Prologue

234 10 1
                                    

Prologue

"May ipapakita ako sayo baby, halika!" hinatak niya ang kamay ko, excited siya na makita ko ung surprise niya saakin ngayon.. This day is our first anniversary.. At masaya akong umabot kami dito, I worked hard to get her and now nasa kamay ko na siya.. 2 years akong nanligaw since highschool.. Kaya I dont want anybody hurt her.. Dahil ako ni sa panaginip hindi ko siya sinaktan.. I treasured her a lot. More than my life. More than my soul.

"Surprise! Happy first anniversary baby ko!"

Napabitaw ako sa nakita ko..

"Pininta kita nung isang gabing tulog na tulog ka sa bahay baby.. Alam mo bang para kang isang anghel?"

Isang painting, malaking painting kung saan nakikita ko ang sarili kong natutulog. Parang totoo, parang pinapanood ko ngayon ang sarili kong natutulog. Ngayon ko lang nakita ang sarili kong natutulog..

"Baby. Paano mo nagawa to?"

"Baby.. Simula nung elementary ako mahilig na talaga akong magpinta, magdrawing ng kahit ano.. At nung naghighschool ako, hininto ko na.." ramdam ko ang lungkot sa boses niya, pero bakit?

"Bakit baby? Maganda naman ah. Sobra.."

Tinignan niya ako sa mga mata at ngumiti ng matipid..

"Kasi.. Ayokong mawala ka.."

"Ano??" hindi ko siya maintindihan

"Jonex, nung dumating ka sa buhay ko pinapili ako ni dad.. Ikaw ba o ang pagpipinta ko..."

Napalunok ako.. Ibig sabihin, ako ang dahilan kung bakit naputol ang pangarap niya sa buhay? Ako? Kasi noon pa man, napapansin ko na kapag lumalabas kami dumadaan muna kami sa isang shop, mga paintings ang nandoon.. Akala ko, mahilig lang siyang mangolekta ng mga paintings at nagagandahan lang siya.. Pero...

"Ako ang pinili mo imbes na ang kaligayahan mo Marie??" hindi ko maiwasang mainis sa kanya at sa sarili ko.

"Jonex ikaw ang kaligayahan ko.. Ikaw.." buong pagmamahal na sabi niya saka ako niyakap at hinalikan, maya-maya'y tumugon ako sa halik niya.. We deepen the kiss nang biglang... Biglang nanlambot ang labi niya at unti-unting naglalaho yun.. Nanlaki ang mga mata ko nang marealized na humahalik nalang pala ako sa hangin.. Naglaho si marie.

*****

"Ipapangako ko Marie, hindi ako titigil hangga't hindi ko pa nahahawakan ang hustisya para sayo.." tumulo ang mga luha ko bigla nang ibaba ko sa puntod niya ang bulaklak na dala ko para sa kanya.. Paborito niyang red roses ang binili ko for her..

Sa mismong 17th birthday niya ako sinagot at sa 18th birthday pa siya nawala sakin.. Luckily umabot pa kami ng one year nun.. Ang sakit..

Isang taon simula nung namatay siya. Nawala sa buhay ko na halos ikabaliw ko na.. Kung wala si mama baka tuluyan na akong nasiraan ng ulo. Saksi si mama sa pag-iibigan namin ni marie, lahat-lahat..

Lahat ng sakripisyo ko, lahat ng pag-iingat kong hindi siya mawala ay naglaho bigla. Lahat ng ginawa ko para sa kanya ay napunta sa wala.

Galit ako.

Wala siyang karapatan para kunin sakin si marie, wala silang karapatang mabuhay ng masaya habang ako nakaapak parin sa mundong hindi na gumagalaw..

Magbabayad sila.

Hindi ko sila patatahimikin.

Hinding-hindi.

---------------

SECRETS

The Revenge Of An Angel Part 2


dediacted to ate marikit kasi bumalik na siya! yiehhh 

Ok ba ito? Ginawan ko na ng part 2! Hehe kasi bumalik na si ate marikit kaya nabuhayan ako ulit ng loob para magsulat! :)

Kaway-kaway Jammers! :*

Yung mgar readers ko sa the revenge of an angel sana basahin niyo to, sana suportahan niyo ulit to. Salamat!

Suggest kayo ng kahit anong maisipan niyo sa story na ito.

Comments please kung ok lang ba to na may part 2?

Loveyahh readers! Mwahhh..

Ps. Ang panget na author

PyWZA

SECRET (The Revenge Of An Angel Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon