Chapter nine
Kinaumagahan, maagang nagtungo si Charsie sa bahay nila Iris para puntahan doon si Inoy, pero wala doon si Inoy kaya nagtanong itong si Charsie kay Enzo na nanonood lang ng T.V sa kanilang sala.
“Nasaan si Inoy, Enzo? Bakit wala yata sya dito.”
“Nasa likod yata sya ng bahay ate Char!”
Sagot ni Enzo.
“Ganon ba? Sige puntahan ko nalang.”
Sabi ni Charsie na agad ng nagtungo sa likod ng bahay nila Enzo. Nang nasa likod narin ng bahay si Charsie, nakita nito si Inoy na mag-isa lang na nakaupo sa isang mahabang upuan na nasa tabi ng isang malaking puno. Nakatalikod ito sa kanya, at naka jaket parin ito ng kulay itim. Unti unting palihim na nilapitan ni Charsie si Inoy, at nang nasa likod na sya ni Inoy ay dahan dahan na sinilip nito ni Charsie kung ano ang ginagawa ni Inoy. Si Inoy ay may isinulat sa papel, at nabasa iyon ni Charsie.
“Bakit pangalan ko ang nakasulat diyan?”
Tanong bigla ni Charsie nang mabasa nito sa papel ang isinulat ni Inoy, Maya maya si Inoy ay humarap na kay Charsie.
“Charsie, ikaw pala upo ka dito sa tabi ko.”
Sabi nito ni Inoy. Si Charsie naman ay naupo.
“Bakit pangalan ko ang nakasulat diyan sa papel huh?”
Tanong pa ni Charsie.
“Wala lang…”
“Anong wala lang! hmm…ano ba kasi talagang gagawin mo diyan?”
Tanong muli nito. Maya maya isinulat naman ni Inoy ang pangalan niya na Jairon Darenz sa tabi ng pangalan ni Charsie na isinulat niya sa papel, pagkatapos non ay nilukot ni Inoy ang papel, at bigla niyang itinapon iyon sa basurahan kaya naman nagtaka itong si Charsie kung bakit ginawa iyon ni Inoy.
“Oh bakit mo itinapon? Matapos mo isulat doon ang pangalan ko, at pangalan mo tinapon mo lang! ano kaya yun?”
Nagtatakang sabi ni Charsie, si Inoy naman ay natawa.
“He he! Ahm…pangalan mo, at pangalan ko ang nakasulat doon, ibig sabihin para narin tayong magkasama sa papel na iyon. Saan man mapadpad ang papel na iyon ay magkasama tayo, at pag-nasunog iyon oh mabasa man ng ulan pareho tayo.”
Sabi nito ni Inoy.
“Hmm…paano kung mapunit iyon? At nagkahiwalay na ang pangalan ko, at pangalan mo! Edi…para na tayong nagkahiwalay non.”
“Wala naman sigurong papansin sa papel na iyon, at wala naming pupunit non. Hmm…siguro yung gusto lang na magkahiwalay tayo ang pupunit non.”
Sabi pa ni Inoy. Maya maya kinuha ni Inoy sa kanyang bulsa ang panyo niyang kulay pula, at itinali niya ulit iyon sa ulo niya.
“Bakit naglagay ka na naman niyan?”
“Wala lang, gusto ko lang he he!”
Sabi ni Inoy na tatawa tawa pa. Maya maya may naalala itong si Charsie.
“Oo nga pala! Nag-promise ka sakin na ngayon mo sasabihin yung gusto mong sabihin sakin diba?”
“Oo nga pala no? sige sasabihin kona pero…sa isang kondisyon!”
“Huh! Bakit may kondisyon pa? nakakaasar ka naman eh!”
“He he he! Madali lang naman yung kondisyon ko eh!”