Chapter 49

160 3 0
                                    

Mom: So how was your night with the girls?

Niyel: It was fun Mom. We ended up sleeping over at Alanis' room.

Mom: Sana sinama mo na rin sila dito.

Niyel: Napuyat kasi kami Mom. So natutulog pa yung iba nung umalis ako.

Mom: You should have texted me so I can move our Sunday lunch into a dinner para nakapag pahinga ka rin tulad nila.

Niyel: Wag kang mag-alala Mom. Marami din akong gagawin kaya hindi rin ako makakapag stay doon.

Halos tuwing Sunday ginagawa namin ito para sa family quality time. Madali kasing magpadala sa ka-busy-han ng buhay kaya minsan nakakalimutan nang maglaan ng oras para sa mga mahal sa buhay.

Yna: Nandoon din si Eric di ba?

Niyel: Oo. Sinamahan nya si Christof.


>>Flashback<<

Niyel: Wait Eric. May itatanong ako.

Eric: Ano?

Niyel: Bumalik na ba si..... Lawrence?

Tumingin sya sa akin na parang nabigla sa tanong ko.

Eric: Ang tagal ko nang di naririnig ang pangalan na yun from you ah.

Ngumiti lang ako ng pilit.

Eric: Wala akong balita sa kanya eh. Mga 4 na taon na rin nung last naming pagkikita. Ang alam ko lang ngayon, naroon sya sa ibang bansa. Sa totoo lang, mahirap syang hanapin. Parang di sya nag eexist kasi walang syang kahit anong social media account. Sya lang talaga ang kumontact sa akin before kaya ko sya nakausap.

Baka kamag-anak lang nya siguro yung narito. I mean marami naman sigurong Mr. Vista.

Eric: Bakit mo naitanong?

Niyel: Wala. Hayaan mo na. Tara na sa loob.

<<End of Flashback>>


Nacurious lang naman ako. When it comes to Lawrence kasi di ko alam mararamdaman ko. I don't know if I have fully forgiven him because of the stigma he left.

Yna: By the way, may meeting ako with the franchise consultant next Sunday so wala ako sa lunch natin.

Niyel: Ay oo. Buti na brought up mo. I also have to pass. Medyo busy talaga ako lately eh. Medyo dumami yung clients namin.

Mom: OK lang yun. I'm so proud of my girls. I know your dad will be proud too.

Yna: Sabi ko naman sa'yo Mom. Kaya natin 'to.

May faint smile si Mom. Apat na taon na ang nakakaraan nang pumanaw si Dad. It was so sudden. Kinikimkim pala sa amin ni Dad yung mga problema nya sa negosyo. He ventured to a new business pero naloko sya ng partner nya. So yung mga pambayad sa naipong utang at damages brought by the new business ay kinuha sa existing naming negosyo. We had to compensate para makaiwas sa lawsuits. At hindi lang yun. Pagkamatay ni Dad ay sobrang nadepress si Mom. Napabayaan nya yung restaurant chains namin. Mismanagement was the problem. So during those tough times, 3 na lang ang natira sa mga restaurant namin. Actually muntik nang maging 2 lang ito kung di lang kami natulungan ng kamag-anak namin. College pa lang si Yna noon samantalang ako ay gagraduate pa lang. We really had to step up for Mom.

Masakit lang sa akin na nawala si Dad nang di kami OK. He wanted me to take Business para daw may background ako sa management ng mga negosyo. Pero sinuway ko sya. I took up Arts. Hindi sya masaya sa naging desisyon ko. OK lang daw kung hobby pero as a carreer, hindi nya ito aprobado. Si Mom lang ang pumayag. Sobra ko talaga guilty. Feeling ko naka dagdag pa ako sa sama ng loob ni Dad kaya inatake sya.

Boys Meet GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon