Yen: Bakit parang wala akong nakikitang swimwear sa iniempake mo?
Tumingin ako kay Yen na paikot-ikot sa kama ni Lana. Madalas dito sya natutulog sa amin habang naka bakasyon pa sya.
Niyel: Yen, official business ipupunta ko doon. Hindi ako pupunta doon para magswimming at magbakasyon.
Yen: Kasama mo ba si Lawrence?
Niyel: I doubt it. Marami naman syang tao to oversee things.
Yen: Paano pag kasama pala sya?
Tinaas taas pa ni Yen ang kilay nya. Paano kapag kasama sya? Eh di wala lang. Wala naman akong karapatang umalma kasi sya yung may-ari.
Dapat hindi maapektuhan ng business dahil sa pag iinarte ko.
>>Flashback
Patuloy ang pag didiscuss sa akin ni Lana ng contract. Kailangan naming ibalik ito sa Emerald agad. Nagpa photocopy sya ng tig-isa naming kopya kasama ang mga notes nya sa gilid. Yung iba may highlights pa. Ang swerte-swerte ko talaga sa partner ko.
As she discusses further, ang naririnig ko lang ay blah-blah-blah. Bakit? Kasi iniisip ko kung pipirmahan ko ba itong kontratang 'to. Hindi ako komportableng kasama si Lawrence sa trabaho. Hindi ako komportableng maging boss si Lawrence.
Lana: And then Section VII...
Niyel: Lana.. Sorry..
Tumigil sya at tumingin sa akin. Binaba nya ang copy na hawak nya at umupo sa tabi ko.
Lana: May sasabihin ka?
Niyel: Ummm... Listen. Nagdadalawang-isip akong pirmahan ito.
Lana: I know. Halatang-halata naman sa itsura mo.
Niyel: (sigh) Naiilang talaga ako eh.
Lana: (sigh) Hindi sa minamaliit ko yung nararamdaman mo pero Niyel, kailangan natin 'to. Alam ko na alam mo na napakahalaga nitong opportunity na ito.
I feel so selfish nang marinig ang mga sinabi nya.
Lana: Kailangan mo rin ito di ba? (sigh) Sige. Iwanan muna kita. I'll let you sit on it for the rest of the day before making a final decision.
Tinapik nya ang balikat ko at umalis na para pumunta sa workshop. Di ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kontrata na nasa harap ko.
Ano ba ang tama kong gawin? Sinampal sampal ko ang mukha ko. Bakit ba ang hirap?!
Ang sarap sumigaw.
Breathe. Lumabas muna ako ng bahay. Tuesday kaya sarado pa rin ang pinaka shop namin pero may production. Sumilip ako sa loob at nakitang nag iinspect si Lana sa mga patapos nang produkto.
Parang kailan lang nang pinag-uusapan namin ang pagkakaroon ng sariling naming furniture design shop. Ang laki ng sakripisyo namin lalo na noong una. Tapos ang laki pa ng kapital para magkaroon kami ng lahat ng meron kami ngayon.
Mang Nick: Good morning Ma'am Niyel!
Niyel: Good morning po.
Ang sipag nila.
Ang maghanap ng mga tamang tao ay isa sa mga pinakamahirap sa negosyo. Kailangan ng mga empleyado na magpagkakatiwalaan at seseryosohin ang trabaho nila. Mataas ang turnover dito sa amin dati. Buti na lang nakahanap na kami ng mga tamang tao. Itong si Mang Nick balita ko nagthethesis na ang anak nya. Napaka gastos daw kaya kapag may mga additional na trabaho. Wala daw problema sa kanya.Si Jun-jun naman malapit nang manganak ang asawa. Ninang nga daw kami eh. Yung iba naman naming mga kasama karamihan ay breadwinner. Ang sisipag din. Hindi mahirap turuan at pakisamahan. May malasakit talaga sila sa shop namin. Kaya nga tuwang-tuwa din sila pag napupuri ang mga gawa nila ng customer o kapag may madaming order.
BINABASA MO ANG
Boys Meet Girls
RomanceFinally it's the continuation of Boys Meet Girls. Niyel, Lawrence and the rest of the gang are now back. (Refer to this link for the first batch of chapters - https://www.wattpad.com/445372-6_6-boys-meet-girls-n_n-by-pao . Big thanks to Hollyx for i...