Rei's POV
Rei: Kuya hindi mo ba talaga alam ang bahay nila?
Pedicab driver: Eh ate. Lam mo bang madaming batang Anthony dito. Kung bibigyan mo ako ng apelyido eh di nagkakaintindihan tayo.
Walang kwenta 'tong si kuya. Sabi nya kanina kilala daw nya si Anthony. Sure na sure pa sya. Pinerahan lang nya at pinaikot-ikot ako sa mga eskinita. Akala ba nya tour ang binayad ko sa kanya!? Bad trip! Kuh!
Nagpababa na ako sa gilid. Lumakad na lang ako papasok ng isang eskinita. Ang alam ko ang sabi nya ay malapit daw sila sa sari-sari store tapos may junk shop din daw. Bakit kasi ang shunga ko at di ko matandaan ang apelyido nya. Lumakad ako ng lumakad. Nakasuot lang ako ng tsinelas, tshirt, shorts at cap. Nagbyahe lang din ako papunta dito. Mas maganda kasing makiblend lang pero kahit ganoon ang ginawa ko, may mga tumitingin pa rin sa akin. Hindi ko alam kung magtatanong ba ako basta kung kani-kanino. Mukang sira kasi na di ko alam ang apelyido ng hinahanap ko.
Oh! May lumipad na kaldero. May sumunod pang lumpipad na sandok at kawali . Aba, iba din. Magluluto ata sa labas sina ate.
Nagtapon ng gamit: Walang hiya kang #$%& ka! Sinong niloko mo ha!? Ha?! @#$%! Mamatay ka na!
Ang lutong ate. Ga-crispy pata ang kalutungan. Medyo binilisan ko ang paglalakad. Baka matamaan na ako ng kung anumang ihahagis pa ni ate kay kuya. Baka kutsilyo na ang isunod nyang ibato.
Nang magtagal ay may nakita akong sari-sari store pero walang malapit na junk shop dito. Sa paglalakad ko ay may pasuray-suray akong nakasalubong.
Lasing: Ikaw! Kilala mo ba ako ha!? Ako ang hari dito!
Yumuko lang ako at tumakbo. Lumingon ako nang makalayo. Hay salamat at hindi nya ako hinabol.
Rei: Aray!
Babae: Ano ba?! Wag kang shushunga-shunga!
Nadagil ko ang isang babae na may hawak na bata habang naninigarilyo. Umiiyak ang bata at tumutulo ang sipon nito. Puno ng mantsa ang butas-butas nyang damit. Marungis din ang kanyang mukha. Siniringan ako ng siguro ay nanay ng bata. Gusto kong hilahin mula sa bibig nya ang sigarilyo na hinihithit nya. Hindi ba nya alam na nakakasama iyon sa baby nya?!
Rei: Pasensya na po.
Pero wala naman akong magagawa. Lumakad na ako ulit. Nag ring na naman ang phone ko. Kung sino ka man, pasensya na. Mahirap maglabas ng phone rito.
Mag gagabi na. Sa ibang araw na lang kaya ako bumalik? Pero kailangan na nya ito. At tsaka narito na rin naman ako. Dapat maibigay ko na.
Nasaan ka ba Anthony?
Si Anthony ay isa sa mga naging student ko sa volleyball clinic noong summer. May potential sya. Mabait at masiyahin syang bata kaso malnourished at sakitin kaya may mga pagkakataon na di sya umaattend. Naging close ako sa kanya dahil lagi nya akong kinukulit.
After ng summer, may mga tsansa na nakikita ko pa rin sya. Nagtitinda kasi sya ng sampaguita sa simbahan namin kaya kada linggo, bumibili ako sa kanya para makatulong. Inaabutan ko rin sya ng extra. Lagi ko rin syang kinakamusta. Minsan binibigyan ko sya ng supot ng mga biscuit at cupcakes para baon nya sa school.
Nitong nakaraang linggo lumapit sya sa akin para sabihin na kaya sya wala ng mga nakaraang linggo ay dahil ang nanay at tatay nya ay nasa ospital dahil sa aksidente. Humihingi sya ng pinansyal na tulong. Kailangan daw nya ng 15,000.00. Umiiyak sya at sinasabing nahihiya raw sya sa akin pero kailangan daw talaga ng pampalabas ng ospital ng mga magulang nya. Wala akong dala na ganoong kalaking pera noon. Ni hindi ko dala ang ATM ko. Gusto ko talaga syang tulungan kaya sabi ko, magkita kami sa mall. Nalate ako dahil sa sobrang traffic ng araw na iyon. Pag dating sa tagpuan namin, wala na sya. Kaya ngayon ay narito ako at personal na lang syang pupuntahan. Ang mahirap lang ay di ko alam ang apelyido nya o kahit anong contact number. Nakadepende lang ako sa mga kwento nya dati.
BINABASA MO ANG
Boys Meet Girls
RomanceFinally it's the continuation of Boys Meet Girls. Niyel, Lawrence and the rest of the gang are now back. (Refer to this link for the first batch of chapters - https://www.wattpad.com/445372-6_6-boys-meet-girls-n_n-by-pao . Big thanks to Hollyx for i...