Bara 6

536 15 2
                                    

Nandito ako ngayon sa Computer Shop para magpa-xerox kasi tulad nga ng sabi kahapon ni Best, isa ako sa mga magju-judge sa contest kaya kaylangan meron akong nakahandang mga questions na ipapa-answer ko sa mga kalahok.

Ang ipapa-xerox ko yung mga questions na nabuo ko kasi kaylangan may kopya daw yung Host.

"Miss paki-xerox nga ito." sabi ko.

"Ngayon na ba?" tanong sakin ng babae. Ay ganon?

"Ah hindi! Mamaya na lang, o bukas, o sa makawala, o sa susunod na linggo, taon, etchetera. Hindi lang naman yan importante. Ako na lang magpapa-xerox. Baka mapagod ka pa!" sabi ko sakanya sabay irap. Bwiset eh! Ang cute ng gising ko sinisira niya!

"Ah..eh sorry. Akin na ixe-xerox ko na. Ilang pages ba?"

"Ay? Shonga lang? Bulag ka ba? O hindi ka marunong sa Math? Ay~ nakakaloka you." sarcastic kong sabi. Kainis!

Nang matapos na siya ay kinuha ko na yung pina-xerox ko pati yung orig. copies at umalis.

----- 

Habang naglalakad may nakita akong gwapo~ ^____^. Ang gwapo talaga sobra!~

"Ahihihihihi~ Kilig kilig. Hihihihihi...Ahehe..Ahehe..Hihihi" sabi ko na nangingisay-ngisay habang naglalakad.

Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dito eh. Yung ibang may dalang anak na malapit sakin ay nilalayo palayo sakin na magulang nila at tinatakpan pa yung mata nung bata.

Wow ha? Eh~ sa ano naman kung may nakikita silang mukang EPILEPSY na naglalakad. Bakit? First time? First time?!

Naglalakad parin ako hanggang nalapitan ko na yung pogi. Eh kasi eh, di ko mapigilan >.<

"Hi ano pangalan mo?" sabi ko habang nagpipigil mangisay. Nakakahiya kaya!

"Ako ba?" sabi niya na gulat na gulat. Ay shonga lang? Sya nga lang mag-isa naglalakad eh.

"Hindi sila, may nakikita ka pa bang tao? Malamang ikaw! Ang gwapo nga, bobo naman." sabi ko pero yung panghuli, pabulong lang.

"Ano, Miss?"

"Wala, wala. Gwapo ka sana bingi ka nga lang. Sayang!" sabi ko na tinapik-tapik ko pa yung braso niya at pinisil-pisil. Kasi eh! Macho! >___<

Magsasalita pa sana siya pero umalis na ako kaagad. Naku~ Landi ko!~

-----

Hapon na. Nandito na ako sa court.

Inabot ko na sa baklang Host yung xerox copy pagkatapos umupo na sa upuan ng mga judges. Anim kaming judges para tatlo sa lalaki at tatlo sa babae.

Maya-maya nag-start na rin.

Nag-panimula na yung Host tapos nagrampa-rampa na yung mga kalahok tapos sinabi nila yung mga kasabihan nila sa buhay nila at ek-ek dito, blah-blah-blah doon, wak-wak everywhere. Hanggang nag-question and answer portion.

Bored na bored na ako dito. Promise. Humihikab-hikab na nga ako dito tapos pipikit-pikit na yung mata ko.

Panghuli kasi ako sa mga magtatanong sa babae. 

-----

"Sinong mas maganda? Ikaw o si Cinderella?" tanong ko kay contestan no. 8. Oo, ganon lang kadali yung mga tanong ko.

"Hindi ko alam, pero alam ko mas maganda ako kay Lion King." sabi niya sabay nagpasalamat sa tanong ko nang confident na confident.

Wow, relax pa siya sa sagot niya eh ang layo naman ng sagot. Kaasar! Pasalamat siya bawal mambara dito kung hindi lang, baka pahiya na ito ngayon. 

Tinanong ko na si no. 9 at naayos niya naman ng maayos Kaya dito na ako sa last na si no.10

"Okay contestant no.10,Kung ang 'sigaw' ay 'shout' sa English, ano naman sa Tagalog ang 'whisper'?" tanong ko.

Mukhang nagpapanik na siya ngayon na parang hindi niya alam kung ano ang isasagot tapos nagkakamot na nang batok-- Wait nga, parang may kamukha siya? San ko ba nakita yun? Hindi ko maalala eh.

Maya-maya ngumiti na siya at mukhang sure at proud siya sa sasabihin niya...

"Napkin!" sabi niya na tuwang-tuwa dahil nasagot niya.

Napasapo nalang kaming mga judges sa noo.

Kamukha niya pala si Gabriel na studyante ko. Kaya pala >____< 

Girl Bara and Boy Pick UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon