Chapter six

42 0 0
                                    

Chapter 6

     Isang umaga habang tahimik lang na nakaupo si Charsie sa kanilang sufa, at nanonood lang ng T.V. may kumatok sa kanyang pinto kaya sya’y tumayo para buksan iyon. Nang nabuksan nya na ang pinto nakita nyang wala naming tao sa labas nila. 

     “Wala naman tao.”

Sabi ni Charsie. Maya maya ay lumabas sya ng bahay, at nakiramdam.

     “Charsie!”

     “Ay!”

Sigaw ni Charsie. Ginulat kasi sya ni Inoy, na nagtago lang pala sa gilid ng bahay nila Charsie.

     “Inoy…”

Bangit ni Charsie nung nakaharap na it okay Inoy.

     “Nakakaasar ka! Nangulat ka nanaman, hmmp!”

Sabay isnab kay Inoy.

     “Sorry na, ito naman tampo kaagad.”

     “Huwag mo nga akong kausapin.”

Sabi pa ni Charsie kay Inoy.

     “Sige, kung iyan ang gusto mo hindi na talaga kita kakausapin.”

Sabi naman nito ni Inoy na kunwari ay nagtatampo din. Pareho lang silang tahimik , at nakatayo lang sa labas ng bahay. Maya maya lang ay biglang umulan ng malakas.

     “Ay! Umulan na!”

Sabi ni Charsie na agad ng pumasok sa bahay nila, samantalang si Inoy ay nasa labas parin ng bahay, at tahimik. hinayaan lang nito na mabasa sya ng ulan.

     "Inoy, ano kaba? wala kabang pakiramdam? pumasok kana dito sa loob!"

Sabi ni Charsie pero parang walang naririnig itong si Inoy, nakatayo parin ito sa labas ng bahay nila Charsie.

     "Inoy, ang kulit mo! magkakasakit ka nyan."

Naiinis ng sabi ni Charsie, pero hindi parin talaga sya pinapansin ni Inoy. maya maya lumabas na ng bahay si Charsie, at lumapit ito kay Inoy.

     "Sorry na, Inoy! nagjo-joke lang naman ako kanina eh!"

Sabi ni Charsie, at hinawakan pa nito ang kamay ni Inoy.

     "Ano bang gusto mong gawin ko para pumasok kana sa loob huh?"

Maya maya si Inoy ay ngumiti.

     "Kiss mo ako."

Nakangiting biro ni Inoy kay Charsie. maya maya hinalikan nga ni Charsie si Inoy sa labi nito kaya nagulat itong si Inoy, hindi kasi ito makapaniwala na gagawin iyon sa kanya ni Charsie.

     "Oh ayan...ginawa kona ang gusto mo kaya pumasok na tayo sa loob, basang basa na tayo oh!"

Sabi ni Charsie na hinila na si Inoy papasok sa bahay.

     Nang nasa loob na sila ng bahay, nagbihis muna si Charsie sa kwarto nito, at pagkatapos non ay dinalhan ni Charsie si Inoy ng tuwalyang pamunas nito dahil basang basa talaga ito sa ulan.

     "Oh ito ang tuwalyang ipamunas mo! hmm...hubarin mo na kaya iyang T-shirt mo."

Sabi ni Charsie matapos ibigay ang tuwalya.

     "Maghuhubad ako? sige pero huwag kang titingin huh!"

Pabirong sabi ni Inoy, at natawa naman itong si Charsie.

     "Hehehe! sira ka talaga! T-shirt mo lang naman ang pinapahubad ko sayo no!"

Nakangiting sabi ni Charsie. maya maya hinubad na ni Inoy ang T-shirt nya kaya naka sando na lang ito ng kulay puti. pagkatapos non kinuha ni Charsie ang hinubad na T-shirt ni Inoy upang isampay sa likod ng bahay nila, at pagkatapos non ay bumalik na si Charsie sa sala, doon sa kinaroroonan ni Inoy, at naupo narin ito sa tabi ni Inoy.

"Dreaming of you"Where stories live. Discover now