Chapter ten
Araw na ng pag-alis ni Jairon, pero mga alas 3:00 pa ng hapon balak nitong umalis gusto nya pa kasing makasama si Charsie kahit sa sandaling oras nalang. Niyaya ni Jairon si Charsie na sa kanila na mananghalian, nang oras na ng tanghalian ay sabay sabay na silang kumain.
“Charsie kain ng kain ah! Alam mo si Inoy ang katulong ko na nagluto nyan.”
Sabi ni Iris, habang sabay sabay silang kumakain.
“Talaga po? Hmm…sige po.”
Nakangiting sabi ni Charsie kahit nalulungkot talaga ito mamaya na kasi ang aalis si Jairon. Maya maya sinubuan pa ni Jairon si Charsie, at nakangiting sumubo naman itong si Charsie.
“Uy…si tito Inoy, love na love si ate Char.”
Tukso pa ni Enzo, at ang dalawa ay nagkangitian lang.
“Charsie, aalis na ako mamimis kita, palagi kang mag-iingat huh!”
Paalam na ni Jairon, at nang yayakapin nito si Charsie ay umiwas ito bigla.
“Charsie, bakit?”
“Parang ang hirap kasi pag malayo ka, malulungkot ako!”
“Charsie kahit naman ako malulungkot pero kailangan eh! Dibale itetext naman kita, at tatawagan pag hindi ako bussy, okey?”
Sabi ni Jairon, at nang hahalikan pa sana ni Jairon si Charsie ay umiwas pa muli ito.
“Charsie, diba nag-usap na tayo! Akala ko ba naiintindihan mo ako?”
“Sige na umalis kana, ingat ka.”
Naiiyak ng sabi ni Charsie, maya maya ay yumakap na ito kay Jairon.
“Mahal na mahal kita, Charsie promise ko sayo babalik ako, at pagdating ng tamang panahon pakakasalan na kita.”
Sabi naman ni Jairon sa isip habang nagmamaneho, maya maya lang ay napansin ni Jairon na may makakasalubong itong isang kotse, at ang taong nagmamaneho non ay lasing kaya paliko liko kung mag-maneho ang taong iyon na nasa kotse, pilit na iniiwasan iyon ni jairon pero agad na syang bumanga sa kotseng iyon.
“Ay!”
Sigaw bigla ni Charsie nang mabitiwan nito bigla ang hawak nyang isang basong gatas na dadalhin nya sana sa kapatid nyang si Enzo, dahil sa may sakit ito. bigla nalang syang kinabahan, at nagtaka ito kung bakit ganon ang naramdaman nya ng mga oras na iyon.
“Ano bang nangyayari sakin? Hay…”
Hinga nitong malalim.
“Bakit bigla akong kinabahan?”
“May naaksidente!”
Sabi ng driver ng sinasakyan ni Denise, kasunod lang kasi ng kotseng sinasakyan ni Jairon ang sinasakyan ni Denise, hindi alam ni Denise na si Jairon ang nasa loob ng kotseng iyon na nabangga ng isa ring kotse. Agad na lumabas sa sasakyan ang driver na kasama ni Denise, maya maya lumabas narin si Denise na takot na takot, at humingi na ito ng tulong.
“Inoy!”
Gulat na gulat na banggit ni denise ng makita nito si Jairon na walang malay, may mga dumating na kasing mga rescuers , kinuha na nila sa loob ng kotse si Jairon, pati narin ang isang lalaking nakabangaan ng kotse ni Jairon.
“Inoy, Ikaw nga!”
Sabi pa ni Denise nung isinasakay na si Jairon sa sasakyan upang dalhin na sa ospital. Iyak ng iyak itong si Denise dahil natatakot ito na baka mamatay na itong si Jairon. Agad na sumunod si Denise sa ospital kung saan dinala si jairon, pero bago iyon nakuha ni Denise sa kotse ni Jairon ang cell phone nito.