Chapter five

22 0 0
                                    

Chapter five

     Isang hapon habang nanonood ng T.V si Charsie, naupo ito sa tabi nya ang Mama nya, at may dala pa itong meryenda para sa kanya.

     “Meryenda ka muna,oh!”

     “salamat, Ma.”

At kumain na itong si Charsie ng sopas na niluto ng Mama nya.

      “Ma…kumusta na nga pala yung problema ni ate Iris?”

Tanong bigla ni Charsie.

      “Ayun…medyo maayos na naman, kumuha na ng Abugado si Iris, sana nga maayos na ang problema nya.”

     “Sana nga, Ma! Tulungan mo parin si ate Iris huh! Kailangan hindi sila mapaalis dito dahil malulungkot talaga ako.”

Dahil sa sinabing iyon ni Charsie, ang Mama nya ay nagtaka.

     “Teka…dati-dati parang pinipigilan mo akong tumulong sa kanila dahil nauubos ang oras ko, pero bakit ngayon parang kabaliktaran na.”

     “Kasi…tulad ng sinabi nyo noon, sila nalang ang kapit bahay nating nalalapitan, saka…para narin natin silang kapamilya.”

Sabi pa ni Charsie.

     “At isa pa, kung mapapalayas sila ate Iris dito mapapalayo na sakin si Inoy, parang nakakalungkot.”

Sabi naman nito sa isip.

     Isang  umaga Dec, 24 na, disperas ng pasko si Charsie, Inoy, Enzo ay magkakasamang namili sa Mall upang mamili  ng kanilang mga pang regalo. Habang Masaya silang namimili, nagpipituran pa silang tatlo sa Mall.

     “Wow…ang ganda ng kuha nyo ate, Char.”

Sabi ni Enzo matapos picturan nito ang dalawa. Maya maya habang naglalakad lakad sila, may isang lalaki na nakabunguan si Charsie, at ang lalaking iyon ay may dalawa pang kasama.

     “Ay! So-sorry po!”

Sambit bigla ni Charsie nang makabungo ang isang lalaki, at ang lalaking iyon ay napalingon sa kanya.

     “Charsie?”

Bangit ng lalaking iyon, maya maya ang dalawang lalaki na kasama nito ay nakita si Inoy, kaya agad silang umiwas kala Charsie.

     “Stiven, ikaw pala iyan! Hi…”

Bati ni Charsie. Kilala kasi ni Charsie ang tatlong lalaking iyon, mga kaibigan kasi iyon ni Gerone. Ang tatlong lalaking iyon ay sina Stiven, Troy, at Mike. Maya maya tinitigan ni Enzo ang tatlong iyon, pamilyar kasi ang mga iyon sa kanya.

     “Ate Char, parang kilala ko sila! Sila ang mga lalaking humarang samin, at bumugbog kay tito.”

Sabi ni Enzo, at ang tatlong lalaking iyon ay nagkatinginan.

     “Huh! Sigurado kaba, Enzo? Kilala ko sila…mababait naman sila.”

     “Siguradong sigurado ako, ate Char! Sya…sya ang sumuntok kay tito!”

Sabi pa ni Enzo na itinoro pa si Stiven.

     “Stiven, umamin kayo! Kayo ba ang bumugbog kay Inoy?”

 Sabi ni Charsie.

     “Huh! Si-sinong Inoy? Sya ba? Eh ngayon nga lang naming sya nakita!”

     “Sinungaling kayo, tinandaan ko ang mukha nyong mga pangit!”

Sabi pa ni Enzo. Maya maya ang lalaking si Troy ay umamin na kay Charsie.

"Dreaming of you"Where stories live. Discover now