Yen's POV
Thank God we have clear skies today. Ang saya ko! Matagal na rin kaming hindi nakakalabas ng ganito. Makakapagrelax kami nang magkakasama. Oooh. I'm so exciteeeed!
Alanis: Tell me again why we have to go THERE?
Nag-iinarte na naman si Alanis. Inaasahan nyang mas maganda ang venue namin. Iba kaya kami ng definition ng maganda. Ang taas kasi lagi ng expection ni ateng. Hindi ko mareach! Kung ibaba ko kaya 'to at paglakarin pauwi?
Yen: Kalma lang 'te. Hindi mo pa nga nakikita, ang dami mo nang reklamo. At ikaw kaya ang nagyaya ng ganito. Bakit kasi hindi mo itinuloy 'yung pag aarrange para 'yung gusto mo ang nasunod.
Alanis: Do I look like I have a time for that?
Yen: Isa pa 'yan. Ang hirap magpa book dahil sa mga schedules nyo! Nakaka stress kaya!
Alanis: Madali lang Yen. I have contacts. Sana sinabi mo sa akin para natulungan kita sa concern na 'yan.
Yen: Move on Alanis. Bakit ba hindi ka nagdala ng sarili mong sasakyan para hindi ko naririnig 'yang pagbubunganga mo.
Alanis: Kung nagdala ako ng sasakyan ko, baka I'd go to a different place na lang. And it's not my fault. Rei's supposed to drive us. The nerve.
Yen: Nasaan na nga ba 'yang si Reina Villa?
Alanis: Can you believe her. We're already outside waiting for her. Saka pa sya nagsabi na susunod na lang sya. Stupide! Di ba, Kate?
Hindi sumagot si Kate. Kahit ngawa nang ngawa si Alanis, somehow, nakatulog sya sa byahe.
Yen: Siguraduhin lang nya na susunod sya. Nako. Kung ayaw nyang make-upan ko sya na parang drag queen.
Tiningnan ko si Niyel sa gilid ko na puro cellphone na lang ang inaatupag. I'd like to quote my mom..
Yen: Cellphone ka na naman ng cellphone!
Di nya ako pinansin.
Yen: Oh sige guys, groufie na lang muna. Isend natin kay Rei.
Itinaas ko ang phone ko para sa groufie.
Alanis: Zut Yen! Nagdadrive ka. Mag ingat ka naman!
Yen: Oh sige. Ikaw na lang Niyel ang kumuha. Friend?
Niyel: Busy ako Yen. Shhh.
Ay dyosko. Ang ganda-ganda ng araw tapos ganito ang mga kasama ko. Nakakaubos ng ganda!
Yen: Mga bakla. Sinasabi ko sa inyo. Malapit na akong umalis. If you spoil this and waste my effort, kakalbuhin ko ang mga kilay nyo.
Di sila nagsalita. Malapit na akong umalis. Well hindi sobrang lapit. Tipong less than two weeks na lang. Buti at nakapag paextend pa ako.
Yen: Niyel, icheck mo nga kung nasaan na sina Lawrence.
Niyel: Alanis, pakicheck please.
Alanis: Heey. Ikaw ang may number nya.
Parang nainis si Niyel. Umaattitude si ateng. Meron ba sya today? Kanina pa sya ha.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa destinasyon. Grabe ang ganda talaga ng view. May isang malaking wood cabin sa gilid ng lake. Ang ganda ng lake, ang linis. Tapos nasa baba ito ng isang bundok na mas nakaganda sa location.
Nag-aabang na sa amin ang boys sa labas. Dalawa ang sasakyan na dala nila. Lumapit si Eric sa amin nang nakapag park na ako. Sumilip sya sa window ko.
Eric: Kamusta ang byahe?
Yen: OK naman. Ang sasayang kasama ng mga tao sa sasakyan na 'to. Teka, dapat isinama mo si Yna.
BINABASA MO ANG
Boys Meet Girls
RomanceFinally it's the continuation of Boys Meet Girls. Niyel, Lawrence and the rest of the gang are now back. (Refer to this link for the first batch of chapters - https://www.wattpad.com/445372-6_6-boys-meet-girls-n_n-by-pao . Big thanks to Hollyx for i...