Chapter 57

154 7 9
                                    

Niyel's POV

Yen: Ay walang bago?

Binaba ni Yen ang gamit nya upuan habang tinitingnan ang flowers na nasa vase.

Niyel: What, do you expect him to give me flowers everyday?

Yen: Syempre!

Hinila nya ang upuan sa tabi ko at nagkunwaring interesado sa pinipinta ko.

Yen: Kasi hindi mo sya masyadong pinapansin. Or wala syang mapagpadeliver dito kasi he ran out of good people to deliver this.. may attitude kasi 'yung last na nagdeliver.

Si Yen ang nagreceive ng mga flowers sa vase. It was from Lawrence a day after our out-of-town trip.

Yen: Hindi ba nga sinabi mo na parang pursigido sya lately pero hindi mo naman nirereplyan o pinapansin. Ayaw mo ba syang bigyan ng chance?

Niyel: Hindi ko alam Yen. Saka ko na lang 'yan iisipin kapag tapos na ang mga commitments ko sa work, sa life.

Yen: Aw. Hindi pwedeng pagsabay-sabayin? Pero alam mo, ramdam ko na sincere sya.

Niyel: Huh? Paano mo naman ramdam?

Yen: Kwinento mo sa akin, hindi ba? Oh sya. Aalis na ako ulit.

Niyel: What? Kakarating mo lang ah.

Yen: Dinalhan lang kita ng food na niluto ko pero dito din ako tutulog later. May lalakarin lang kami ni Alanis.

Umalis na si Yen.

Tiningnan ko ulit ang flowers na binigay ni Lawrence. Bumuka na ang ilang bulaklak na hindi pa nagbubloom nang matanggap ko ito.

Seryoso ba talaga si Lawrence sa mga sinabi nya sa akin?

>>Flashback<<

Hindi ako makatulog.

Naisipan kong magpahangin muna sa labas baka sakaling antokin ako. Ang weird lang kasi dapat mas madali akong makakatulog matapos ang ginawa naming activity pero kabaliktaran ang nangyari. Siguro dahil na rin sa mga tanong kanina. Feeling ko daig ko pa ang nasa hot seat. Kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko na laro lang 'yoon, apektado pa rin ako.

Eh bakit nga ba apektado ako?

Siguro dahil hindi ko inaasahan ang mga sagot ni Lawrence?

Siguro dahil parang binubuksan pa ng laro ang mga sugat ko dati. Utang na loob. Siyam na taon na ang nakakaraan pero problema ko pa rin ito.

Naramdaman kong ilang beses na nagvavibrate ang phone ko. Kanina pa akong iniistorbo ng mga notifications at chats. For sure isa na naman ito sa mga tao na mag cocongratulate sa akin kunwari pero ang gusto talaga nilang malaman ay kung sino ang nagpropose sa akin.

Napatigil ako nang makitang may mga ilaw na lumulutang sa gilid ko. Mga alitaptap ba ito? Lalapit pa sana ako nang maramdaman kong may ibang tao. Lumingon ako at nakita si Lawrence.

Nakatayo sya sa dulo ng deck. Bakit kailangang sa lahat ng tao na kasama ko rito, sya pa talaga ang pumunta dito habang nag eemote ako? Lumakad sya papalapit sa akin.

Darn. Please don't. Hindi ako ready. Sana magpapahangin lang rin sya kaya sya narito. Pero Sino bang niloko ko? Malakas ang pakiramdam kong hindi sya lumalapit sa akin para magpahangin lang. Seryoso ang mukha nya. Ang mga mata nya, nakapukol sa akin habang naglalakad papalapit.

I'm so happy he stopped walking by the time he reached the middle of the deck.

Lawrence: Listen. About what happened..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boys Meet GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon