Isang matinding kaba ang bumalot sa akin nang makita ko ang apat na lalaking nakaitim na dahan dahan lumalapit saamin ni travis. ang kanilang mga mata ay puno ng isang kakaibang intensyon na nagdulot ng matinding takot sa aking kalooban. May dala silang bangka, at maingat nilang inilapit ito sa yate upang makaakyat. ang aking mga kamay ay pinagpapawisan.
Mahigpit ang hawak ni Travis sa aking kamay, ang kanyang mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa akin, ang paghawak ni travis saakin ay nagbigay ng kaunting kapanatagan sa gitna ng aking takot. Nasa likuran niya ako, ang aking katawan ay nakasandal sa kanya, ang kanyang init ang nagbibigay sa akin ng kaunting lakas. Ngunit ang takot ay nanatili, isang matinding takot na tila sumasakal sa aking dibdib.
"Stay here by my side ava, don't let go of my hand no matter what happens." bulong ni Travis, ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay ay mas humigpit. Kinuyom ko rin ang kamay ko, isang tahimik na pagsang-ayon sa kanyang sinabi ang ginawa ko.
Mabilis na sumugod ang dalawang lalaking nakaitim, ang kanilang mga kamao ay mabilis na sumasalpok sa hangin. Ang mga suntok ay mabilis at malalakas, ngunit si Travis ay tila isang anino, mabilis na nakakaiwas sa bawat pag-atake. Kahit na hawak niya ang aking kamay, ang kanyang mga galaw ay likido at magaan, parang isang sayaw ng kamatayan. Sa isang iglap, nakakaiwas siya sa isang suntok, at sa sunod na sandali ay nakakaganti na siya ng isang malakas na sipa sa tiyan ng isang lalaki. Ang lalaki ay napaatras, napaubo, at napahawak sa kanyang tiyan. Hindi nagpapahinga si Travis, agad siyang sumugod sa ikalawang lalaki, isang malakas na suntok ang tumama sa panga nito, na nagpadala sa lalaki sa lupa. Ang kanyang mga galaw ay likas, tila isang likas na kakayahan na nagpapakita ng kanyang kahusayan sa pakikipaglaban. Kahit na hawak niya ang aking kamay, hindi ito naging hadlang sa kanyang bilis at lakas. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa kanyang mga kalaban, ang kanyang mukha ay seryoso, ngunit ang kanyang mga kamay ay mahigpit pa ring nakahawak sa akin, isang simbolo ng kanyang pangako na protektahan ako. Ang bawat galaw niya ay puno ng determinasyon, isang determinasyon na nagbibigay sa akin ng kaunting pag-asa sa gitna ng kaguluhan.
Isang matinding gulat ang bumalot sa akin nang bigla akong hatakin ng isang lalaking nakaitim. Nabitawan ko ang kamay ni travis kaya Napatingin siya sa aking gawi, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala at galit. At Ang kanyang mga suntok ay biglang huminto, ang kanyang atensyon ay nabaling sa akin. Hawak ako ng lalaki, ang isang malamig at matulis na kutsilyo ay idinikit nito sa aking leeg, ang talim nito ay dumampi sa aking balat, nagdulot ng isang matinding takot saakin.
Nakita ko ang nagngangalit na mga mata ni Travis, ang kanyang mga mata ay tila apoy na naglalagablab sa galit. Ang kanyang mukha ay namumula, ang kanyang mga kamao ay nakakuyom. Ang kutsilyo sa aking leeg ay tila isang malaking hadlang sa kanyang pagkilos, isang hadlang na nagpapabigat sa kanyang puso. Ang dalawang lalaking pinagbubugbog niya kanina ay tumayo, tila natatakot sa kanyang galit.
"Huwag kang lalapit kung ayaw mong mamatay ang babaeng ito" Pananakot ng lalaki kay travis.
"Hurt her, and I swear you'll suffer a painful death." Madilim ang mukha ni travis ng sambitin niya iyon, tila ba kaya niyang makapatay ng tao.
"Travis, please help me," sambit ko, ang aking boses ay nanginginig sa takot. Ang mga salita ay lumabas sa aking bibig na tila isang hikbi, puno ng pangungusap na hindi ko na kayang ipahayag. Ang aking isipan ay naguguluhan, hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa sitwasyong ito.
Ramdam ko ang mga luha na unti-unting pumatak mula sa aking mga mata, ang mga ito ay sumasalamin sa labis na takot at pagkabahala na nararamdaman ko.
Tumingin ako kay Travis, ang kanyang mukha ay puno ng determinasyon at galit, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay may pag-aalala na nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Ang kanyang presensya ay tila isang ilaw sa gitna ng madilim na sitwasyon, at ang aking mga luha ay nagbigay-diin sa takot na nararamdaman ko.
