CHAPTER 26

68 1 0
                                        

Limang araw na akong nagmumukmok dito sa loob ng hotel, gusto ko muna mapag-isa kaya naman ay hindi ko sinabi kung na saan ako tanging si emy lamang ang nakakaalam kung nasaan ako ngayon pinangako naman niya saakin na wala siyang pagsasabihan kahit na kanino lalo na kay travis.

I'm still confused and hurt every time i remember what uncle arthur said about travis. I still can't believe that travis could do that.

Nakaupo ako ngayon sa sahig habang may hawak na bote ng alak, Ngumisi ako na parang baliw atska tinungga ang hawak kong bote.

"I love you, even if you're a demon" Bulong ko sa aking sarili at nagsimula pumatak ang mga luha ko.

" Tángina mo travis! mahal kita ehhh..pero bakit mo nagawa iyon!? " Sigaw ko habang iniimagine na nasa harap ko si travis.

"A-ang tangà ko p-para isipin na kaya kita b-baguhin!" Sigaw ko habang sumasabay ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa sakit at hinagpis " A-ang t-tangà tangà ko p-para isipin na m-mabuti kang tao!" humagulgol ako ng napaka lakas.

Nahimasmasan ako ng may marinig akong mga yabag na papalapit saakin, agad akong tumayo atska hinablot ang isang bote ng alak para gawing pangdepensa.

Lumalakas na ang mga yabag na naririnig ko kaya naman ay mas lalo akong binalot ng takot at kaba "S- sino kayo?" lakas loob kong tanong kahit bakas sa boses ko ang nginig at takot.

"Fuck!"

Mura ko sa aking isipan nang makita ang dalawa lalaki nakasuot ng itim, bigla sumagi sa isip ko ang mga lalaki kumidnap saakin noon.

Sila ba ulit ito?

Anong kailangan nila saakin?

Ibebenta na naman ba nila ako?

baka pakana na naman ito ni trina.

Malakas kong ibinato ang bote hawak ko sa dalawa lalaki pero naka-ilag sila kaya naman ay mabilis akong tumakbo papunta sa loob ng kwarto at agad itong inilock.

"Ava!" Sigaw ng lalaki.

Paano niya nalaman ang pangalan ko??

"Buksan mo ang pinto ava!" Sigaw nito atska malakas na kinatok ang pinto.

Napalunok ako at napahakbang papalayo sa pinto ng bigla itong dahan dahan masira dahil sa malakas na paghampas ng lalaki.

"Magbibilang ako ng tatlo at kapag hindi mo ito binuksan ay tuluyan kong sisirain ang pinto" Pananakot nito.

"Ano bang kailangan niyo saakin!?" Malakas na tanong ko rito.

"Hindi kami ang may kailangan saiyo" sagot nito saakin.

Malamang ava hindi sila ang may kailangan saiyo dahil napag-utusan lang sila ni trina, napasapo ako sa noo dahil sa katangahan ko.

"Isa..." nagsimula itong magbilang.

Sinuri ko ang buong kwarto at nagbaka-sakaling mayroon pwede daanan upang makatakas ako ngunit wala akong mahagilap.

"Sana pala ay pinili ko na ang kwarto may balkonahe" Panghihinayang ko.

"Dalawa..." binalot ako nang takot ng magbilang ito ulit, hindi pa tatlo ang bilang nito nang bigla akong makarinig ng malakas na hampas sabay ang pagkasira ng pinto.

"Sandali lang wala pang-tatlooo!" Sigaw ko pero hindi sila nakinig saakin sa halip ay hinila ako ng isang lalaki kaya naman ay malakas akong nagpumiglas ngunit hindi ko kaya kumawala dahil dalawa sila.

"Bitawan niyo nga-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla nito takpan ng panyo ang aking ilong, nakaramdam ako ng pagkahilo at unti unti akong nanghina kasabay ay ang paglabo ng aking paningin.

Hinawakan ko ang aking ulo nang makaramdam ng kirot, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang hindi pamilyar na kwarto. maganda ito at mukha mamahalin ang mga gamit dito napaka-laki rin ang kama imbes na matakot ay natutuwa akong naglulundag sa kama bata pa ako nang huli akong makahiga sa ganito kalaki kama.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto kaya naman ay nag-ayos ako ng upo.

"Travis" wala sa sarili saad ko.

Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan itong humakbang papalapit saakin, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko naghahalo-halo ang mga emosyon ko, Gusto ko siyang yakapin dahil miss na miss ko na siya pero nangingibabaw parin ang galit ko rito.

"You are the one behind this!? fvckyou travis!" Galit na sambit ko rito habang pinaglilisikan siya ng mga mata.

"I miss you too, baby" Malambing na sambit nito, binalewala nito ang galit ko sakaniya.

"Pakawalan mo ako travis." Matigas na sambit ko rito, hindi ako nagpatinag sa mga titig niya.

"I can't" baritono sambit nito, bigla naman kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What do you mean, you can't?" Inis na tanong ko rito.

" Because you're mine" Lumapit siya saakin atska biglang hinapit ang bewang ko amoy na amoy ko ang panlalaki pabango nito sapagkat sobra lapit niya saakin, hindi ko magalaw ang aking katawan para ba akong nagyelo.

"A-are you out of your mind?" Nauutal na tanong ko rito at hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya.

" Look into my eyes, Ava. Let me see your soul. " Matipuno saad nito na para bang inaakit ako nito tumingin sa mga mata niya.

Malakas ko siyang itinulak dahil hindi ko na kaya ang presensiya niyang napakalapit saakin, baka isang salita na lang ang bigkasin niya ay bibigay na ako.

" I don't want anything to do with you. Just let me go!" asik ko rito, nakita ko ang pagseryoso ng kaniyang mukha at halata rito hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

" You belong to me ava, and I'm not letting you go this time." Matigas na sambit nito.

"You're an asshole" Galit na sambit ko rito atska tinalikuran siya.

Kung akala niya papayag akong makulong dito nagkakamali siya, gagawa ako ng paraan upang makatakas sakaniya.

Arghhh bwisit siya!!!

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot ayoko siya makita dahil naiinis padin ako sakaniya.

Narinig kong sumarado ang pinto kaya naman ay sumilip ako at nakita wala na siya roon, mabuti naman at nakaramdam siya na ayaw ko siyang makita.

Ano kaya ang pwede kong gawin sa lalaki iyon, bakit napaka tigas ng ulo niya at hindi niya maintindihan na kailangan ko ng space, kailangan kong mag-isip muna dahil gulong gulo na ang utak ko pero eto siya at mas lalo ginugulo ang isip ko mas lalo akong mababaliw nito kapag nagkakaganiyan siya.

Trapped in the mafia's Web [ONGOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon