-Roen's POV-
"You're grounded for a MONTH, Rowena Enica Mercado!" ang galit na pahayag ni Dad.
"Month? Dad naman."
"Isa pang pagsagot mo at dodoblehin ko ang parusa mo." ang panakot pa nya.
"Hayaan mo na muna ang daddy mo, Ena." ang pagpigil saken ni Manang Rosa habang nakaakto pa ako ng pagsagot.
"Nagsasawa na ko sa pagiging pasaway mo. You told me last time that you will stay away on any trouble. But this?
Punching a student?
Ena, hindi ako pumayag na pagaralin ka sa academy na yan para makipagaway at maging pasaway. Ginawa ko yun dahil yun ang payo ng doctor mo. Na it will help to your condition. Sa susunod na ipatawag pa ko, mas mabuting bumalik ka na lang sa home schooling." ang huling sinabi ni dad bago sya tumalikod.Gusto ko iexplain pa yung side ko but Manang Rosa told me to stay quiet. She will try to talk to my father. And also to understand the side him.
So, wala na akong nagawa kundi ang lumabas sa office/study room ni dad. Ngunit napatigil ako sa may pintuan ng marinig ko kung ano ang sinabi ni Manang Rosa.
"Tingin ko ay sobra naman ata ang ginawa mo sa anak mo, Ricardo. Baka makasama pa ito sa kalusugan nya. " ang pahayag ni manang.
"Tama lang yun sa tingin ko, manang. Pumayag ako sa sinabi ng doctor nya na pagaralin sya sa isang Gen Ed school at baka ito ang makabuti sa kanya. Oo, inaamin ko, nagimprove ang kalagayan nya. Pero kung gagawin nya palagi kung ano ang gusto nya at walang limitasyon tulad ng nangyari ngayon. Mukhang nagkamali ako, Manang. Ni hindi ko alam kung napapalaki ko pa rin ng tama ang bunso namin ni Lina. I just do what I know is right. Kung nandito lang sya, siguro nagagabayan ng tama si Ena." ang pahayag ni dad na mahahalatang may lungkot sa kanyang tinig.
Hindi ko na narinig ang sinagot ni manang dahil may humila sa akin.
"Ena, what happened?" ang tanong ni kuya Aki.
"Grounded ka nanaman?"ang tanong naman ni kuya Chris.
Kakauwi lang siguro nilang dalawa.
"Yes mga kuya. I'm grounded for a month. Sinaktan ng lalaking yon ang kaibigan ko. So punching him is the right thing to do." ang paliwanag ko sa kanila habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko.
Pinigilan ako ni Kuya Aki at saka kinutusan sa noo.
"Aray." ang sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya.
"Kaya ka napapatawag ng ganun sa guidance. Diba nagsabi ka na kay Dad that you will behave na? Hindi palaging dahas ang sagot sa lahat. Baka ihome schooled ka ulit nyan." paliwanag ni kuya Aki.
"Edi maghome schooled." I told them.
"Sira ka ba? Mas nagimprove ka na kaya bunso. Kesa sa dati na sa isang taon mong pagiging tahimik after ng aksi.."
Ngunit napatigil sa sasabihin nya si kuya Chris ng pigilan sya ni kuya Aki. I know they are avoiding the topic regarding the accident.
Anyways, may I introduce to you the characters in this chapter?
Ako nga pala si Rowena Enica Mercado. Mas gusto kong tawagin na Roen but dito sa bahay namin, Ena ang tawag nila. Ayokong tawagin sa nickname ko na Ena because being called to that name makes my heart ached.My dad's name is Ricardo Mercado. Isa siyang businessman. Sa sobrang dedicated nya sa work, eh madalas syang wala sa bahay, workaholic for short. Naging workaholic lang naman sya after that accident.
Yung kasama ko while pinagagalitan ako is manang Rosa. She works for us as long as I remember. And she stands as my 2nd mom when my real mother died.
Then sila naman yung dalawa kong makukulit na kapatid. Si kuya Aki ang panganay, short for Joaquin Mercado. Isa na siyang architect and may sarili na siyang architectural firm. Gwapo but still single. Ilag sa mga girls.
Then si kuya Chris short for Christopher Mercado. For now, nag-aaral pa si kuya sa college sa course na civil engineering. Habulin ng mga girls at hindi serious sa mga relationships.
"Mga kuya, pede favor? iwan nyo na muna ako. Please? I think my head is starting to ache." Ang sabi ko sa kanila bago ako pumasok sa kwarto ko.
"Wait. What? Masakit yung ulo mo? Is there anything pang masakit? Did you take your medicine na ba? Kumain ka na ba ng dinner?" ang sunod sunod na tanong ni kuya Aki.
"And your hand, kailangan din nating gamutin yan." dagdag pa ni kuya Chris.
I can see their worries in their faces. At oo nga pala, yung kamay ko medyo nadale din dahil sa pagsuntok ko kanina. Hindi ko namalayan yung pagkirot dahil after naming umuwi ni Dad ay deretso na kami sa office room nya.
"Okay lang ako mga kuya. Wala namang masakit sakin. I'm just tired. Itutulog ko lang ito. About my hand, huhugasan ko na lang ito and will put bandage. Saka wala akong ganang kumain." ang sagot ko sa kanila.
"Nope. I insist na kumain ka. Sumunod ka samin." Kuya Aki said with authority.
"But kuya, please pagbigyan nyo muna ako just for today." I plead.
Matagal pag nagisip si kuya Aki.
"Sige ganito na lang. Hayaan mo na lang kami na gamutin ng tama yang kamay mo then alis na din kami agad. Hindi naten pedeng pabayaan yan." ang pahayag ni kuya Chris while nagiisip pa rin si kuya Aki.
Pinagbigyan ko na lang sila. Kesa naman pilitin pa kong kumain ni Kuya Aki at ipilit na ipakwento ang mga nangyari kanina.
I let those two sa room ko. And they put some meds sa kamay ko. Umalis din sila agad and said their goodnights.
Pagkaalis nila, I remembered what dad said earlier. About the accident happened a year ago, about mom. Hearing about it triggers these feelings of guilt, sadness and anger. Guilt because I know to myself that because of me, mom died but I can't remember anything. Sadness because my family, dad & my two brothers, deserved to know the truth behind mom's death but they can't because of me. Anger, because of that accident, I got this freaking condition like there's a time bomb in my head when triggered I may die any moment.
But I know one day maaalala ko din ang lahat. Okay lang na masaktan ako when I remember the truth, basta malaman lang nila dad ang totoong nangyari.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa mga glow-in-the-dark stars na nakadikit sa kisame ng kwarto ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ko.
------------------------------♥----------------------------------
A. N. :
SALAMAT po sa pagbasa! ^^,
BINABASA MO ANG
Mixture of Love
Teen FictionMarami tayong paniniwala about love. Nariyan na nagkaiba-iba tayo ng opinyon tungkol dito. Merong 'Love is blind'. Ang ilan ay 'Age doesn't matter'. At ang ilan ay 'Will do anything for Love'. Pero kahit ano pa man ang paniniwala natin, patuloy pa r...