Chapter Six

26 1 0
                                    

-Lainez's POV-

"Ai naku Fhyela hayaan na nga natin yung si Hannah at kung sinu mang senior/Weirdo guy na yan. Nagugutom na ko. Tara na!" ang aya ko kay Fhyela.

Kasi kung hindi ko pa sya inaya eh for sure baka sundan pa nya yung Weirdo na yun at humingi pa ng sorry. Ganyan naman kasi si Fhyela, masyadong mabait.

"Nakakaguilty kasi mga bhez. Narinig nya yung sinabi ni Hannah." Ang paliwanag pa rin ni Fhyela while papunta kaming cafeteria.

"Ai naku bhez, mas maguilty ka kapag ako nagkaulcer dahil sa gutom, haha." biro ko.

"Hahaha, nice one Lainez!" ang salo ni Roen sa joke ko. Kaya labs na labs ko yang si Roen eh. Hehehe.

"Naku tumigil nga kayong dalawa. Sige na. Tara na nga at kumain na tayo." Ang pagsuko ni Fhyela samin.

Kahit kelan talaga panira si Fhyela sa mga joke ko buti pa si Roen, si Clarisse ayun at tahimik at nagbabasa lang, hehe.

Anyways, let me introduce myself. Ang ngalan ng inyong lingkod ay Lainez Joice Garcia. Wala lang, trip ko lang sabihin ang pangalan ko, bakit ba.. haha...

"Lainez bakit ka nakangiti dyan?" ang tanong sakin ni Roen.

"Ah, wala naman bhez. Nag-iisip lang ako ng bagong joke...hehe.." ang sabi ko kay Roen at naupo na kami sa usual naming pwesto dito sa cafeteria.

Hindi ko na pala napansin na kaming dalawa na lang ni Roen ang nakaupo dito.

"Nasan na sila Fhyela, Roen?" tanong ko kay Roen while inaalis ang braid ng buhok nya. Nairita na siguro. Kung ano ano kasi ang ginagawa sa buhok.

Hindi nya ako sinagot at tinuro lang nya kung nasaan sila Fhyela at Clarisse. Bumibili na pala sila ng food namin.

"Oh guys heto na ang food natin. Dahil nisupport nyo akong tatlo sa aking desisyon in love, it's my treat." Ang pahayag ni Fhyela while nilalapag nilang dalawa ni Clarisse ang dalawang tray na may food.

"Libre ba talaga toh o bribe?hahaha..." ang biro ko ulit.

"Ha...ha...ha...Ai naku Lainez, kung ayaw mo okay lang na wag kumain."ang sagot nya at umaktong inilayo sa akin ang tray.

"Joke lang. Kaw naman hindi mabiro, hehe." ang sabi ko at biglang kumuha sa fries sa may tray.

Habang kumakain kaming apat, may bigla akong naalala.

"Nga pala bhez, diba after naming lumabas kahapon sa Guidance eh pinaiwan ka ni Mam Trinity (Guidance Councilor), anu yung penalty nya sayo this time?" ang tanong ko kay Roen.

Pagkatapos kong magsalita eh tumingin na rin sila Fhyela at Clarisse kay Roen. Paano ba naman kasi suki na ng Guidance itong kaibigan naming toh.

"Ai oo nga pala. Buti na lang naipaalala mo. Muntik ko ng makalimutan yun."ang sagot ni Roen at biglang nilabas ang makapal na nakafold na mga papel sa bulsa nya.

"What the heck? Anu ba yan bhez? Bakit mo pinagkasya yan sa bulsa mo?"ang gulat na tanong ni Fhyela.

"Mga forms ito ng mga clubs/orgs. Wala na kasing maisip na punishment sakin si Ma'am Trinity, eh napansin nya na bakit wala man lang daw akong sinasalihan na mga school clubs or organizations. Kaya ayun ang parusa ko 'sumali sa mga orgs and be  active." ang mahabang paliwanag nya.

Napansin ko nga rin yun. Kaming tatlo nila Fhyela ay mga member ng ilang clubs dito. Samantalang si Roen eh wala ni isa. Although hindi naman required for us, students, but it can add to our student points and credentials.

Ako kasi member ako ng Astronomy at Theater club. Fhyela was also a member of Theater club and the cheerleading squad. Si Clarisse naman ay member ng Math Club, writer of the Theater Club and special exemption ang Student Government. She's the Student's Vice Governor. Marami pang iba't ibang organizations dito sa school kaya lang hindi ko na babanggitin. Masyadong madami para isa isahin. :)

"Buti na lang bhez eh yun lang ang parusa sayo anu? Parang hindi parusa ah, haha." ang hirit ko.

"Yes. Lainez was right. Kasi may additional points ang pagsali sa mga school organizations. I think it will be good para sayo kasi it may add credits" explain naman ni Clarisse.

"No, I don't think so. You all know that I don't like joining those. Mas trip kong tumambay/matulog kung saan kesa magubos ng oras sa mga ganyang activities." ang sagot ni Roen.

"Ikaw talaga bhez. Just try it na lang. Malay mo magenjoy ka pa. Saka it's our third year here in highschool. You need to enjoy everything." ang sabi ni Fhyela.

Feel namin kasi nageenjoy talaga si Fhyela lalo na sa cheering squad.

"Bahala na. Sige mauna na ko sa inyo. I need to fill up some of this forms pa pala" ang sabi ni Roen sabay balik nung mga papel sa bulsa nya.

"Do you know what clubs yung sasalihan mo? Remember that you need to join atleast two." ang sabi sa kanya ni Clarisse.

"Yes I do Ms. Vice Governor. Hahaha. History and Lit club." sagot ni Roen.

"What? History and Literature club? We don't know na interested ka sa history at lit." Ang sabi ni Fhyela sabay taas ng isang kilay.

Nginitian lang kami ni Roen sabay kumaway paalis.

Hinayaan na lang namin si Roen. Inubos na lang namin ung food saka ko inaya sila Fhyela at Clarisse.

"Tara na guys, balik na tayo sa room. Para makapagrelax ng sandali" ang aya ko sa kanila sayang kasi ang oras..

==========♥==========

Mixture of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon