Chapter 3 Part 4

9.2K 357 43
                                    

(N/A: I attatched some photo above to help you imagine the characters . Enjoy reading~)

Yuki's P.O.V

"Tibo! este Yuki!" pagtawag sa akin ni Paolo nung pauwi ako galing ospital.

Kinabahan ako ng makita siya, kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko at hindi ko na siya nilingon pa.

"Yuki, sandali lang" sabi nito pero tuloy pa din ako sa paglalakad at ganun din siya, patuloy lang din sa pag-sunod sa akin.

"sabi ng sandali eh" sabi niya sabay hawak ng braso ko. Sa pagkabigla ko hindi ko sinasadyang maitulak siya palayo.

"Yuki...?" nagtataka niyang sabi, akmang hahawakan niya akong muli nang hampasin ko siya sa bag na bitbit ko. Ako man ay hindi makapaniwala sa nagawa ko, para bang kusang gumagalaw ang katawan ko para layuan siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang kinikilos ko. Alam kong natatakot ako sa kanya pero hindi dahilan yun para saktan ko siya.

"S-sorry po, ah- ano ...s-sa susunod n-nalang tayo mag-usap, wala kasi ako sa kundisyon makipagusap" nauutal kong sabi, hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, dumiretso na ako patungong bahay.

Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako sa likod, kaya naman nagpumiglas ako, hinampas, kinalmot at sinuntok ko siya pero hindi pa din niya ako binitawan.

Yun ang unang pagkakataon na nanakit ako ng kapwa ko , physically.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko pero hindi niya ako pinakawalan. At sa hindi mawaring kadahilanan, tumulo ang luha ko sa pangyayare. Pakiramdam ko kasi nauulit muli ang ginawa niya noon.

"tulong!!!!" sigaw ko.

"Yuki, makinig ka sakin, nakikiusap ako."sabi niya na tila ba nanginginig ang boses.

"ayoko, please bitawan mo ako, ayoko ng ganito!" sigaw ko habang nagpupumiglas.

"I'm sorry! Patawarin mo ako, please. Patawarin mo ako dahil sa akin nagkaganyan ka..." sabi niya at nakaramdam ako ng patak ng luha sa aking likuran.

"I'm sorry..." sabi niyang muli at unti-unti siyang kumakalas sa pagkakayakap sa akin. Hindi na natigil sa pagpatak ang aking luha. Pakiramdam ko napakasama kong tao para hindi mapatawad ang taong nakagawa sa akin ng mali.

Humarap ako sa kanya at lumayo ng kaunti habang siya naman ay nakaluhod na sa buhangin at parang bata na umiiyak sa harap ko. Nahabag ako sa kalagayan niya ng mga oras na yun kaya naman pinatayo ko na siya.

"Napatawad na kita , pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto kong layuan ka. Marahil hanggang ngayon ay natatakot pa din ako na maulit yung..." bago ko pa man natapos ang sasabihin ko ay niyakap niya akong muli. At tulad kanina nagpumiglas ako upang makawala sa yakap niya.

"relax lang... hindi kita sasaktan.... Yuki gusto kong mawala ang takot mo." sabi niya.

Unti-unting kumalma ang katawan ko, at hinayaan siyang yakapin ako.
At mula nun ay nagkaayos na kami ni Paolo, hindi pa din nawawala ang trauma ko sa nangyare dati pero handa si Paolo na baguhin ito.

Hinatid ako ni Paolo sa bahay, nagulat nga ako kasi parang mas alam niya pa sa akin ang bahay.

"Yuki, ummm may gusto sana akong itanong , wag mo sanang mamasamain ah." sabi niya at tumango naman ako.

"ah.... yung ano... kasi... yung dalawang lalake na dinala mo dito , naging nobyo mo ba yung mga yun?" tanong niya , nang mapatingin ako sa kanya hindi siya nakatingin sa akin.

"si Aldren at Miguel ba?" tanong ko din at tumango siya. Pero paano niya kaya nalaman na dinala ko na din dito si Aldren?

"ah naku ,hindi ako bakla...kaklase ko lang sila, teka paano mo nalaman na dinala ko si Aldren dito?" sabi ko.

Cute Boy in Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon