Introduction I

16.6K 493 46
                                    


Ako si Yuki Hasegawa, I'm a half Japanese and a half filipino. Lumaki ako dito sa Pinas, kaya naman hindi ako marunong mag salita ng hapon. Hindi na rin kasi ako naturuan ng aking Otosan (ama sa tagalog) dahil maaga itong nawalay sa amin. Ang nanay ko naman ay paralisado. Tanging kaliwang bahagi na lamang ng kanyabg katawan ang kanyang naigagalaw. Nagtangka siyang magpakamatay noong namatay ang aking Otosan. Wala akong kapatid, mga tita ko lang ang naging kaantabay ko, sila din ang nagpaaral sakin noong nasa elementarya pa ako.
Hindi na nila ako nagawang papag aralin ng hayskul, dahil may sarili na rin silang pamilya. Pakiramdam ko habang buhay na akong hindi makakaahon sa hirap dahil hindi na ako makakapagtapos ng pagaaral hanggang kolehiyo.
Nagpasya akong magtrabaho, nagtinda ako ng bananaque kung saan-saan, para sa pang araw-araw na pangangailangan namin ni mama. Kina tita ko inutang ang puhunan ko. Kaya naman nung nakabenta ako ng medyo marami, binalik ko agad ang nahiram ko dahil alam kong hirap din sila sa buhay.

Lagi akong naglalako sa may palengke, doon kasi maraming tao tuwing umaga at hapon, kahit ang mga nagtitinda dun madalas bumili sa bananaque na binebenta ko.

Noong pauwi na ako,  madilim na at nakasara na din ang mga ilang tindahan doon sa palengke. Hindi naubos ang tinda ko, pero ayos lang ang importante may benta at para na rin maalagaan ko si mama.

"Tibo, pabili nga!" maangas na sabi ng lalaki, ngunit hindi ko pinansin dahil sa pag aakalang hindi ako ang tinatawag nito.

"Hoy tibo!" sigaw niya ulit, sabay hatak sa braso ko.

Napakunot noo nalang ako sa ginawa niya.
Isa siyang kargador ng bigas sa palengke, gwapo, kayumanggi ang balat, pinoy na pinoy, matangkad, maganda ang hubog ng katawan. Wala kasi itong suot na pang itaas, kaya kitang kita ko ang ganda ng katawan niya.

Mukhang mas magandang maging kargador dito, para gumanda din ang katawan ko, payat kasi ako, walang kamuscle muscle, kaya walang nagkakagusto sa akin eh.

"sabi ko, bibili ako, bingi ka ba?" galit na sabi nito.

"I-ilan ho ba ang bibilhin niyo?" natatakot kong tanong, pakiramdam ko kasi , hipan niya lang ako ay mababalibag na ako.

"Dalawa!" maangas niya pa ding sagot.

"Uy Paolo, mukhang masarap yan ah" biglang may lumapit pang isang lalaki sa lugar namin.
Paolo pala ang pangalan niya, tulad ni Paolo, batak din ang muscles nitong kakilala niya, pwede na silang modelo, gwapo naman sila.

Hayyy naiinggit na naman ako. Hindi daw kasi ako gwapo, yan ang sabi nung babae na hinahangaan ko.

"Syempre tol , magaling ako mamili eh" sagot ni Paolo.

"Pabili nga din ng isa" sabi nung isa , hindi ako makatingin sa kanila, todo tutok kasi sila sakin habang kinukuha ang bananaque sa palanggana na dala ko.

Matapos kuhanin ang bayad nila ay tahimik na akong tumalikod sa kanila upang makauwi na.

Pero nagulat ako ng hablutin nila ako. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang dala kong mga bananaque.

"Saan ka pupunta, tibo? " si Paolo.

"Uuwi, hinihintay na ako ni mama" kabado kong sabi.

"Maglaro muna tayo bata" ang sabi nung kasama ni Paolo

"Kailangan ko nang umuwi kaya bitawan niyo na po ako, wala din akong oras makipaglaro." sabi ko. Mukhang balak akong nakawan ng mga to, kailangan ko silang matakasan, bago pa nila matangay ang pinaghirapan ko.

Humigpit ang hawak sakin ni Paolo, tapos ay itinutok niya yung bananaque stick sa leeg ko. Sobrang kaba na talaga ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Gusto kong umiyak, pero inisip ko si mama, kaya naman kahit na nakatutok sakin yung stick ay sinubukan ko pa din mag pumiglas.

Cute Boy in Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon