Chapter 52

158 3 4
                                    



Naamoy ko ang simoy ng hangin mula sa dagat. Kung hindi lang kami sobrang busy, aakalain ko na talaga na isa itong bakasyon.

Pagkagising pa lang namin ay dumeretso na kami sa dining hall para sa almusal. Mas praktikal na doon na lang kami kakain kaysa magluluto pa kami sa aming tinutuluyan. 7 am pa lang nagsisimula na kaming bumisita ng ilang location. Check ng sukat dito. Check ng sukat doon. Discuss dito. Discuss doon. Nakilala ko na rin ang ilang tao sa construction site. Hindi nagpadali sa amin ang layo ng mga location mula sa isa't isa.

Naglate lunch na lang kami dahil ayaw naming sumabay sa rami ng tao. Nang maachieve na namin ang target namin for the day. Bumalik na kami sa house para sa iba pang work. Sa aming 3, ako ang may pinaka madaming gagawin. Dati pa naman naapproved ang design nila. Mayroon lang ngayon na mga dinagdag at konting nirevise dahil sa hindi approved ng geotechnicians. Sabi ni Ms. Castanos more on sa landscape architecture changes daw talaga ang ipinunta nya ngayon dito.

Nalaman ko sa kanila na mayroon nang naunang kasama sila para magpoprovide ng furnitures pero hindi daw nagkasundo. Kaya pala sa latter part lang ng planning and construction kami nakapasok sa eksena. Medyo nakakastress pero pinapadali nina Ms. Villaluz ang trabaho ko. Marami kaming exchanges ng ideas. And napaka professional nila.

Para akma lahat in terms of design, si Ms. Villaluz muna mag aapprove then ang Design Head o si Lawrence. Sabi nya kay Lawrence daw sya mismo nag paapprove dahil sya naman itong mismong kasama namin ngayon. Mas mabilis din daw kasi mag approve si Lawrence at saka nasa city kasi ngayon ang design head. Sa ganito,  mas efficient daw ang trabaho.

Speaking of Lawrence, mukang napaka busy nya. Hindi ko pa sya nakikita buong araw. Tumatakbo daw sya noong umalis kami sabi ni Mr. Castillo kaya sa amin sya sumabay sa pagkain.

More on tawag and email ang ginagawa ng mga kasama ko habang ako naman ay nakasubsob sa SketchUp at Cad. Walang daldalan. Walang chikahan. Purong trabaho lamang. Dahil dito ang dami kong natatapos.

Sinend ko na kay Ms. Villaluz ang first batch ng nagawa ko. 3/8 ng dapat icover ay inilagay ko rito. Marami akong sinubmit kasi edit-edit na lang ito ng mga naisip at nagawa ko dati. Katabi ko si Ms. Villaluz kaya nakita ko na chinecheck na nya agad.

Papahinga muna ako. Ang sakit na ng likod ko. Kumuha na lang ako ng tinapay para sa hapunan na sinamahan ko ng brinew na kape ni Ms. Castanos. Tumingin ako sa orasan. 8 pm na pala. Pagkakain ay sinilip ko ang ginagawa ni Ms. Villaluz. Nagchecheck pa rin sya kaya lumabas muna ako ng bahay. Nagstretch-stretch muna ako ng arms. Hay. Ang sarap ng hangin! Ang kalma ng paligid.

Sa di kalayuan ay nakita kong naglalakad na papalapit si Lawrence.

Lawrence: Hey.

Binati nya ako pero di na nya hinintay na mag respond ako. Dumiretso na sya sa loob. Pawisan sya at parang nakalimutan nyang naka hard hat pa sya. In fairness. Masipag talaga sya.

Dito muna ako sa labas. Umupo ako sa steps at kinuha ang phone ko. Grabe. Ngayon ko lang ito machecheck sa buong araw dahil sa sobrang busy ko. Ayy! Walang signal. Ang alam ko kaninang umaga naman meron. Binuksan ko ang online messaging app ko at tiningnan ang mga na load na messages. Ang rami ko na palang di nababasang message ng Trouble Makers. They demand a reply daw from me. Sorry girls. Walang signal.

Pumasok na ako sa loob at naupo sa harap ng laptop ko. Ganoon pa rin ang itsura ng mga iniwan ko. Biglang bumaba si Lawrence mula sa itaas at dumeretso sa bathroom. Ilang minuto pa ay dumating na rin si Mr. Castillo. Binati nya kami bago sya umakyat sa itaas.

Biglang pumasok ang email ni Yna sa akin regarding sa status ng bago nyang project. Teka. Bakit may network connection pero wala akong signal sa phone? Baka sira 'tong phone ko.

Boys Meet GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon