Chapter two

44 0 0
                                    

Chapter two

     Isang umaga araw ng sabado pagkagising na pagkagising ni Charsie ay agad na itong nagtungo sa kanilang kusina upang magtimpla na ng kape, at nang nakapagtimpla na ito, tumungo ito ng kanilang sala, at naupo ito sa kanilang sufa.

     "Asan kaya si Mama? parang wala dito sa bahay."

Sabi nito sa sarili habang umiinom ng kape. maya maya dumating na ang Mama nya na galing lang kala Iris.

     "Mama, saan ka galing?"

Tanong kagad ni Charsie nung katutuloy lang ng mama nya sa sala.

     "Sa ate Iris mo, may problema kasi sya eh!"

     "Ano naman po ang problema ni Ate Iris?"

     "Kahapon daw may mga taong dumating sa kanila, dinidimolis na sila pero ayaw pumayag ni Iris dahil matagal na silang nakatira diyan sa lupang tinatayuan ng bahay nila, at may laban naman sya para hindi sila mapaalis."

     "Ganon ba?"

     "Ou kaya nga tutulungan ko sila, matagal ko na syang kaibigan, at sya nalang ang kapit bahay nating nalalapitan pag may problema tayo."

Kwento pa ng Mama nya habang si Charsie naman ay panay lang ang inom ng kape.

     "Hello...baby Rhio!"

Bati ni Criszy na 9 years old palang na bunsong kapatid ni Charsie, nilalaro kasi nito si Baby Rhio na nasa kuna doon sa may terrace, at binabantayan nito ni Inoy.

     "Kuya Inoy...ang cute talaga ni Baby Rhio, mas cute keysa kay Enzo."

     "Hehehe! oo cute nga iyang pamangkin ko tulad ko, diba?"

     "Hindi ka naman cute no!"

Sagot ni Criszy.

     "Ganon...eh ano ako?"

     "Pogi!"

     "Hehehe! ang bait mo namang bata, yung ate mo mabait din ba?"

     "Opo! cute pa dahil may dimple sya sa isang pisngi."

At natawa pa si Inoy.

     "Kuya Inoy...may dimple karin pala tulad ni ate."

     "Oo! kaya nga bagay kami."

     "Huh?"

     "Crush ko yung ate mo!"

     "Talaga?"

     "Oo talagang talaga!"

     Kinagabihan habang tulog na si Charsie, nanaginip muli ito, at sa panaginip nito kasama nya muli ang lalaking napanaginipan nya nung isang gabi. sa panaginip ni Charsie naghahabulan sila ng lalaking iyon, at pinaiikutan nila ang isang malaking puno. ang lalaking kasama ni Charsie ay may panyong pula na nakatali sa ulo nito.

     "Ang daya mo, Charsie! halika nga dito."

Masayang sabi ng lalaking iyon habang hinahabol nito si Charsie.

     "Wala ka pala eh! mabagal ka hindi mo ako maabutan he he he!"

 Nang aasar na sabi ni Charsie. maya maya lang nahuli rin ng lalaking iyon si Charsie, at niyakap nya talaga ito ng mahigpit.

     "Huli ka! he he he!"

Maya maya humarap na si Charsie sa lalaking iyon.

     "Jairon..."

"Dreaming of you"Where stories live. Discover now