Chapter 1 part 3

10.4K 391 33
                                    

"Tanda! anong ginagawa niya dito?" napatayo talaga ako nung makita ang pornstar na to.

"Ay! juskong bata ka nagulat naman ako sayo" napatayo din sa pagkabigla.

"Siya ba?" tanong nito , habang tinuturo si Yuki.

"ay malamang sino pa nga ba? siya lang naman ang nandito, maliban sa ating dalawa diba, sapukin kita diyan eh" sabi ko , sanay na ang matandang ito sa ugali ko, hindi siya tulad ng iba na pagsasabihan ako na gumalang at rumespeto sa mga matatanda. Nakilala ko si Tanda nung grade school pa ako, dinadala kasi ako madalas ni mama dito tapos ay iiwan lang sa matandang to.

"Yuki daw ang pangalan niya, nagkagulo kasi ang mga estudyante kanina, naipit siya kaya nagkapasa-pasa. Dinala siya dito ng kaibigan mong si Aldren kasama yung MaJimBo pero mabilis din silang umalis dahil may klase pa daw sila." paliwanag ng matanda at muli akong naguilty.

"bakit hindi pa siya inuuwi?" muli kong tanong.

"tinanong ko yung bata kung ano ang numero ng kanyang magulang ng matawagan ko,pero sabi niya wag kuna lang daw ipag-bigay alam ang nangyare sa kanya, ayaw niya daw mag-aalala ang mga ito eh. Kaya nagpasya siyang dito nalang magpahinga ,kapag open gate nalang daw siya uuwi." sagot ni Tanda.

"tanda, dito muna ako ah" sabi ko.

"ijo nandito kana , wag kana magpaalam" biro nito. tsk! hindi mabenta ang joke niya.

Kumuha ako ng upuan at pumwesto sa tabi ni Yuki na mahimbing na natutulog.
Napakaamo talaga ng itsura niya, naiinis ako sa sarili ko dahil napagbuntungan ko siya ng galit.

Tanging polo na puti na lang suot niya , nakatupi ang sleeves nito ng 3/4 . Nakalagay sa mesa ang vest , tie at blazer niya. May naisip tuloy akong kapilyuhan ng mga sandaling yun. Gusto kong malaman kung lalake nga ba ito o nagpapanggap lang na lalake.

Unti-unti kong binuksan ang polo niya nang makaramdam ako ng batok mula kay tanda.

"At ano naman ang binabalak mong bata ka?" tanong nito.

"shh! wag kang makialam tanda." sabi ko habang patuloy pa din ang kamay ko sa pagbukas ng polo niya

"aaaaaaahhhhhhhhh!!!!" sigaw ni Yuki na ikinagulat ko din , dahil gising pala ang mokong. Hindi naman masyadong malakas yung sigaw niya ,sapat lang para marinig namin.

Napatayo siya sa kama at pinilit na tumakbo sa likod ni Tanda. Adik ba tong taong to?

"hoy pornstar, ano namang tinatago-tago mo diyan kay tanda ha?"

"dok, siya po yung gustong sumapak sakin" sumbong ng mokong.

"ganun ba, wag kang mag alala poprotektahan kita " sabi ni Tanda at nagpose ito na parang kung fu.

WHAT THE F---!

"Stop acting like a kid!" medyo pagalit kong sabi, habang kinekwelyuhan ang matandang doktor.

Hinatak ko si Yuki at dinala ito sa kama ng clinic.
Halatang hindi pa siya okay dahil paika-ika itong lumakad.

"higa!" utos ko dito, pero tinignan niya lang ako , na parang nagmamakaawa na wag siyang gulpihin.

"higa sabi!" utos kong muli at sumunod ito. Kinumutan niya din ang sarili niya hanggang ilong. Mata na lang ang nakikita ko sa kanya kaya hinatak ko ito pababa. Napalunok siya, tsk iniisip niya ba talaga na gugulpihin ko siya?

"magpahinga kana dahil bukas gaganti pa ako sayo."

Aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"thank you" sabi niya sabay ngiti
*ba-bump ba-bump ba-bump*
Lechugas na pusong to, ano bang nangyayare?

Cute Boy in Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon