Chapter 3 Part 2

9.6K 356 15
                                    

Aldren's P.O.V

"mama~" ang boses na nagpagising sa akin.

"Yuki?" sambit ko naman sa pag-aakalang gising na din siya.

Nagulat na lamang ako ng makitang lumuluha siya habang natutulog. Pati ba naman sa panaginip niya naalala niya ang mama niya? Pinunasan ko ang luha sa kanyang mata tapos ay sinuklay-suklayan ko ang buhok niya gamit ang kamay ko. Naawa ako sa kanya, dapat ang isang tulad niyang ubod ng bait ay hindi dapat nasasaktan ng ganito.

Sa unang tingin , parang ang sarap lang pikunin ni Yuki, mukha kasi siyang nerd sa salamin niya. Hilig pa man din ng tropa ang mambully ng mga nerd, bukod kasi sa napakaweird nila ,napakalamya pa nilang kumilos, parang bakla kumbaga.

Kilala ang grupo namin sa school. Si Migz na saksakan ng yaman ang tumatayong lider namin, lakas kasi mambully ng ungas syempre makapangyarihang tao kaya malakas ang loob.

Kaya naman nag-alala ako kay Yuki ng makagawa siya ng bagay na hindi nagustuhan ni Migz, alam ko kasing gagantihan siya nito.
Matagal kunang kilala si Migz mula nung bata pa kami, ang sino mang bumangga sa kanya siguradong bugbog-sarado. Pero sa napapansin ko, parang hindi naman niya kayang upakan si Yuki. Napaisip tuloy ako na baka nahuhulog na ang loob ng ungas kay Yuki. psh Mauunahan pa ata ako.

Tama kayo, may gusto ako kay Yuki.
Hindi ko lang talaga siya mapormahan dahil lagi niyang kasama ang ungas na si Migz. Kung hindi man si Migz ang asungot na Chad naman ang kasama niya.

Ngayon magkasama na kami ni Yuki, kung tutuusin pwedeng pwede ko na siyang gahasain pero ,hindi naman ako ganun kadesperadong tao para gawin iyon.

Ilang beses din akong parang tanga na kinakausap ang sarili tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero ang naging resulta, lalu lang akong nabaliw sa kanya.

Hep! Hindi ako bakla mga tol.
Nagkataon lang na nagkamali si Lord sa kasarian niya, imbis na ari kasi ng babae ang ilagay eh ari ng lalake ang naisalpak kay Yuki.

'Tsaka sino ba naman ang hindi mahuhulog sa taong to?' sabi ko sa sarili habang nakatutok ang tingin ko kay Yuki.

His cuteness is undeniable...
His kindness is admirable...
His sexiness is irresistable...
His skin's pale enough to send a jealous chick out for more cream.

Damn, I wanted to touch him so bad. Bumaba ang kamay ko sa mukha ni Yuki. Tapos hinawakan ko ang labi niya.

'I wonder if he can s*ck a d*ck with his small lips'

oh crap! what the hell am I thinking?!
arrrrgghhhh I'm the worst! Kita ng may problema ang tao, nakuha ko pang pagsamantalahan.

"ughhh..ughhh.." ungol ni Yuki na nagpanic sa akin. Hindi kaya napapaniginipan niya ang iniisip ko?

Gumalaw-galaw si Yuki, tapos nagsimula na din siyang pagpawisan.

"mama" sabi ni Yuki at muling tumulo ang luha niya. Nawala bigla ang libog ko sa katawan at napalitan ito ng kaba, para kasi siyang nababangungot eh, kaya naman gumawa ako ng paraan para magising siya.

"Yuki, gising! Nananaginip ka lang" sabi ko, halos hindi na ako magkandaugaga sa kaba. Hindi ko alam kung tatawag na ba ako ng doktor o piliting gisingin si Yuki bago pa siya matigok.

"Yuki! Yuki!" sabi ko habang inaalog siya, pero wala pa din, hindi pa din siya nagigising. Tang*na!

"Yuki gumising ka!" sigaw ko at inalog kong muli ang katawan niya.

Nang dumilat si Yuki, napayakap ako ng mahigpit sa kanya at ganun din siya sa akin.

Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat ko habang binabanggit ang 'Mama'.

Cute Boy in Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon