Chapter 6
Echael Ramirez
*******
Jonex's pov
Ang laki ng bahay ni tito kael. Maganda naman pala bahay niya dito sa davao eh.
Puno nga ng mga paintings. Puro mukha ni mommy.. Napaisip ako, ganun ba niya kamahal si mama? Ibang-iba kasi si papa kay tito kael. Mas nararamdaman ko si tito kesa kay papa kahit nagsasama kami noon sa bahay.
How I wish buhay siya dahil mukang siya lang ang makakaintindi sakin ngayon eh.
Nilibot ko ang buong bahay hanggang sa kwarto ni tito, ganun parin puno ng paintings ni mama.. I wonder, ano kaya ang magiging reaksyon ni dad pag nakita niya to lahat?
Gusto ko ng matawa sa magiging reaksyon ni dad lalong lalo ng mukha niya.. Haha.
Napatitig ako sa isang painting, na isang anghel? Eto lang yung naiba. At grabe, ang galing niya. Sobra. Naaalala ko na naman si marie.. Dahil noon, pasekreto niyang binabahagi sakin ang talento niya sa pagpipinta.. Marami nga akong naitago doon sa bahay eh, gawa niya, sayang hindi ko nadala.
-Flashback-
Dinala ako ni Marie sa isang building. Isang exhibit. Ng mga paintings ng Arto Company.
"Siya. Siya ang idol ko Jonex." sabay turo dun sa painting ng isang lalakeng namumukhaan ko. Teka. Si tito Echael? Ah. Yeah. Isa nga pala yung artist pero hindi ko alam na ganito siya kasikat. Wala kasi akong alam sa mga ganito..
"Si Echael Ramirez.. Sayang hindi ko na siya makikilala in person.. But grabe, ang galing niya.. Nakikita ko talaga ang puso niya sa bawat painting eh.. Nuh? Diba ang gaganda?? Tsaka eto yung pinakapaborito ko sa lahat.. Etong angel.. Ang sabi ito daw yung first painting niya..."
Wow.
Mapapa-wow ka nalang..
Anghel.
Isang masayang anghel na lalake.
Mahilig pala si tito sa mga angels? Ibig sabihin naniniwala siyang may mga anghel?
"Maganda.." tanging nasabi ko
"Hindi maganda.. Sobrang sobrang ganda!" proud pa baby ko ah?
"Alam mo ba nung nakita ko isa sa mga art works niya.. Nag-iba yung ikot ng mundo ko, parang hinahatak niya ako na magpinta? Siya ang dahilan kung bakit ako nagpipinta.. Siya ang dahilan kung bakit nahanap ko na yung happiness ko sa buhay..ang pagpipinta..at siyempre ikaw baby.."
Napangiti ako. Kinilig ako dun ha! Hindi lang halata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Eto yung first painting ko.. Isa ring angel.. Maganda ba baby??"
"Oo naman.. Sobra.."
Hinawakan ko yung painting na gawa niya at tinitigan yung anghel sa drawing, parang si marie lang.. Maganda.. Napaka-inosente at ang bait-bait.. Palangiti..
BINABASA MO ANG
SECRET (The Revenge Of An Angel Part 2)
Romance"Lahat tayo may tinatagong sekreto.." -The Revenge Of An Angel Part II