Chapter 1 Part 1

11.3K 434 45
                                    

(N/A: The picture above is the School Canteen)

Yuki's P.O.V

Kinagulat ko ang pag alis niya sa salamin ko.

"hoy balik mo yan" sabi ko , medyo natatakot ako nun kasi ang labo ng nakikita ko.

Naramdaman kong pinunasan niya ang gilid ng mata ko tapos ay binalik niya na ang salamin ko.

"Sorry may morning glory ka kasi" ang nasabi niya.

"ganun ba" nahihiya kong sabi at medyo napalayo ako sa kanya. Kailangan talaga, sobrang lapit namin para lang alisin ang muta ko? baka mamaya may makakita sa amin na ganun ang posisyon , baka isiping mag syota pa kami.

"New Student?" tanong niya, at tanging tango lamang ang naisagot ko.

"Opo, Yuki po pala , first year " ang sabi ko. Sabay lahad ng kamay ko sa kanya.

"nice to meet you Yuki, I'm Chad, third year" kaya pala parang iba ang uniform niya, sa freshmen kasi green ang vest, yellow naman sa sophomore , blue sa junior at maroon/dark red ang sa senior.

" hmm, have we met before? para kasing familiar ka" ang natanong ni Chad.

" Hindi eh, ngayon lang kita nakilala." ang sabi ko, gusto kunang umalis, pero parang nagiisip pa siya ng sasabihin. Magpaalam na kaya ako, baka kasi malate pa ako eh.

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa pulso.

"ba-bakit?" nauutal kong tanong.

" lalake ka ba talaga?" tanong niya, eh kung pektusan ko kaya ito? kita na niyang lalaki ako tinatanong niya pa.

"obvious ba?" medyo irita kong sabi , sabay alis ng kamay niya sa kamay ko.

"sorry, maganda ka pa kasi sa babae , kaya medyo naguluhan ako, anyway mauuna na ako, ikaw din pumasok kana, patapos na ang 30 minutes break niyo niyan, kasabay kasi namin kayong mag break, ang sophomore at senior naman ang sabay sa break.Oh siya, kitakits mamaya Yuki beautiful" sabi niya , sabay kindat. holololo, bakit kailangan may kindat, bulagin ko kaya siya, hindi ko din alam kung matutuwa ako o maiinsulto sa pagtawag niyang beautiful sa akin.

Nang makarating ako sa locker agad kong inilagay ang gamit ko. May napansin akong pouch sa loob , tinignan ko kung ano yun, baka mamaya bomba, at sa locker ko pa nilagay pero nakita kong nakatatak ang pangalan ko doon. Sa loob ng pouch , may limang bimpo at nakaburda pa ang pangalan ko, shampoo, sabon, tooth brush, toothpaste, mouth wash, lotion, at polbo. wow lang titira na ba ako dito? sana may pagkain din hehe. Inayos ko ang gamit sa loob at lumisan na sa gym.

Bumalik na ako sa classroom, medyo hingal ulit dahil limang palapag ang kailangan kong akyatin. Pagpasok ko, tinginan lahat sa direksyon ko, kaya mabilis kong tinungo ko ang pwesto ko.

"San ka galing babe?" sabi ni Aldren, medyo naiirita ako sa tanong niya kaya naman hindi ko siya pinansin.

"ang sungit naman ng babe ko" dagdag pa niya, dahil hindi ko siya kinikibo.

Tumigil na lang sa panggugulo si Aldren nang dumating ang aming guro para sa subject na Integrated science. Mukhang binata pa si Sir, gwapo ito , matangkad, at maganda ang pangangatawan. Teka, puro nalang katawan napapansin ko , well ano nga ba dapat?
Nakasuot ng labaratory coat si Sir, para siyang Doktor sa itsura niya, dangerously handsome doctor indeed. Napaka'neat niyang tignan bagay na bagay niya ang buhok niya , ang salamin niya , ang uniporme niya at ang kanyang dimples.
Teka ano ba tong iniisip ko? Para naman akong bakla mag describe, ah basta pag ako nag graduate na, magiging ganyan din ako kagwapo.

"Good Morning Class, as I said last week, I will present to you the... Oh, who's this cute little boy seated in front of Mr. Aldren Villanueva? New student?"

Cute Boy in Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon