Chapter 1 Part 5

9.8K 376 14
                                    

Miguel's P.O.V

"Sir, gising na po, baka malate po kayo" sabi ni yaya Georgia habang kinakatok ang pintuan ng aking kwarto.

Pero hindi ko siya pinansin, inaantok pa ako kaya manahimik siya.

Bumangon ako ng 11:00AM. Wala pa din ako sa mood pumasok dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabe.
Lumabas ako ng kwarto para sana mag almusal nang makita ako ni yaya Georgia.

"Susmaryosep, Sir ano pong nangyare sa inyo?" tanong ni yaya Georgia pagkababa ko.

"Hindi po ba gumagana ang aircon niyo kaya hindi po kayo nakatulog?" tanong niya pa.

"Isa lang ang may gawa nito, at si Yuki yun!" pagalit kong sabi, umakyat akong muli sa kwarto at gumayak na para sugurin si Yuki.

Si Yuki ang dahilan kung bakit naexpose ang jun-jun ko sa madla.
Si Yuki ang dahilan kung bakit ako nakipag-basag ulo sa feeling syota niyang si Chad.
Si Yuki din ang dahil kung bakit ako nag wet dreams.
Si Yuki ang dahilan kung ng pagmimilagro ko sa banyo.
Si Yuki ang dahilan kung bakit wala akong ganang pumasok.
Siya din ang dahilan kung bakit may eyebags ako ngayon!

Kaya humanda siya!

Matapos gumayak ,nagpahatid na ako ng school.
Sa gate ng building namin dun ako naghintay kay Yuki.

Maya-maya pa natanaw ko na siya, ayos siya lang mag-isa.
Pumasok ang mokong sa elevator, teka anong hinihintay niya? Alam niya bang sinusundan ko siya kaya pinapapasok na niya ako? Hindi kasi niya sinasara ang elevator eh.

Naisipan kong pumasok na din sa elevator, pero laking gulat ko ng magsara ito, aba'y bastos din ang taong to!
Pero hinarang ko ang kamay ko at muling nagbukas ang elevator.

Pinindot kong agad ang close para walang makaabala sa amin. Tapos pinindot ko ang 10, sa roof top. Pinindot naman ni Yuki ang 5, dahil nasa 5th floor ang classroom namin.

Hindi tumitingin sa akin si Yuki ng mga oras na yun, tutok lang siya sa pindutan ng elevator tila nahihiwagahan.

Tumingin ako sa repleksyon namin sa pintuan ng elevator, at napatingin din si Yuki doon. Para siyang nakakita ng multo ng makita ako, napaurong pa ito sa bakal na hawakan ng elevator sa loob.

"Mi-Miguel" nauutal niyang sabi.

Tinignan ko lang siya ng matalim at napalunok naman siya sa inasta ko.

"oh bakit parang natatakot ka?" sarkastiko kong tanong.

"Mi-miguel, sorry, hindi ko sinasadya yung nangyare sa canteen, natatakot lang kasi akong malapnos ang balat mo tsaka.." hindi pa man niya natapos ang sasabihin ay dinugtungan ko na ito.

"Tsaka gusto mo talagang masilip ang jun-jun ko?" sabi ko sabay tawa.

PAAWA-FACE EFFECT naman si Yuki.

"If you really want me to forgive you , use your body instead" sabi ko.

"hah?" tanong nito.

Niready ko ang kamao ko , balak ko kasi siyang bugbugin eh.
Nang biglang huminto ang elevator sa 5th floor, tatakbo sana palabas si Yuki pero sa bagal niya nahablot ko agad siya. Sinara kong muli ang elevator.

Tahimik lang si Yuki , tila hindi mapakali sa kinatatayuan niya.

Dito kami ngayon magtutuos, ang daming kamalasan nangyari sa akin mula ng dumating siya.

Pagkatingin kong muli sa kanya, halos maluha na siya. 'Anak ng pateng wala pa nga akong ginagawa eh' sabi ko sa sarili.

Ayoko talagang tinitignan siya, si Yuki kasi yung tipo ng tao na mahirap saktan, parang kailangan siyang alagaan sa itsura niya. Pero hindi ako magpapauto sa PAAWA-FACE EFFECT niya!

Cute Boy in Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon