Chapter 3 Part 1

9.3K 356 12
                                    

Yuki's P.O.V

Ginising ako ni Miguel para kumain ng almusal.

"Yo!" si Peter , dito din pala siya natulog.

"hnnggg~" mahina kong daing ng maramdaman ang sakit ng ulo ko.

Pero hindi na ito kasing sakit nung nagising ako kaninang madaling araw.

"Yuki ok ka lang? Halika na mag almusal na tayo ng maalis yang hangover mo." sabi ni Peter. Pansin kong may pasa ito sa mukha ,gustuhin ko mang malaman kung ano ang nangyare sa kanya, kaso naisip ko na baka hindi niya din ako sagutin dahil hindi naman kami close.

Sumunod na ako kina Miguel at Peter sa dinning area para kumain ng almusal. Sobrang dami ng inihanda nung magandang katulong ni Miguel, kundi ako nagkakamali Agatha ang pangalan niya.

Halos hindi ako makakakain maayos ,hindi dahil sa ayaw ko ang pagkain ,kundi dahil iniisip ko ang aking ina. Baka kasi mamaya walang makain si mama sa bahay, samantalang ako, parang kakatayin na sa sobrang dami ng pagkain sa harap ko.

Matapos kumain ,hinanda ko na ang aking pang-aral, sinabihan din ako ni Miguel na sa kwarto na lamang niya ako maligo.

Nakakamangha sa laki ang banyo ni Miguel, parang maluwang pa ito sa bahay namin. Nung una kasi akong pumasok dito , hindi ko masyadong nakita ang loob nito.

Napansin ko din na may maliit na swimming pool sa loob, hmmm marahil mahilig magswimming si Miguel ,pati kasi sa labas may malaki silang swimming pool eh.

Pero ang mas pumukaw ng aking pansin ay ang mga pindutan sa banyo, napakatechi pala talaga ng mga mayayaman, kaya siguro techi din ang school namin dahil karamihan sa mga mag aaral doon ay mayayaman.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang maligo , shower kasi na maraming pindutan ang meron sila, samantalang kami , timba at tabo lang.

Sinubukan kong pindutin ang isa tapos binuksan ko ang shower, malamig na tubig ang ibinuga nito sa palad ko. Hindi na ako pumindot pa ng iba, baka kung ano pa ang mapindot ko eh, sanay na din naman ako na malamig ang tubig kaya balewala lang ang lamig nito.

Matapos kong itabi ang aking salamin sa mata, hinubad kuna ang aking saplot at tumapat sa shower.

Ang sarap pala magshower , hindi kasi masakit ang dampi ng tubig sa mukha at katawan ko. Habang kinakapa ko ang kinalalagyan ng sabon, may biglang kumatok sa banyo.

"Hoy pornstar! buksan mo to puputok na ang pantog ko!" sigaw ni Miguel na ikinagulat ko.

"teka, ayan na" sagot ko.

Pinatay ko muna ang shower tapos kinuha ko naman ang salamin ko para makita ko ng malinaw ang paligid. Sunod ko namang kinuha ang twalya upang itapis ito sa bewang ko.

Sa pagbukas ko ng pinto, mukha namang hindi naiihi si Miguel sa dating niya, marahil nang aasar lang ito.

"Teka nakasalamin kang naliligo?" biglang tanong ni Miguel.

"ah hindi, sinuot ko lang para buksan ang pinto" paliwanag ko.

"bakit wala ka bang nakikita pag hindi mo suot yan?" tanong niya ulit.

"um malabo kasi masyado pag wala ang salamin ko. Hindi ko alam kung ano o kung sino ang nasa harap ko dahil sa sobrang labo." sagot ko naman.

Tumango-tango naman ito sa paliwanag ko.

Nagulat nalang ako ng ilabas niya yung ano niya para umihi, medyo nailang ako, kaya naman sa iba ako tumingin ng mga oras na iyon. Mahirap na, baka kasi isipin niya binobosohan ko siya.

Cute Boy in Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon