NL23- Mama K

7 0 0
                                    

Daniel's POV

Pagkatapos, ng monthsary namin ni Kath ko kahapon. Umuwi na din ako sa bahay. Sila Lester, andun na sa condo nila.

"Kuya, pasok na tayo. I'm going to be late!" Sigaw sa akin ni Marga. At, patuloy na kumakatok sa pinto ko.

"Wait lang!" Sigaw ko rin.

Pagtapos kong iayos ang polo ko, agad rin akong lumabas.

"Asan na si Jc?" Tanong ko.

"Pababa na rin daw eh!" Sabi niya.

"Kumain naba kayo?" Tanong ko.

"Yeah!" Sabi niya at naglakad papuntang garahe.

"I'm here!" Bumaba na si Jc at tumakbo na din papuntang garahe.

Pumunta na rin ako dun at sumakay sa sasakyan ko.

"Kuya, before we go selfie muna tayo!" Dami talagang alam. Napaka-selfie lord.

Umayos nalang kami ni Jc at ngumiti sa camera.

"Yieee! I miss this!" Sabi niya. Nakita ko namang twineet niya agad yun.

@margapdilla: wt my kuyas @djpdilla @jcpdilla

Nag-drive nalang ako papuntang school.

"Margs, kamusta ka naman dun kila mama? Share naman diyan." Sabi ni Jc.

"Ok naman kuya Jc. Actually, si Mama lagi niyang kinukwento kila tita Mae kayong dalawa ni kuya Daniel! Mabait daw kayo, masipag, masunurin, hindi bulakbol. Puro, positive lang sinasabi sa inyo ni mama eh! Pati na kay Kuya Dj! Araw-araw atang laman ng bibig niya siya! Di naman ako nagseselos kasi pantay naman ung pagmamahal sa atin ni mama!" Nakangiting sabi ni Marga.

Sinasabi niya ba 'to kasi alam niya ng magka-away kami ni mama?

Hays! Maraming pumapasok sa utak ko ngayon. Pero, hindi ko nalang pinansin. Malapit na rin kami sa up.

Maya-maya pa eh nagpark na din agad ako sa parking lot. Bumaba na kaming magkakapatid at bulong-bulongan kami.

"Ang gwapo niya talaga"

"Omfg! The three's?"

"Fafa Dj can you be mine?"

"Huhubells ang ganda ni Marga!"

"Jc! Xoxo! Labsyu!"

"Hay! Buhay maganda!" Naglakad na palayo si Marga.

Aba ayos mang-iwan ano?

"Bye kuya!" Nag-bro hug kami ni Jc.

Aba't parang walang asungot na lumalapit sa akin. Naglakad nalang akong papuntang college building at papunta sa room namin. Itetext ko nalang si Kath ko na andito na ako.

Pagkarating ko sa room wala pa ang mga ugok! Kaya pala! Late! :/

"Hi Daniel!" Bati ng babae sakin at hinaplos ang braso ko. Agad ko naman itong tinanggal.

"I'm Queen!" Pagpapakilala niya at umupo pa sa arm chair ko.

"May sarili kang seat diba? Bakit kailangan mo pang dito umupo? Tsaka hindi ka naman taga dito!" Tumayo ako at nilayasan yung babae. Letse! Ang lande!

Hinintay kong lumabas yung babae at pumasok nalang ule ako sa room. Sinaksak ko ang earphones sa tenga ko. At, yumuko.

//

Kathryn's POV

Andito kami nila Julia sa room namin. Nagstart na rin naman ang klase. Next class na namin 'to. Hindi pa den nagtetext si Dj ko. Hindi rin siya pumunta. Hindi ko alam kung pumasok ba siya o hindi.

Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon