"Dreaming of you"

263 0 0
                                    

Chapter one

     Isang umaga nagmamadali ng nag-aayos si Charsie sa kanyang sarili, tinanghali kasi ito ng gising, at malilate na ito sa kanyang pagpasok sa school. third year college na sya na Computer hardware servicing ang course. nang natapos na ito sa kanyang pag-aayos sa kanyang sarili, agad na itong lumabas ng kanyang kwarto, hindi na ito tumungo sa kusina para mag-almusal, nagpaalam nalang ito sa kanyang mama na nasa labas ng bahay nila, at nagdidilig ito ng mga halaman.

     "Mama, alis na po ako! malilate na po ako eh!"

Paalam ni Charsie na agad narin na lumabas ng gate.

     "Nag almusal kana ba?"

     "Sa school nalang po, Ma! bye..."

     "Sige, ingat."

     Habang nag aabang ng sasakyan itong si Charsie, nakatayo lang ito sa tapat ng bahay nila Iris, kababata ng Mama nya na matagal narin nilang kapit bahay.

     "Hay...nakakaasar naman oh! wala parin akong masakyan, malapit na talaga akong malate."

Sabi nito sa sarili. wala pa kasi syang maparahan na sasakyan. Maya maya lang, napatingin bigla si Charsie sa bahay nila Iris ng napansin nito na may isang lalaking lumabas sa bahay na iyon, at nagkatinginan sila nito. hindi kilala ni Charsie ang lalaking iyon ngayon nya lang ito nakita, medyo maputi ang lalaking iyon na matangkad, at disente lang ang porma. Maya maya may huminto ng sasakyan sa tapat ni Charsie kaya agad na syang sumakay doon.

     "Sino kaya ang lalaking iyon?"

Tanong ni Chrasie sa isip nung nasa loob na sya ng sasakyan, at patungo na sa school nila.

     "Ano kaya sya ni ate Iris? grabe sya makatingin sakin ah!"

Sabi pa nito.

     Habang naglalaro mag-isa ng basketbol sa terrace ang batang si Enzo na panganay na anak ni Iris, lumapit sa kanya ang tito nyang si...Jairon Darenz na kung tawagin nila ay "Inoy" iyon kasi ang nick name nya.

     "Naboboring kaba dito sa amin tito Inoy?"

Tanong bigla ni Enzo na huminto muna sa kanyang paglalaro.

     "Hindi naman, wala lang akong magawa."

     "Edi laro nalang tayo!"

Yaya bigla ni Enzo, agad naman na pumayag itong si Inoy, naglaro nalang sila ng pamangkin nya ng basketbol sa malawak na terrace nila Enzo.

     Isang hapon ng nakauwi na itong si Charsie sa bahay nila, nagpahinga ito sandali sa kanyang kwarto. maya maya lang naalala nito na may pasalubong nga pala syang chocolate para sa dalawang bata nyang kapatid na sina Enzo, at Criszy, pati narin sa pinsan nilang si Naddy na 5 years old pa lamang. Lumabas na ng kwarto si Charsie at hinanap nito ang mga bata pero hindi nya nakita ang mga ito

     “Nasaan naba ang mga batang iyon?”

Sabi ito nung nasa kanilang sala na sya. Maya maya lumabas na sya ng bahay nila, at ng nasa labas na ito ay natanaw nya ang tatlong bata na naglalaro sa bahay ng kapit bahay nila na si Iris, doon sa may terrace.

     “Nandoon lang pala sila eh! Kalaro si Enzo, mapuntahan nga.”

Sabi nito at nagtungo na ito sa bahay ng nila Iris upang tawagin na ang mga bata.

     “Piero, Criszy, at Naddy umuwi na kayo! Tama ng laro, gabi na.”

Sabi nito ni charsie kaya napalingon ang mga bata, at ganon din itong si Inoy na nakaupo lang sa may terrace, pinapanood kasi nito ang mga bata na maglaro. Nang makita ni inoy si Charsie, hindi na nito maalis ang pagkaka- tingin nya dito kay Charsie, nagandahan kasi sya dito.

"Dreaming of you"Where stories live. Discover now