Hindi binigay ni June ang location ni Lawrence. Kilala daw nyang private person si Lawrence. Baka mapagalitan pa sya ni Lawrence kapag binigay nya sa ibang tao ang location nya. Nirecommend na lang nya ang "get well soon" flowers or fruits if gusto kong magpahatid ng concern sa nangyari. Ganoon daw ang ginagawa ng karamihan. Hindi ko na sya pinilit. Baka kung ano pang isipin nya.
Narating na namin ang last destination namin, ang airport. Sinundo ako ni Lana. Napakabait talaga ng partner ko. Pumasok na kami sa kotse at mula nang tumakbo ito, wala nang tigil si Lana sa pagsasalita. Mga bagay tungkol sa project, sa new possible market, at kung anu-ano pa na tungkol sa trabaho. "Ah talaga" lang ang naiisagot ko sa kanya. Parang akma naman ang sagot na yoon sa takbo ng "usapan" namin. Masyado syang masaya sa developments kaya di nya napapansin na hindi talaga ako nakikinig. Ang sama ko.
Ano na kayang lagay ni Lawrence?
Mabilis kaming nakabalik sa shop namin. May isang kotse na nakapark sa harap ng shop kahit closed naman ito.
Niyel: May bisita tayo?
Ngumiti si Lana habang tinutulungan ako sa pagdadala ng mga gamit ko papasok.
Binati kami ng mga tauhan namin sa shop nang mapadaan kami sa kanila. At nang makarating kami sa mismong bahay namin. May sumunggab na agad sa akin.
Yen: NIYEL! Welcome back!
Ang tindi ng yakap sa akin ni Yen. Akala mo isang taon kaming hindi nagkita. Nasa loob din si Alanis na mukhang nagkakape sa may dining area.
So sa kanila pala ang kotse sa labas.
Yen: Girl! Anyare sa'yo?! Hindi ka nagparamdam sa amin the whole trip!
Niyel: Wala namang nangyari. Work work lang.
Alanis: Wala ba talaga?
Tumayo si Alanis at iniabot sa akin ang phone nya. Pliney ko ang recorded video na naroon.
>Yna: Please give this to her. Ate I should be too busy to care pero this is serious. Bakit tumawag dito si Mrs. Vista yesterday? Gusto nyang makausap si Mom. Kasi kayo na daw ni Lawrence?! WHAT DOES SHE MEAN?! Buti ako ang nakasagot. And gusto pa nyang mag catch up sila ni Mom! Nagpalusot na lang ako. I can't tell this to Mom. Mag aalala sya sa'yo. As for me, di na ako mapakali tapos hindi naman kita matawagan. Paki explain as soon as mahanap ka nina ate Yen.
Hay. Why does she sound so much older than me. Hindi ko pa nabababa ang gamit ko, may ganito na agad issue.
Yen: Paki explain daw.
Nakatingin silang lahat sa akin. Tinabi ko ang dala kong gamit.
Niyel: Huwag nyo nang isipin. Wala yoon.
Lana: I don't think so. Kanina ka pang lutang sa sasakyan.
So napansin naman pala nya. Kinuha ko ang phone ko para kontakin ang kapatid ko. Hindi ko akalain na aabot ang mother ni Lawrence sa pag contact kay Mom.
*Rings*
<Yna: Ate finally! Anong nangyari?! Iexplain mo sa akin lahat.
>Niyel: Wala man lang hello?
<Yna: Come on. Sabihin mo na ate!
Ang pagtawag ng "ate" lang ang nagbibigay galang sa akin. Siguro kung magkaharap kami, nilamon na nya ako ng buo.
>Niyel: Huwag ka nang mag alala. Wala lang yoon. Misunderstanding lang yoon ng mother ni Lawrence.
<Yna: Really? Yoon lang ang sasabihin mo sa akin?! I HAVE SO MANY QUESTIONS ATE. Paano kayo naging connected ulit ni Lawrence? Magkarelasyon na kayo?! At paano nagka misunderstanding? You better explain.
BINABASA MO ANG
Boys Meet Girls
RomanceFinally it's the continuation of Boys Meet Girls. Niyel, Lawrence and the rest of the gang are now back. (Refer to this link for the first batch of chapters - https://www.wattpad.com/445372-6_6-boys-meet-girls-n_n-by-pao . Big thanks to Hollyx for i...