Chapter 50

166 2 2
                                    


Lawrence: Sorry. Nagulat ba kita? Meron ka dito oh.

Tinuturo nya ang kaliwang pisngi ko. Pero masyado akong tulala para magets yung tinuturo nya. Inilapit nya ang kanyang kamay sa mukha ko para punasan ito ng inilabas nyang panyo.

Lawrence: Lumagpas ang lipstick mo sa pagkagulat mo.

Ms. June: Sir? Naghihintay na po sila sa loob.

Lawrence: OK. Sorry. Kasama ka sa meeting Niyel right? Let's go?

Inextend nya ang kanyang kamay para paunahin akong pumasok sa loob ng meeting room. Lumakad sya sa pinakaunahan habang ako ay pumunta sa upuan ko sa kabilang dulo ng lamesa. Magkatapatan kami at isang mahabang lamesa ang pumapagitan sa amin.

This is so awkward. Breathe. Niyel chill ka lang. OA yung reaction mo. Kailan ka pa kinabahan sa harap ng mga naging ex mo. Childhood ex mo lang yan. Ni hindi nga kayo tumagal ng isang taon.

Lawrence: Please sit down everyone. Sorry for making you wait. I had to sign some urgent documents.

Gumwapo sya lalo. Mas lumaki ang katawan nya. Mas naging buo ang boses nya. At ang bango-bango nya. He looks so confident in his suit.

Sinipa ni Lana ang paa ko at pinandilatan ako. Humigop ako ng kape habang dinidiscuss ng isang manager ang pinaka concept ng resort. Hindi ito ang oras para maging shunga. And seriously, things didn't even end well with you two! Bakit parang kinikilig ka pa sa kanya? Hate na hate mo nga sya kagabi di ba.

Tumingin ulit ako kay Lawrence na nakikinig sa nagdidiscuss. Biglang napatingin rin sya sa akin. Shocks. Nahuli pa nya akong tinitingnan sya at nginitian nya ako. Ang light ng aura nya. Si Lawrence ba talaga 'to? 

Why is he so casual about this?

Lana: Before we proceed with the contract and other discussions. Here are some of our new designs which you may like.

Umikot si Lana para ipamigay ang mga booklet. Isa isa itong chineck ng mga taga Emerald. Sinara ni Lawrence ang booklet at sumandal sa kinauupuan nya.

Lawrence: These are good designs pero hindi ito ang hinahanap namin.

Then what? I think it goes well with the concept of the resort. Hay.

Breathe.

Niyel: Alright Mr. Vista. We will just provide you with more designs.

Inilabas na ni Ms. June ang mga kopya ng kontrata at pina pirma ito kay Lawrence. Matapos nito ay iniabot nya ang mga kopya sa akin.

Ms. June: No need to sign now. We suggest you to review the whole contract. We will just expect the signed copies 3 days from now.

Natapos na ang meeting at nauna nang umalis ang ilang employees.

Lana: Halika, kamayan natin sya at pasalamatan ng personal.

Lumakad kami papunta kay Lawrence. Sinasabi ni Ms. June sa kanya ang mga sunod nyang appointment nang makalapit kami sa kanya.

Lana: *shakes hand* Mr. Vista, we would want to personally thank you and your company for selecting us as your partner.

Lawrence: No need to thank me Ms. Rosario. Your unique designs caught our eyes. It's not hard to choose you over others.

He smiled at me again OR was it for the two of us? Nababanlag na ata ako.

Ms. June: Excuse me Sir, your next meeting will be in 10 mins. at room 5.

Lawrence: Thanks June.

Boys Meet GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon