CHAPTER 30

40 1 0
                                        

Kaba at takot ang bumabalot sa akin. Limang oras na, pero wala pa rin si Travis. Parang unti-unting nawawalan ng pag-asa ang puso ko. Baka hindi na niya ako mahanap. Baka… baka iniwan na niya ako. Pero hindi… hindi ganoon si Travis. Alam kong ililigtas niya ako.  Alam ko sa puso ko.

Naestatwa ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Trina at Enzo.  Si Trina…  Siya nga ang may pakana nito!  Hayop na babae!  At nakipag-kutsaba pa siya sa mokong na ‘to! 

“Did you like this place Ava, my dear?” Tanong nito, kasabay ng isang nakakalokang tawa. Akala ba niya maiinis ako?  Nagkakamali siya. Hindi ko siya sinagot.

Humakbang siya palapit… at saka…  pak! Isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi.  Ang lakas!  Ang sakit!  Para akong nabingi sa lakas ng impact.  Ang init ng palad niya sa aking balat... napaka hapdi.

“ANSWER ME!” Malakas na sambit niya.  Halatang-halata ang matinding inis sa boses niya.  Para bang sasabog na siya sa galit.

“You think I'm scared of you? You're crazy, Trina.” Matapang na sambit ko, at pinunasan ang dugong tumulo mula sa labi ko dahil sa malakas na sampal ni Trina.  Ang hapdi… pero mas masakit ang galit na pumupuno ngayon sa puso ko.

“Matapang ka dahil sa lalaki ‘yon? Sa tingin mo maliligtas ka niya bago kita patayin?”  Nanghahamon ang tono niya.  Puno ng panlalait at paghahamong  nakakapangilabot.  Sinusubukan niyang takutin ako,  iparamdam sa akin ang kawalan ko ng pag-asa.  Pero hindi ako natatakot.

“Ililigtas ako ni Travis!” Matapang at sigurado ang pagkakasabi ko.  Hindi ako magpapatalo sa takot,  Naniniwala ako kay Travis.

PakMuli akong sinampal ni Trina.  Mas malakas pa ito kaysa sa una.  Sumiklab ang apoy ng galit sa loob ko.  Sa pangalawang pagkakataon, sinamaan ko siya ng tingin.  Isang tingin na puno ng poot, ang pagnanasang gumanti sakaniya ngunit nakatali ang dalawa kong kamay kaya hindi ko magawang gumanti.

“Ano pa ba ang kailangan mo sa akin, Trina?!?”  Sigaw ko sa kanya, puno ng galit at pagkamuhi ang aking boses.  Para akong sasabog sa sobrang inis.  Gusto ko na siyang sugurin, saktan, parusahan sa lahat ng ginawa niya. Pero hindi ko magagawa dahil madami siyang mga tauhan kasama.

“To prevent you from taking your father's wealth, you must die.”

May natitira pang yaman si Daddy? Bakit hindi ko alam? Akala ko naubos na lahat ni Trina… Kaya ba niya ako gustong patayin? Sobra ba kalakihan ng natitirang yaman para gawin niya ang lahat ng ito para lang sa pera...? puno ng pagtataka at pagkalito ang nararamdaman ko ngayon.  Ang mga katanungan ay nag-uunahan sa isipan ko.  Parang ang lahat ng akala ko ay mali.

“At marami ka nang nalalaman kaya dapat ka nang mawala...” Ang malamig at mapanuyang tono niya ay nagparamdam sa akin ng matinding takot.  Hindi lang ito simpleng pagbabanta.  Ito ay isang pagpapahayag ng kanyang determinasyon na wakasan ang buhay ko.  Ang lahat ng nalaman ko, ang lahat ng natuklasan ko…  ito ang magiging dahilan ng aking kamatayan.

Ang tinutukoy niya kaya ay ang USB na nakita ko sa opisina ni Daddy noon? Totoo nga ang lahat ng nasa loob noon… pero sino ang lalaking pinatay niya?  Ang dami kong tanong na wala pang kasagutan.  Ang takot, ang pagkalito, ang galit… lahat ito ay naghahalo-halo sa dibdib ko.  Kailangan kong malaman ang katotohanan.

Nanlaki ang mga mata ko nang iabot ng isa sa mga tauhan ni Trina ang baril. Agad niya itong kinuha at itinutok sa noo ko.  Ang lamig ng metal sa balat ko ay nagparamdam sa akin ng matinding takot.

“Sandali lang! Wala sa usapan na papatayin natin si Ava! Ang sabi mo ay si travis lang!”  Biglang sabat ni Enzo.  Naririnig ko ang pag-aalala at takot sa boses niya. Mukhang naguguluhan din siya sa biglaang pagbabago ng sitwasyon.  Para bang pati siya ay nagulat sa desisyon ni Trina.

Trapped in the mafia's Web [ONGOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon