Chapter 47

672 20 21
                                    


Niyel's POV

Sumalubong sa'kin ang mga flash mula sa camera ng mga photographers. Medyo napahiya pa ako kasi muntik na akong matalisod sa paglalakad sa red carpet. Ganito pala ang feeling ng isang artistang pinagkakaguluhan sa red carpet. Parang ilang milya ang nilakad ko para makarating sa lobby ng Chateau de Avilion dahil sa sobrang hiya sa mga manonood. Napakamakatotohanan kasi ng lahat. May ibang tao rin bukod sa mga photograpahers na kumukuha ng pictures. Ang iba napansin ko ay mga kamag-anak ng ilang estudyante at ang iba naman ay lower years na nakikinood sa mga pangyayari. Naroon na sa lobby at naghihintay sina Rhea at isa pang estudyanteng lalaki na marahil ay taga-Joseph's.

Rhea: Good evening Niyel and welcome to Batch 07's graduation ball! Daniela Dominguez, this is Kenshi Uemura, Joseph's Student Council President. Umm. Here's your Program flow and kindly go to our Walk of Fame for the registration. It'll be your give-aways at the end of the event.

Malapit lang kina Rhea ang ilang nakahigang small pillars ng wet plaster of paris. Kailangan mag-foot print at pagkatapos ay kailangang isulat ang first name sa loob ng print. Marami na rin ang nakapag register at maingay na rin sa hall kaya siguradong marami nang tao sa loob. Pagbukas ng main door papuntang Grand Hotel Ballroom ay tumambad sakin ang Live statue ni Marylin Monroe sa tabi ng entrance. Bilib rin naman ako sa kanya kasi in character pa rin sya kahit nakakangalay ang ginagawa nya. At gayang-gaya pa nya ang iconic expression ni Marilyn habang naiilipad ang kanyang skirt ng hangin na mula sa breeze ng subway. Nakatingin pa ako kay Marilyn Monroe nang biglang may umabot ng aking kamay mula sa baba. Pamilyar ang mukha nya. Isang mukha mula sa kahapon.

Nigel: Long time no see Niyel.

Niyel: Mr. Nigel Trinidad, ikaw na ba yan?

Nigel: Kung magsalita ka parang ang laki na ng pinagbago ko ah.

Pero sa totoo lang malaki na talaga ang kanyang pinagbago. Hawak nya ang kamay ko habang pababa ng stairways. Kahit may sari-sariling mundo ang mga taong nasa hall ay di pa rin nila maiiwasang mapatingin sa bawat taong bumababa sa stairs. Parang may sariling moment ang bawat taong bumababa.

Niyel: Trabaho mo bang maghatid-sundo ng mga mula sa entrance?

Nigel: Hindi. Nakita lang kita. Mukha kang nahypnotize ni Monroe.

Niyel: Bakit mo pa ako sinundo sa taas?

Nigel: Ang dami mong tanong. Magpasalamat ka na lang at tsaka di ka ba natutuwang makita ako?

Niyel: Hindi talaga. Baka may magselos pa dyan sa tabi-tabi no.

Nigel: Sino?

Niyel: Painosente ka ba o tumatanda ka na lang talaga? Sino pa ba kundi si Val.

Si Valerie, Nigel at ako ay matalik na magkakaibigan noong primary years. Level 5 kami nang aminin sakin ni Valerie na may gusto sya kay Nigel. Marami na kasing naging crush si Valerie kaya akala ko, natuwa lang si Valerie kay Nigel. Hindi rin naman kasi si Nigel ang tipo ni Valerie. Madalas ang nagugustuhan nya ay yung mga heartthrob talaga. Samantalang si Nigel, malayo sa salitang HEARTTHROB. Passing rate naman sya in terms of looks. Kaso sobrang payat, may pagkamaliit at sobrang kulit. Mahilig pa sya sa computer games/RPGs. Sakit sa ulo pa ang laging pagpapalibre, akala mo lagi syang walang pera. Madalas nga tambay lang sya sa harap ng computer nila. Naisip ko na lang na siguro nadevelop lang sa kanya si Valerie. Sa akin lang sinabi ni Valerie ang nararamdaman nya at binilin na huwag ipapaalam kay Nigel. Hindi ito natural kay Valerie na kapag may crush ay alam ng buong school. Noong level 6 na kami, ilang buwan na lang bago mag-summer ay nagtapat sa akin si Nigel. Sabi nya, gusto nya raw ako. At kung pwede daw ba syang manligaw. Iba ang level nya hindi ba. Nasa Primary pa lang kami, nanliligaw na agad. Ano nang nangyari sa enjoyin muna ang pagkabata o ang paglalaro na lang sa mga computer games? Bakit biglang pag-ibig na agad. Well siguro kaya ganito ang mindset ko kasi hinid ko sya gusto. Baka sakaling kinilig pa ako kung gusto ko talaga sya at feeling ko joke lang. Tinawanan ko na lang noon si Nigel. Akala ko talaga noong una, joke lang. Pero noong last day ng level 6, binigyan nya ako ng bouquet of roses kasama pa ang isang heart shape na chocolate. Ginawa pa nya 'to sa harap ni Valerie. Bigla na lang umalis si Valerie habang si Nigel wala namang kaalam-alam sa resulta ng ginawa nya. Hindi ko kinausap ng ilang buwan si Nigel kahit pumunta pa sya sa bahay namin. Si Valerie naman ay hindi sinasagot ang mga tawag ko. Hindi ko naman sya mapuntahan kasi nagsummer vacation sya sa mga pinsan nya. Bago pa man magtapos ang vacation ay kinausap ko si Nigel. Sinabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang ang maiibigay ko sa kanya. Hindi nya ito maintindihan noong una. Ang dami nyang mga tanong at muntik pa syang umiyak sa harap ko.

Boys Meet GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon