Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Lawrence. For sure, nang aasar lang sya. Pinagtitinginan kami ng ilang workers na nasa lugar. Nagulat siguro sila na may kalandian ang boss nila. Bigla tuloy akong nahiya. Sabi nila mas chismoso daw ang mga lalaki. Kung kumalat, mapapatunayan na totoo yoon.
Dumeretso ako sa admin office at personal na tinanong kung matutuloy ang activity today pero sinabi nilang hindi pa pwedeng ituloy ang pag-akyat sa bahagi kung nasaan ang treehouse.
Niyel: Wala po bang way? Para magkaroon kami ng progress.
Ms. Trina: Ma'am, hindi pa talaga pwede. Mahirap pong pumunta doon lalo na po't malambot ang lupa dahil sa tagal ng ulan. Kung yung dati po sigurong path nya, pwede pa nating magawan ng paraan kasi mas madali ito at safe. Pero dahil nasakop ng construction site ang trail papunta doon, yung alternative po na daan ay mas malayo at masukal. Please huwag nyo nang pilitin. Doon na tayo sa safe Ma'am.
Napaupo na ako sa upuan na nasa harap ni Ms. Trina.
Niyel: Naiintindihan ko Ma'am. Nakaka frustrate lang kasi last full working day ko na ito. Bukas aalis na ako.
Ms. Trina: Kung gusto nyo Ma'am. Magpapadala na lang kami ng tao doon mamayang hapon if magtutuloy-tuloy ang magandang panahon. Mas kaya po nilang pumunta doon. Tsaka sukat and pictures lang naman po ang kailangan nyo, hindi ba? Kaya na nila yoon. Mag-iwan na lang po kayo ng instruction.
Tempting pero mas maganda na kasama ako. Iba kasi ang pakiramdam na naroon ka talaga sa site at nakikita mo ang mismong subject.
Niyel: Salamat pero huwag na lang kung hindi ako kasama.
Kailangan ko nang iwagayway ang puting bandila. Siguro bukas na lang talaga. Sana maayos ang panahon buong araw para matuloy na bukas. Lumakad na ako pabalik sa container house namin. Guess I'll just have to continue my designs. 1/8 na lang ang natitira kaya matatapos ko na siguro yoon today. Pagpupuyatan ko na lang. Nagsubmit na ako ng for approval kina Ms. Villaluz and Lawrence kagabi. Hopefully maapprove lahat yun para at least matapos ko na ang designs bago umalis ng island.
Nang makabalik ako sa container house, naririnig ko na naliligo si Lawrence sa banyo. It's already past 11 am. Grabe. Nawala ng ganoon lang ang kalahati ng araw ko. I feel so unproductive. The ironic part is, ang boss ko pa ang pasimuno sa kalokohan kaya nasayang yung time ko sa trabaho.
Nagbukas na ako ng laptop at nagcheck muna ng e-mail. Yes! May reply na si Lawrence regarding sa mga pinaapprove ko kagabi kahit wala pang recommendation si Ms. Villaluz. Mabuti naman at gusto na rin nyang madaliin ang trabaho ko. Binuksan ko ang email. Hindi naka "Reply to all" ang email nya. Sa akin lang nya talaga sinend.
Email:
Niyel,
Exhibits 9, 16, 18, 22, 23 and 29, approved. Kindly revise the rest and consider the recommendations in the attached file.
Regards,
Lawrence
Teka teka. Tama ba itong nababasa ko? Anim ang inapprove nya. Ilang beses ko pang binasa ang reply nya. Tama ba ito? Anim LANG ang naapprove? Out of 22, 6 lang ang naapprove?! Ibig sabihin 16 ang dinicline! May typo ba sa email nya?! Binuksan ko ang attachment ng email at doon pa lang ako naniwala na walang typographical error. Nakalista sa attachment ang comments nya o problema nya sa kada design. I can't believe him. Matapos nya akong pahirapan kahapon. I actually saved him from his mom and yet parang wala syang consideration sa akin. Nakaka high blood.
Finorward ko kay Lana ang email nya. Isang buong email na puro reklamo ang sinabi ko kay Lana. Kailangan ko ng paghihingahan ng sama ng loob kay Lawrence. Damang-dama ko ang pag tatype kaya di ko napansin na tapos na palang maligo si Lawrence at bihis na sya for work. Kinuha nya ang laptop nya na nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Boys Meet Girls
RomanceFinally it's the continuation of Boys Meet Girls. Niyel, Lawrence and the rest of the gang are now back. (Refer to this link for the first batch of chapters - https://www.wattpad.com/445372-6_6-boys-meet-girls-n_n-by-pao . Big thanks to Hollyx for i...