Chapter 1

157 8 2
                                    

(a/n)

Tambay na naman po kasi ako, kaya eto.. naisipan ko ulit magsulat kahit puro problema utak ko ngayon. Haha sorry nalang kung sabaw ha! :*


dedicated to purplejeng! love ko kasi yung isla constantina 2. hehe


***** 

Chapter 1 (Secrets)

*****

-Flashback-

"Meet Jonex mendez..."

"Hi! Ako si marie!"

Naalalako pa nung una kaming nagkita. Noong unang nahawakan ko ang kamay niyang kumuryente sa buo kong katawan lalong lalo na sa puso ko.

"So paano ba yan? Aalis na ako ha!" paalam ni Jack na siyang nagsilbing tulay para lang malapitan ko si marie, oo torpe ako.. Natorpe ako dahil sa kanya.. Sa babaeng kaharap ko ngayon.. Para siyang anghel.. Ang bait niya. Ang angelic ng smile niya.. Para talaga siyang anghel na bumaba sa lupa para sakin. :)

Biglang nag-ilangan.

"Uhm.. Anong gusto mong kainin??" buti hindi ako nautal. Hays. Pero kinakabahan parin ako..

"Panget ba ako??" imbes ay tanong niya na ipinagtaka ko

"Huh?"

"Kasi hindi ka makatingin sakin ng diretso eh, tuloy naiilang rin ako.. Hindi rin naman ako nangangagat." naka-pout pang sabi niya, parang nalungkot siya na ikinakonsensya ko naman.. Ganito ba ako ka-obvious?

"Uh. Sorry.. First time ko kasi to.. I mean.. Uhm... Maganda ka.. Sobra.."

Biglang nagliwanag ang mukha niya at nakangiti na siya sakin kaya di ko mapigilang mapangiti rin.. Nakakaadik ang ngiti niya. Promise

"To be honest, first date ko rin to.."

"Talaga?"

"Oo.." tumatangong sagot niya at ngiti parin sakin

"Wag kang mag-alala, magiging memorable ang first date natin.." nabuhayan ako ng loob. Akala ko kasi balewala lang sa kanya tong date, mayaman rin kasi siya at akala ko normal lang sa kanyang makipag-date kahit kanino.. Pero ito ako, naka-jackpot at naging first date pa niya ako. Dapat naba akong magcelebrate? Ang babaeng matagal ko ng gusto ay ako pala ang first date!

Matapos naming kumain, una kaming nanood ng sine.. Nagpunta ng park at lastly, nagbasketball kami. Hindi ko nga akalaing lalabanan niya ako sa basketball eh. Palaban siya. Sporty rin. Ito talaga ang gusto ko sa mga babae.

"Talo kita! Oh anong premyo ko Mr. Ramirez??" nanunubok ang mga matang tanong niya sakin habang nakacross arms pa..

"Premyo?"

Napasmirk ako habang dahan-dahang lumalapit sa kanya.. Binitawan ko ang bola nang nasa harap na niya ako, magkatitig ang mga mata namin.. Ramdam ko ang tensed niya..

"Etong premyo mo.."

Kinabig ko siya sa bewang at inangkin ang mga labi niya ng walang pahintulot.

This kiss, is the price.

-End of Flashback-

********

"Jonex? San ka pupunta?"

Si mama natasha samuel mendez. Ang pinakamamahal kong mama. Ang unang babae sa buhay ko.

SECRET (The Revenge Of An Angel Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon