Introduction II

11.3K 441 28
                                    

(N/A: The picture above is just a reference of the Don Guillermo Academy building)

Yuki's P.O.V

"Manong guard, saan po banda ang room ng section 3 first year, hindi ko po kasi masundan ang mapa na ito, parang iba ho kasi?" tanong ko sa guard, sabay turo nung mapa.

"Hmm luma na ang mapa mo bata, wala na ang building na ito. Sandali, tignan ko kung saan na yung building ng freshmen."

"Naku, salamat po"

"Oh heto, bagong mapa, bali diretsuhin mo lang yan, tapos pagdating mo sa may canteen, liko ka sa kaliwa, pag nakita mo yung building na katapat nung rebulto ni Don Guillermo, ayun na yung building mo" pag bibigay impormasyon ni manong guard.

"Salamat po" ngiti kong sabi.

"Pwede na pala ang mga babae dito?" tanong nung guard sa kasama niya.

" Manong , lalake po ako, sige po una na po ako" ang mabilis kong sabi, bakas sa mukha nung dalawang gwardya ang pagkabigla.

Ang daming estudyante, lahat mukhang mayaman, wala man lang katulad ko na mahirap lang.

Nakaramdam na ako ng init sa uniform ko, ang dami kasing doble, kaya naman naisipan kong alisin muna ang black na blazer. Tinignan ko ang ibang estudyante na tila ba sanay na sa uniform namin, hindi man lang sila pinagpapawisan. Paano kaya natitiis ng mga estudyante dito ang uniform nila? Hay kahit sanay ako magbilad, iba pa din talaga ang init nung uniform namin. Long sleeves na white, na pinatungan ng vest with tie syempre, tapos may blazer pa, para akong sinasakal. Suotin mo ba naman ito sa Pilipinas, siguradong heatstroke kalaban mo.
Nakarating na ako sa building na hinahanap ko, kaya naman dali-dali kong hinanap ang room ko, para hindi malate. Nakakita ako ng bullitin board kung saan nakalagay ang mga rooms, nakita ko ang room ko nasa 5th floor pa. Kaya naman mabilis kong tinungo yung hagdan para makarating agad sa room, hindi ko kasi alam kalikutin yung elevator.

Nang makarating ako sa room, binuksan ko ang pinto at nagpasorry agad, dahil na'late ako. Nung una tahimik ang klase, nang bigla silang tumawa ng pagkalakas-lakas lalu na yung lalakeng nakaupo sa dulo at nakataas pa ang paa sa table. Doon ko napag alaman na wala pa pala ang teacher namin.
'Ano ba yan ,unang araw ko palang napapahiya na ako.' bulong ko.

Inayos ko ang sarili ko, pumunta ako sa harapan, nakaramdam ako ng lamig, hinanap ko kung saan ito nagmumula, hindi nga ako nagkamali, may aircon pala ang classroom na ito, hindi lang isa, dalawa pa. May projector at screen sa harap, may laptop din sa teachers table. Manghang-mangha ako sa class room namin, para kasing nasa ibang bansa ako. Malayong-malayo sa eskwelahan ko nung elementary pa ako.

"hoy, para kang timang dyan. Mabuti pa magpakilala ka nalang." sabi ng isa sa mga kaklase ko, nahiya tuloy ako.

Tumayo ako ng maayos at nagpakilala.
" Hello, I'm Yuki Hasegawa..." hindi ko pa man natatapos ang pagpapakilala ko ay nagtawanan na naman sila. Nakaramdam ako ng inis pero hindi ko pinahalata.

"ano ulit? Maria Ozawa? " tanong nung lalakeng nasa dulo na nakataas pa ang paa, sabay hagalpak sa tawa ng mga kaklase namin.

"laspag na bro!" sabi nung isa , hindi ko sila maintindihan. Napansin kong close-close na sila, kahit one month palang silang magkakaklase. Late na ako ng one month kung tutuusin pero, pinagbigyan pa din nila akong pumasok, basta siguraduhin ko daw na makakahabol ako sa klase.

Tumigil na lang sa pagtawa ang mga kaklase ko ng dumating na ang teacher namin, pero yung lalake sa dulo nakataas pa din ang paa niya sa table. Naku, sigurado akong mapapagalitan siya.
Hindi pa din ako umalis sa harapan , hinihintay kong ang teacher ang magsabi kung saan ako uupo.

Cute Boy in Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon