Chapter eight
Makalipas ang ilan pang araw, isang umaga habang nag-aabang ng masasakyan itong si Charsie sa tapat ng bahay nila ay naalala nito si Inoy, madalas kasi sila magkita ni Inoy pag nag-aabang sya ng masasakyan doon sa labas ng bahay nila.
“Hmm…kumusta na kaya si Inoy? Palagi ko syang nakikita dati pag nag-aabang ako ng masasakyan dito, grabe sya makatingin sakin non, lalo na nung una kaming nagkita, hay…kakamis talaga.”
Nakangiting sabi ni Charsie sa isip. Maya maya ay nag call sa kanya si Inoy, at agad nya naman na sinagot iyon.
“Hello…hello, Inoy!”
“Hello Charsie, kumusta kana? Nasaan ka ngayon?”
“Okey lang ako, nandito ako sa labas ng bahay, at nag-aabang ng masasakyan.”
“Charsie, mis mo naba ako?”
“Oo naman! Kaylan kaba babalik dito?”
“Malapit na Charsie, ahm…matanong ko lang may nanliligaw ba sayo sa ngayon? Hmm…gusto ko lang malaman kung meron man.”
“Wala na, ahm…kahapon nga pala pumunta dito samin si Gerone, nasampal ko nga eh!”
“Huh! Sinampal mo sya?”
“Oo! Dahil sa ginawa nya sayo at humingi naman sya ng sorry pero di ko sya nagawang patawarin.”
“Dahil lang sakin, Charsie? Huwag mo nalang intindihin ang ginawa nya sakin. Ahm…nagkita nga pala kami ditto ni Denise, yung kapit bahay nyo rin diyan.”
“Huh! Bakit? Paano kayo nagkita diyan?”
“Dito daw kasi sya nagwowork, at nagkita kami sa isang restaurant.”
“Nag-usap ba kayo?”
“Oo”
“Matagal ba?”
Tanong pa ni Charsie nagseselos kasi ito.
“Hindi naman…mga kalahating oras lang siguro.”
“Kalahating oras? Matagal na iyon ah! Hmmp! Bakit kasi kailangan pa nilang magkita doon.”
Sabi pa ni Charsie sa isip na medyo naiinis.
“Tungkol saan naman ang pinag-usapan ninyo?”
Tanong pa ni Charsie kay Inoy.
“Tungkol lang naman sa work nya dito, at nagkamustahan lang naman kami.”
Sagot lang ni Inoy.
“Inoy…”
“Hmm, bakit?”
“May nililigawan kana ba diyan?”
Tanong bigla ni Charsie.
“Wala pa akong nililigawan sa ngayon pero meron na akong balak na ligawan.”
Sabi ni Inoy, at kinabahan naman itong si Charsie.
“Si-sino naman ang swerteng girl na iyon na balak mong ligawan? Kilala koba sya?”
“Sikret! He he he!”
“Ganon? Hmm…”
“Bakit mo naitanong iyan, Charsie?”
“Wala lang…bakit sikret pa? gusto ko lang naman malaman kung sino sya”
“Huwag kang mag-alala makikilala mo rin sya. Ahm…Charsie alam mo mis na mis na mis na mis na kita ako mis mo narin ba?”