Kinapa ko ang kama, pero wala si Travis sa tabi ko. Nagmulat ako ng mata at taka kong inilibot ang paningin sa kwarto.
Teka, hindi ito ang kwarto kagabi, ah? Nanaginip ba ako? Kinurot ko ang sarili ko at napangiwi dahil sa sakit. Gising ako, gising na gising! At saan naman kaya ako dinala ng lalaking iyon? Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Laking gulat ko nang pagbukas ko nito ay pinalilibutan na ako ng tubig!
"Fuck!" sigaw ko.
Nandito ako ngayon sa isang yate at hindi ko alam kung paano ako napunta rito.
"Hey, watch your language lady." Biglang sumulpot si Travis mula sa kusina ng yate. Nakanganga akong nakatitig sa kanya dahil wala siyang suot na pang-itaas, tanging isang puting apron na may batik-batik ng harina ang suot nito. Kitang-kita ko ang malalaki niyang biceps. Para akong nabingi sa nakikita ko.
"Do you like the view?" Biglang tanong ni Travis, ang mga mata'y nang-aakit na nakatingin sa akin.
"Y-yes..I mean No!" Nagiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Agad kong iniba ang usapan para hindi na niya ako asarin. "Bakit ganiyan ang suot mo? atska ang dungis mo " Pagiiba ko.
"I am madungis. Because I cook breakfast for you, I never cook for anyone" Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay. "Let's go, I think you'll really love what I cooked for you." Hinila niya ako papasok sa kusina, ang kamay niya'y mahigpit na nakahawak sa akin. Napaawang ang labi ko sa gulat. Para bang sinalanta ng bagyo ang kusina. Isang makapal na ulap ng harina ang sumalubong sa akin, May mga basag na itlog ang nakakalat sa sahig. At ang amoy… ang nakakasulasok na amoy ng sunog na pagkain ay nanunuot sa ilong ko. Nakakita ako ng isang kawali, itim na itim at usok pa rin ang lumalabas.
"Sorry, I didn't get it right on my first try." Sambit nito, ang mga daliri ay naiilang na nagkakamot sa kanyang ulo, ang mga mata'y nakayuko sa hiya. Makikita mo ang pamumula ng kanyang mga tenga, at ang bahagyang pagyuko ng kanyang balikat na para bang nagtatago sa sarili nitong kahihiyan.
"H-halata nga hehe.." Isang pilit na ngiti ang sumilay sa aking labi. Napilitan akong gawin iyon upang hindi ko masaktan ang damdamin ni travis.
Maingat akong inilalayan ni travis paupo sa upuan, ang mga kamay niya ay banayad na dumampi sa aking likod. Pagkatapos, dahan-dahan niyang inilapag sa harap ko ang plato, ang bawat galaw ay puno ng pag-iingat. Nang makita ko ang nilalaman nito—ang perpektong nilutong itlog, ang crispy na bacon, at ang mga masasarap na sausage—napaawang ang aking bibig. Hindi basta pagkain lang ito, isang obra maestra ng plating. Ang bango pa lang ay sapat na para mawala ang gutom ko. Sa isang iglap, parang nawala na lang ang alaala ng nakakagimbal na kalamidad na nasaksihan ko sa kusina. Ang masarap na almusal na nasa harapan ko ang nag-iisang realidad.
"Grabe, hindi ko alam na masarap ka pala magluto" puri ko kay travis, at sumubo ulit ng masarap na almusal. Hindi siya sumagot, pero ramdam ko ang titig niya sa akin habang ngumunguya ako. Unti-unting nag-init ang aking pisngi dahil sa intensidad ng kanyang paninitig. Para bang sinusuri niya ang bawat galaw ko, ang bawat paglunok ko. Nang mapansin ko na nakatuon ang kanyang mga mata sa aking mga labi habang sumusubo ako, bigla akong nasamid. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig gamit ng kamay, ang puso ko ay tumatalon sa dibdib dahil sa kumbinasyon ng gulat at hiya. Ang mga mata namin ay nagtama, at sa sandaling iyon, parang huminto ang mundo.
Mabilis na inabutan ako ni Travis ng isang baso ng tubig. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatanggap iyon, at agad ko itong ininom. Ang lamig ng tubig ay nakakagaan sa aking lalamunan, pero may kaunting tubig ang tumulo sa aking baba. Nang akmang pupunasan ko ito gamit ng aking kamay, marahan ngunit matatag na hinawakan ni Travis ang aking pulso. Napahinto ako, ang aking kamay ay nanigas sa kanyang pagkakahawak. Nagtama ang aming mga mata, at sa kanyang mga titig ay may kakaibang emosyon na hindi ko mawari.
BINABASA MO ANG
Trapped in the mafia's Web [ONGOING]
RandomAva Madden was a lovely and devoted daughter to her father, but life is full of surprises. One day, when her father died from a long illness, her stepmother considered selling her to strangers in order to pay off their debt. Unexpectedly, he will co...
![Trapped in the mafia's Web [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/372394825-64-k406690.jpg)