kahit ano pa man ang paniniwala natin, patuloy pa r...