Chapter three
Isang umaga may pasok na si Charsie pero maaga pa naman kaya nagdilig muna ito ng halaman sa labas ng bahay nila, habang nagdidilig ito, hindi nito napapansin na tinatanaw pala sya ni Inoy, nasa terrace itong si Inoy, at nakaupo.
"Kulay green din ang kulay ng suot nya ah...solemate talaga kami."
Ngingiti ngiting sabi ni Inoy sa isip. maya maya napalingon si Charsie sa bahay nila Iris, at nahuli nitong nakatingin sa kanya si Inoy, kaya naman agad na tumalikod bigla si Inoy kay Charsie.
"Hmm...kanina nya pa siguro ako tinitignan, loko ang lalaking iyon ah!"
Nakangiting sabi ni Charsie sa isip sabay pumasok na ito sa loob ng bahay nila.
"Sayang pumasok na sya."
Sabi ni Inoy, hindi nya na kasi nakita si Charsie dahil pumasok na ito ng bahay. maya maya kinuha ni Inoy sa kanyang bulsa ang kanyang panyong pula, at itinali nya muli iyon sa kanyang ulo.
"Hi...Charsie, Goodmorning."
Bati agad ni Gerone nung kararating palang ni Charsie sa room nila. classmate ni Charsie itong si Gerone, at may gusto ito sa kanya.
"Goodmorning din."
Bati din ni Charsie.
Matangkad din itong si Gerone, maputi din ito, at gwapo pero may pagka mayabang. mayaman si Gerone, at may malago itong nigosyo.
"Dito kana maupo sa tabi ko, Charsie."
At naupo naman itong si Charsie.
"Mabuti nalang at wala pa si Sir, Lyndon may pagkakataon pa akong gawin ang homework ko."
Sabi ni Charsie. hindi kasi nito natapos gawin ang homework nya.
"Gusto mo ako nalang ang gumawa nyan?"
"Gerone...alam kong matalino ka, pero ayokong ipagawa sayo ito no! kaya kong gawin ito."
Medyo may pagkamataray na sabi ni Charsie kay Gerone. si Gerone naman ay nanahimik nalang bigla, dahil napahiya ito kay Charsie.
Isang hapon ng nakauwi na si Charsie sa kanilang bahay galing school, sinalubong agad sya ng dalawang bata na si Criszy, at Naddy.
"Ate may pasalubong kaba samin?"
"Naku, Naddy...wala eh...sa susunod nalang huh! anong ginawa nyo dito maghapon sa bahay?"
"Kumain lang po, tapos naglaro ako kala Baby Rhio, wala kasi si ate Criszy kanina, pumasok sa school."
Sagot ni Naddy.
"Ikaw...madalas ka nalang wala dito sa bahay ah! ikaw din Criszy, pag wala kang pasok madalas karin nasa kabila, minsan tuloy nakakalimutan mo ng gawin ang takdang aralin mo!"
"Kasi po masaya kami doon, kalaro namin si Enzo, at Baby Rhio, saka si kuya Inoy."
Katwiran ni Criszy.
"Si Inoy kalaro nyo rin? hmmp! isip bata..."
"Crush ka nga ni kuya eh! alam mo ba iyon, ate?"
"Hmm? may crush sakin iyon? so what? halata naman eh!"
Sabi ni Charsie. nahahalata nya naman kasi na may crush sa kanya si Inoy, pero wala lang sa kanya iyon.
"Ikaw po...crush mo ba sya?"
tanong pa ni Criszy.
"Hindi no! teka...alam mo naba ang ibig sabihin ng crush? ikaw bata ka ang dami mo ng alam na hindi mo pa dapat malaman."