Dahan-dahan naglakad ang lalaki paatras, ang kanyang mga mata ay puno ng pananakot habang ang kutsilyo ay patuloy na idinikit sa aking leeg. Ang malamig na talim ay tila isang pangako ng panganib, at sa bawat hakbang niya, ang aking takot ay tumitindi. Alam kong walang magawa si Travis sa sitwasyong ito, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at pag-aalala, ngunit alam din niyang ang anumang maling hakbang niya ay pwedeng itarak saakin ng lalaki ang hawak na kutsilyo
Nakaramdam ako nang lungkot sa aking puso habang unti-unting isinasakay ako ng mga lalaki sa bangka. Ang aking mga mata ay naglalakbay kay Travis, at sa bawat segundo na lumilipas, ang distansya sa pagitan namin ay tila napakalayo. Nakakuyom ang kanyang kamao at madilim ang kaniyang mukha, puno ito ng pagkabigo at galit. Nakita kong hindi niya man lang inalis ang kanyang mga mata sa akin, ang kanyang tingin ay tila naglalaman ng lahat ng emosyon na hindi niya kayang ipahayag.
Ang bangka ay unti-unting umalis, at habang papalayo ito, ang puso ko ay tila lumilipad sa lungkot at takot. Ang mga mata ni travis ay nag-aapoy sa pagnanais na protektahan ako.
Nang makita ko ang isla, napalunok ako. Parang walang tao rito, at mahirap hanapin. Paano kaya ako maililigtas ni Travis? May nakita akong maliit na bahay, at maraming lalaking nakaitim ang nasa paligid. Nakatali ang mga kamay ko, kaya hindi ako makatakas. Dalawang lalaki ang nakahawak sa akin. Natatakot na ako.
Tinulak ako ng lalaki papasok sa bahay. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya.
"Sino ang nag-utos sainyo ha!?" Sigaw ko, ang boses ko’y halos pumutok sa pagpipigil ng galit at takot, pero walang sumagot. Walang kahit isang paggalaw, walang kahit isang pag-angat ng ulo mula sa mga taong nasa paligid ko. Ang inis ay unti-unting nag-alab sa aking dibdib, Sa aking isipan ay sunod-sunod ang mga mura na binubulong ko. Ilang minuto ang lumipas, isang nakakabinging katahimikan ang pumuno sa silid, bago biglang bumukas ang pinto. Isang pigura ang sumulpot, at habang papalapit ito, unti-unting luminaw ang mukha. Isang pamilyar na mukha. Isang halo ng gulat at inis ang bumalot sa akin.
"E-enzo?" puno ng pagtataka at inis ang boses ko. Parang gusto ko siyang sugurin, hampasin, saksakin, tapos ilibing ng buhay. Alam kong brutal, pero 'yun ang gusto kong gawin sa kanya ngayon.
"Did you miss me, babe?" malanding tanong nito.
Aba, ang kapal ng mukha! Parang wala lang sa kanya 'yung pagkidnap niya sa akin!
"Tangina mo, Enzo!" Galit na sigaw ko sakaniya pero ang loko ngumisi lang sa harap ko.
"You're a bitch, Ava." Lumapit siya at hinawakan ang baba ko, diretso ang titig sa mga mata ko. Inis na iniwas ko ang mukha ko at inalis ang kamay niya.
“You'll regret this if you don't let me go!” sigaw ko, ang boses ko'y halos pumutok sa galit. Hindi lang basta sigaw; isang malakas, matinis na tunog na naglalaman ng buong puwersa ng aking pagkamuhi at takot. Ang mga kamao ko'y nakakuyom, ang mga kuko'y nakabaon sa aking palad.
“I won't let you go. You're coming back to me, whether you like it or not ava.”Baliw na ang lalaki ito, ayan ba ang nagagawa ng pag-aabroad niya.
“You're an asshole.” sinamaan ko siya ng tingin.
“Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil niligtas ko ang buhay mo. Kung hindi dahil sa akin, baka pinatay ka na ng stepmother mo” seryoso nitong sabi.
Teka… Tama ba ang narinig ko? Pakana na naman ito ni Trina?! Bwisit na Trina! Arghhh!
“Anong sabi mo?? Ulitin mo ang sinabi mo enzo” asik ko rito.
Imbes na magsalita, iniwan na lang ako ni Enzo roon at lumabas. Halatang nadulas siya sa sinabi niya.
Ano pa ba ang gusto ni Trina? Nakuha na niya ang lahat sa akin. Patay na si Papa, at mag-isa na lang ako sa mundo. Wala na ba siyang ibang gagawin kundi ang sirain ang buhay ko? Ang sakit-sakit na. Para bang wala siyang awa, walang puso. Lahat ng pinaghirapan namin ni Papa, lahat ng naipon naming alaala, winasak niya ng walang pag-aalinlangan. At ngayon, kahit wala na, patuloy pa rin siyang gumagawa ng paraan para saktan ako. Hanggang kailan ba ito magpapatuloy? Kailan ba niya ako titigilan?
Nararamdaman kong nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit. Napakasakit. Ayokong patulan si Trina dahil baka… baka mapatay ko siya.
BINABASA MO ANG
Trapped in the mafia's Web [ONGOING]
RandomAva Madden was a lovely and devoted daughter to her father, but life is full of surprises. One day, when her father died from a long illness, her stepmother considered selling her to strangers in order to pay off their debt. Unexpectedly, he will co...
![Trapped in the mafia's Web [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/372394825-64-k406690.jpg)