Chapter 3

88 5 1
                                    

Chapter 3 (Secrets)

#Kara

******

Jonex's pov

Si tanya.

Half-sister siya ni Marie.

Hindi ko pa siya nameet in person.

Kaya picture lang ang meron ako sa kanya.

-Flashback-

"May kapatid ako.. Ate ko. Isang taon lang ang gap namin.. German ang dad niya."

Tapos may pinakita siya sakin sa phone, litrato ng half-sister niya.. Maganda. Pero mas maganda siyempre ang Marie ko.

"Diba ang ganda niya? Stolen shot lang to nung birthday niya last year, namimiss ko na nga siya eh.." malungkot niyang sabi sakin saka ibinaba ang phone sa mesa

Ngayon ko lang din nalaman ang tungkol dito sa half-sister niya kasi una niyang shinare sakin ang kuya niya na 20 years old. Si Don. Hindi ko alam na may half-sister pala siya..

"Love ko si ate, sobra. Pero hindi niya nakikita yun jonex.."

"Teka lang, may problema kaba diyan sa half-sister mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya, she nodded. Meron nga.

"Hindi niya ako tanggap eh. Hindi niya ako mahal. Tingin niya sakin mag-aagaw. Tingin niya sakin malas sa buhay niya.. Kasi akala niya ako lang ang mahal ni mommy, akala niya pinagdadamot ko si mommy sa kanya. Kasi daw ako yung paboritong anak at hindi siya.. Pero mali siya eh, mahal ko siya.. Mahal siya ni mama.. Simula palang nung mga bata kami lagi nalang niya akong inaaway.."

"Eh likas na maldita pala yang ate mo eh." biglang nasabi ko.

"Hindi siya maldita." pagtatanggol nito

"Anong tawag mo dun? Tsaka hindi mo na yun problema, it's her lost."

Mas lalo siyang nalungkot. May tumulong luha sa mga mata niya.. Sumakit naman bigla ang dibdib ko dun kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Kelan kaya niya ako mamahalin? Kelan kaya niya ako matatanggap? Kasi ayokong nag-aaway kami eh.. Mahal na mahal ko kasi siya.."

Tumayo ako at pumunta sa tabi niya, saka siya niyakap..at hinalikan sa noo.

"Hindi mo kasalanan na ganun ang tingin niya sayo.. Bulag kasi siya kaya hindi niya nakikita ang pagmamahal mo sa kanya.. Hayaan mo, balang araw magiging ok rin kayo.."

"Sana.."

-End of Flashback-

"Marie.."

Kinuha ko yung frame at hinalikan. Nababaliw na ata ako. O di kaya dala ng maraming alak na nainom ko.

"I don't want to love somebody else.. Ikaw lang talaga alam mo ba yun? Bat kapa kasi nawala. Edi sana ngayon magiging mrs.mendez ka'na diba??"

Hinaplos ko siya sa picture frame. Napangiti ako. Para ko narin siyang nahawakan sa totoong buhay. Baliw na nga ko. Hays

"That Tanya.. Ipaparamdam ko sa kanya na mahal na mahal mo siya.. Magbabago ang tingin niya sayo. She'll regret everything. Pagsisisihan niyang hindi ka niya minahal at tinanggap bilang isang kapatid. Ipapamukha ko sa kanya na maling-mali siya, na hihingi siya ng patawad sa lahat ng ginawa niya sayo.. Pangako ko yan marie.. Do you want me to love her too tulad ng ina-ask mo sakin dati? Well, dapat humingi muna siya ng patawad sayo bago ko tuparin ang hinihiling mo sakin. At kapag nagawa niya yun, I'll love her.. Bilang kapatid rin na gusto mo marie.. And I'll protect her just the way I did to you.. I promise.."

SECRET (The Revenge Of An Angel Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon