Chapter Four

31 1 0
                                    

-Fhyela's POV-

"Roen sandali lang..." ang sigaw naming tatlo nila Lainez at Clarisse pero mukhang hindi na kami narinig ng bestfriend namin.

Hindi ko alam kung magsisisi ba ako sa desisyon na ginawa ko.

"Tama ba yung hula namin na kayo pa rin ni Eric?"ang tanong ni Lainez habang si Clarisse naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin.

"Yes. Tama kayo ng hula. Kami pa rin. Kasi naman hindi ko talaga sya maiwan lalo na nung nakita ko syang masaktan sa ginawa ni Roen. Hindi ko rin naman masisisi ang kaibigan natin kung bakit nya nagawa yun. Pero hindi ko talaga kaya. Naiiyak ako pag naiisip ko na maghihiwalay kami. :( " ang seryoso kong paliwanag sa kanila.

"Pero hindi ka ba natututo sa mga ginagawa ni Eric sayo?" ang muling tanong ni Lainez.

"Sabihin na lang natin na I just gave him another chance. Everyone deserves another chance, right?" ang simula ng aking argument.

"I think hindi lang yan ang chance na binigay mo sa kanya." paalala ni Lainez.

"Marami ng chances." dagdag pa ni Clarisse.

Pinili ko na lang na tumahimik at nanatiling nakatingin sa kanila dahil alam kong tama sila. Marami na talaga akong sinayang na pagkakataon na hiwalayan si Eric but pinalampas ko dahil sa stupid na pagmamahal na ito.

Si Eric kasi ang una kong naging boyfriend. Na sa sobrang dami kong suitors eh sya yung nagpatibok ng puso ko. Last year ko lang sya sinagot but marami na kaming beses na nag-away. Madami nang beses na umiyak ako dahil sa kanya.

Pinagsabihan naman na ko ng mga BFFs ko but I really love him talaga... :(

"Kung yan ang naging desisyon mo, hahayaan ka namin. Pero, once na umiyak ka ulit because of him, hindi lang suntok ang aabutin nya samin." ang pahayag ni Lainez na sinabayan ng pagtango ni Clarise.

Nihug ko silang dalawa. Nagpapasalamat ako na may mga kaibigan akong tulad nila. Na maiintindihan kung ano man ang nagiging desisyon ko. Saka si Roen, alam kong hindi ako matitiis nun. ^__^

Nagsimulang magdatingan na yung iba naming classmates at mga ilang oras lang din nagbell at dumating na yung teacher namin para sa unang subject. Pumunta na ako sa pwesto ko. Alphabetical kasi yung seating arrangement. Ang whole name ko ay Fhyela Trish Delos Reyes kaya nasa may second row ako. Katabi ko si Clarisse dahil Dela Vega ang last name nya.

Pero nagtaka ako dahil wala pa si Roen. Tsk2, nasaan nanaman sya? Ang hilig kasi nung tumambay kung saan dito sa campus at nalilimutan ang oras.

"Miss Mercado! Late ka nanaman. Anu naman ngayon ang maganda mong idadahilan?"ang tanong ni Ms. Tan.

Lahat kami ay napatingin sa may likod na pinto kung nasaang papasok ng palihim si Roen.

"Sa clinic po, Ma'am...hehe." ang simpleng sagot ng kaibigan ko sabay pakita ng kanang kamay nyang may bandage.

"Naku Miss Mercado this must be the last time. Sige maupo ka na. Don't be late again!" ang pahayag ni Miss.

"Yes miss. :)"ang sagot ni Roen saka sya dumeretso sa upuan nya.

Tiningnan ko si Roen while papunta sa may pinakadulo ng room. Nasa may likod sya nakaupo katabi si Lainez at malapit sa may bintana. Then tumingin sya sakin at nagthumbs up sabay ngiti.

Sabi na nga ba at hindi ako matitiis. ^_____^

**********

Natapos na ang aming morning schedule at lunch break na.

Dali-dali kong pinuntahan si Roen sabay hug sa kanya.

"Fhyela naman! Hindi na ako makahinga."ang sabi ni Roen habang inaalis nya yung kamay ko.

"Sorry naman. Sobrang happy lang kasi ako dahil hindi mo ko natiis." ang sabi ko with a big smile while yumakap ulit sa kanya.

"What happened to you, bhez?" ang tanong ni Lainez.

"Ano nakain mo Roen at ang bilis mong nagbago ng damdamin?"tanong ni Clarisse.

"Uhmmmm. I don't know. Kanina gusto ko lang magpahangin. Sa totoo nyan medyo nainis ako sa ginawa netong kaibigan natin. But do I have a choice ba? Hindi naman ako yung nasa relasyon na yan. But please Fhyela, kapag sinaktan ka at pinaiyak ka ulit ng lalaking yan, makipaghiwalay ka na TALAGA ha?!" ang sabi ni Roen habang deretso syang nakatingin sakin.

Tumingin ako sa kanya saka sumagot ng Promise!.

Kasi ang alam kong hindi naman na mangyayari yon.

"So okay na tayo? Tara na guys, punta na tayong cafeteria. Gutom na ko, hahaha" aya ni Lainez.
Lumabas na kami room at papunta na ng cafeteria.

Sa sobrang ganda ng mood ko, lahat ng masalubong namin ay binabati ko. ^____^

"Hi!...Hi...Hello."ang bati ko kung sino man masalubong namin.

"Eww ka Fhyela. Kahit si Weirdo binati mo." ang sabi sakin ni Hannah, isa siya sa mga classmate namin.

Dahil hindi ko napansin kung sino yung sinasabi ni Hannah eh lumingon pa ulit ako. Pati sila Lainez, Roen at Clarisse ay lumingon na rin. Nakita ko yung lalaking nakayuko sabay takbo palayo.  Mukhang narinig nya yung sinabi ni Hannah.

"Grabe ka naman, Hannah. Mukhang narinig ka nun."ang sabi ko.

"Well I don't care...haha...He's that senior na famous of being consistent weirdo, hahaha" pagkasabi nya nun sabay alis.

"Ai naku Fhyela hayaan na nga natin yung si Hannah at kung sinu mang senior/weirdo guy na yan. Nagugutom na ko. Tara na!" ang yaya sakin ni Lainez.

Okay. Pero naguilty naman ako dun sa guy. Wala naman kasing karapatan ang ibang tao na hamakin ang kapwa nila. Tsk2, pag nakita ko sya ulit hihingi ako ng sorry. ^__^

============♥=============


Mixture of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon