Chapter four
Kinaumagahan habang nagsusuklay itong si Charsie sa kanyang kwarto ay agad na pumasok sa kanyang kwarto ang batang kapatid nya na si Piero.
“Ate! Nabalitaan mo naba?”
“Hindi pa! ano bang balita?”
“kagabi napagtripan si Kuya Inoy, at kasama si Enzo pero si kuya Inoy lang ang binugbog.”
Sabi ni Piero kaya napahinto si Charsie sa kanyang ginagawa, nagulat kasi ito sa sinabi ni Piero na tungkol sa nanyari kay Inoy.
“Huh! Pero bakit? Okey lang ba sya, nasaan sya ngayon?”
“Nasa kanila, tara puntahan natin.”
At agad na silang lumabas ng kwarto upang puntahan na si Inoy.
“Inoy, anong nanyari sayo?”
Tanong agad ni Charsie nang Makita nito si Inoy na nakaupo lang sa kanilang sufa. Nakita ni Charsie na puro pasa, at maraming sugat ang mukha ni Inoy, kaya awing awa sya dito.
“Charsie…”
Nakangiting bangit ni Inoy, Masaya kasi ito na nakita nya si Charsie. Naupo si Charsie sa tabi ni Inoy, at ang mga bata naman na sina Piero, Enzo, Criszy, at Naddy, ay mga tahimik lang na nakaupo lang din.
“Puro pasa ka, at may sugat kapa, Inoy. Bakit nila ginawa sayo ito?”
Sabi ni Charsie habang hawak nito ang mukha ni Inoy.
“Hindi ko alam kung bakit, wala naman akong kasalanan sa kanila.”
“Sino sila? At ilan silang gumawa sa iyo nito? Hmmp!”
“Hindi ko sila kilala, tatlo yata sila.”
Sagot ni Inoy na medyo napapangiti, Masaya kasi ang pakiramdam nya na nakita nyang alalang alala sa kanya si Charsie.
“Bakit ikaw pa ang napili nilang pagtripan, mga loko talaga sila!”
Sabi pa ni Charsie.
“Wala ba silang nasabi sayo, Inoy?
Tanong pa ni Charsie, at si Enzo ang sumagot sa tanong nyang iyon.
“Meron, ate Char.”
“Ano?”
“Sabi nung isang lalaki nungmakita si Tito Inoy, “ito nga iyon!” iyon lang po ang sabi eh!”
Kwento ni enzo.
“Ibig sabihin, plano talaga nilang pagtripan ka, inoy. Pero bakit kaya?”
“Hindi ko talaga alam, sayang…hindi ko matandaan ang mga itsura nila, madilim kasi eh!”
Sabi pa ni Inoy.
“Sino kaya ang mga iyon? Dibale…makakarma rin sila!”
“Charsie, salamat ah.”
“Saan naman?”
“Sa pag aalala mo sakin, ang sarap ng pakiramdam. Alam mo…yung mga pasa ko hindi ko na maramdamang masakit dahil sayo, Charsie.”
Nakangiti pang sabi ni noy. Maya maya hinawakan ni Charsie ng madiin ang mga pasa sa mukha ni Inoy kaya nasaktan itong si Inoy.
“Aray!”
“Ay! Sorry, hindi ko sinasadya! He he he!”
Tatawa tawang sabi ni Charsie.
“Uy….ang sweet naman ni ate Charsie, at kuya Inoy…”