Chapter Five

23 1 0
                                    

-Aiden's POV-

"Hi." ang bati sakin ni Fhyela.

Ang itsura ko syempre ganito O__O.

Kasi binati ako ng taong gusto ko. Masaya na sana ako kaya lang biglang umepal yung babaeng nasa likod ko.

"Eww ka Fhyela. Kahit si Weirdo eh binati mo." ang sabi ng nito.

Yumuko na lang ako sabay takbo palayo. Haaaayyyy. Nakakahiya. Nakakahiya na narinig yun ni Fhyela.

Ako nga pala si Aiden Santos. Fourth year studen. Isa akong scholar/working student.
Nerdy o kaya Weirdo ang naging tawag sakin simula ng pumasok ako dito sa academy. Laging ako yung nakikita ng mga bully dito, balak ko na nga sanang magtransfer ng ibang school pero nasasayangan ako sa scholarship on this prestigous school. Kaya nagtiis na lang ako hanggang sa makasanayan ko na lang. Kaya heto at nasa huling taon na ko. Pero hindi na nawala yung mga pangbubully. Because of it, nawalan ako ng kaibigan at naging mahiyain ako. But it is okay, as long as I can still admire my long time crush sa malayo.

Yes. I little creepy admitting it like this. But it is true.

Inaamin ko naman na nagkagusto na ako sa kanya nung una ko pa lang sya nakita. Here's a little story about it.

----Flashback----

Second year na ko, thankfully nakasurvive ako sa mga bullies nung first year ako. Tibay ko diba? As long as hinahayaan ko lang, tingin ko magsasawa sila. But I'm wrong.

Papunta ako sa may cafeteria ng biglang may nagbuhos ng tubig sa akin sa mula sa second floor. Pagtingin ko sa itaas ay wala na kung sino man ang gumawa sa akin nun. Lumong lumo ako sa sarili ko kasi wala akong dalang pamalit na damit.

 
Malas nga kasi palagi akong may dalang extra shirt. But that time wala pa kong extrang dala.
Dali dali akong pumuntasa may cr. Nang malapit na ako, may isang babaeng estudyante ang nakatayo sa may tapat ng cr. Alam kong first year sya kasi color green yung I.D. strap nya.

(A.N.: Color coding per year level. Green for first year, yellowfor second year, pink for third year & blue for fourth year. ^^,)

Lalagpasan ko na sana sya pero pinigilan nya ko.

"Kuya wait lang. Pede magtanong?" ang tanong nya sa akin.

Nakayuko ako nung mga time na yun kaya hindi ko pa nakikita yung mukha nya. Pero hula ko maganda sya, ganda ng boses nya eh.

"Uhmmm, kuya bakit ka basang basa? Naku baka magkasakit ka nyan." Ang sabi nya then sabay takbo palayo.

She's weird. After magtanong tapos bigla na lang umalis. HInayaan ko na at pumasok na lang ako sa cr at hinubad yung polo ko.

Balak ko sana na dito na lang sa cr patuyuin yung polo ko but then bigla na lang na may pumasok sa cr.

"Kuyang basa kanina! Nandito ka ba?" ang sigaw ng isang babae.

Syempre hindi ako sumagot. Nasa loob ako ng cubicle. Saka grabe naman itong babae toh. Hindi ba nya alam na boy's cr toh. 

"Ano ba kuya? Nandito ka ba?" tanong nya ulit.

She's really weird. Haizt. Kaya lumabas na ko. Pagkakita ko sa kanya eto lang ang naging reaksyon ko O__O. Kasi ang ganda nya.

"Kuya, kanina pa ko nagsasalita dito. Lalabas ka din pala. heto oh. Kunin mo na baka kasi magkasakit ka pa. Hiniram ko lang yan sa isang PE teacher, you can return it na lang after. Ayun sige bye!" ang mabilis nyang sinabi sabay abot sakin ng dala nya saka umalis.

After nyang umalis, medyo matagal pa bago ako nakarecover. Pagkatingin ko sa binigay nya ay pares ng polo at pants.

Wow.
Just wow.
An angel was sent to helped me.

----End of Flashback----

Pinagtanong-tanong ko kung sino ang weird/misteryong babaeng yun. Nang malaman ko kung sino sya eh lagi ko ng sinusubukan na magpasalamat sa kanya. Pero isa akong epic fail dahil umabot na ako ng fourth year ay hindi pa rin ako nakakapagpasalamat sa kanya.

Hindi ko nga alam kung maalala pa ba nya ako.

That the girl who helped me 3 years ago is the same girl who just said Hi to me a minutes ago.

Pero nang dahil sa pag-Hi nya sakin kanina, biglang lumakas yung loob ko.

Last year ko na dito. I need to talk to her.

To tell her that I'm thankful for what she did.

And that I like her.

==========♥==========

Mixture of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon