Chapter 7
David
*****
Tanya's pov
"Sinong David??"
Nagulat ako sa tanong niya, pano niya nalaman?
"Boyfriend ko."
"Mahal mo?"
Hindi ako nakaimik kagad at inubos na muna ang kape ko.
"Kung hindi mo mahal, iwan mo na. Hiwalayan mo."
Hindi ganun kadali yun. Hindi niya kilala si David.
"Ganun lang ba kadali para sayo ang mang-iwan ng tao?"
Tinignan niya ko bigla, seryoso siyang nakatitig sakin. Na parang na-offend ko siya. Na-offend ko kaya siya?
"Hindi ako nang-iiwan Tanya, sa katunayan ako yung naiwanan eh. Sinasabi ko lang sayo na iwan mo na si David.."
"At bakit ko siya iiwan? Para sayo?"
Bigla siyang tumayo sa mesa at iniwan ako..
Anong problema nun? Nagtatanong lang naman ako. Kung natatarayan siya sa pananalita ko, hindi ko na yun problema. Tsk...
*****
DORM-
"Tanya, galit na galit si David hinahanap ka..." alalang bungad sakin ni Lea pagkapasok ko ng kwarto.
"A-anong sinabi mo?"
"Ang sabi ko nag-OT ka sa trabaho mo, pero mukang hindi naniniwala eh.. Naku tanya, baka paalisin niya ako dito ha.."
"I'm sorry Lea kung nadamay ka pa.. Wag kang mag-alala hindi mangyayari yun.. Asan ba siya?"
.
.
.
.
"Nandito ako."
Sabay kaming napalingon ni Lea sa may pintuan.
Nakaramdam ako ng takot sa puso ko, alam kong sasaktan na naman niya ako..
"Lea lumabas ka muna.."
"P-pero.."-lea
"I said get out!!"
Nagmadaling lumabas si lea sa takot. Naiwan ako. Agad niyang sinara yung pinto kaya napaatras ako hanggang sa sumandala ko sa pader.. Wala na akong kawala.
"D-david.." nauutal na ako..
"Ano? Magsisinungaling ka na naman ha??"
Dahan-dahan siyang lumalapit sakin..
Gusto ko nalang maglaho sa kinatatayuan ko.
"D-david.."
"Ano Tanya Dominggo?! Sabihin mo sakin kung asan ka kagabi at wag na wag kang magsisinungaling sakin!!"
Blagg*
May pinaghahagis na siyang mga bagay na nahahawakan niya dito sa loob.
"D-david.."
"Sagot!"
"Kahit naman sabihin ko sayo ang totoo hindi ka naman maniniwala sakin eh! Dahil kahit kailan hindi mo'ko pinapakinggan! May karapatan din naman akong magasaya diba? Hindi lang naman ikaw..."
BINABASA MO ANG
SECRET (The Revenge Of An Angel Part 2)
عاطفية"Lahat tayo may tinatagong sekreto.." -The Revenge Of An Angel Part II