CHAPTER 31

58 0 0
                                        

Nakasuot ako ng itim na damit habang ang mga luha ko ay pumapatak sa aking mga mata. Pinapanood ko ang mga tao sa paligid habang inililibing ang kabaong. Ramdam na ramdam ko ang matatalas na tingin nila sa akin, ang mga tingin ng mga taong nakikiramay, pero alam kong ako ang sinisisi nila sa pagkawala. Kasalanan ko ang nangyari.

Pinupunasan ko ang mga luha ko nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Binasa ko ang pangalan ng tumatawag at agad na sinagot ito nang makita si Tito Arthur.

"Hello po, Tito?" sambit ko sa kabilang linya.

"Gising na siya" sagot ni Tito.

Wala akong sinayang na oras. Agad akong pumunta sa ospital kung nasaan si Travis. Halos lumabas ang puso ko sa sobrang tuwa nang marinig kay Tito na nagising na si Travis.

Pagdating ko sa ospital, akma ko nang bubuksan ang pinto ng kwarto kung nasaan si Travis nang marinig ko ang usapan ng mga kaibigan niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para makita kung sino ang mga nag-uusap. Nakita ko sina Lucian, Noah, at Dmitri na nag-uusap, ngunit tinatakpan nila si Travis.

"Bro, sabi ko naman sa'yo, sabihin mo na kay Ava ang buong nangyari" saad ni Lucian.

Anong nangyari? Anong ibig niyang sabihin? Dinig na dinig ko ang pagkabahala sa boses ni Lucian.

"Let's keep it from her. She doesn't need to know" rinig kong sambit ni Travis, ang tono niya ay puno ng pag-aalala.

Bakit ayaw niya malaman ko? Kumuyom ang kamao ko, nag-alab ang damdamin sa loob ko. Akma ko na bubuksan ang pinto para komprontahin siya, ngunit natigilan ako nang biglang magsalita si Dmitri.

"Bro, are you just going to let her think you're a bad person? You didn't rape that woman, you were just framed because you beat her father in a gambling game. Those two are just crazy."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala sa mga naririnig at nalalaman ko.

"I can't hide from her that my family is involved with the mafia, and now that my father is gone, I'm running that whole mess now" patuloy ni Travis, ang boses niya ay puno ng bigat at panghihinayang.

"Pero hindi k-" hindi na natapos ni Dmitri ang sasabihin nang bigla siyang kalbitin ni Noah.

Dahil dito, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Binuksan ko ang pinto. Kaya naman lahat sila ay nagulat sa aking presensya.

Naglakad ako palapit kay Travis, ang pag-aalala ay bumabalot sa akin. Hinawakan ko ang braso niya, at maingat na sinuri ang mga sugat at pasa niya. Pagkatapos ay hinawakan ko ang baba niya, upang suriin ang sugat sa kanyang mukha. Hinawi ko ang buhok niya na natatakpan ng sugat, at maingat na hinaplos ito.

Mahina ko siyang pinalo sa dibdib. "Bakit kasi ang tigas ng ulo mo!" pagtataray ko sa kanya, pero ang loko, ngumisi lang sa akin atska hinawakan ang kamay ko.

"I think we need to leave" Sabat ni noah.

Sinapok naman ni Dmitri si Noah. "Baliw ka talaga! Panira ka ng moment, eh! Kita mong naglalambingan 'yung dalawa!" reklamo ni Dmitri, na may halong pagtawa at pang-aasar.

"Sus, gusto mo lang makita magtukaan 'yung dalawa, eh!" depensa ni Noah, at ginantihan niya ng sapok si Dmitri. Nagsimula na silang mag-amba sa isa't isa, handa nang magsuntukan. Wala man lang umawat sa kanila. Parang normal na lang sa kanila ang ganitong eksena. Si Lucian naman ay tahimik na nakaupo sa isang tabi, abala sa paglalaro ng kanyang dala-dalang Lego. Habang si Travis naman ay tahimik na nakatingin sa akin, ang mga mata niya ay puno ng pagmamahal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trapped in the mafia's Web [ONGOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon