We're back on every Friday night update, but you may vote and comment for faster and weekly extra updates! -g
-----------------------------------------------------------------------------------------
CAPITULO 37 – Bygones
GUSTO KONG MAKITA SI EL.
Nasaan ba siya? Bakit ang dilim dito sa corridor ng school building namin? Hindi pa naman gabi kanina, ah?
Kailan ba kami nagkaroon ng pasok na ganito? Hindi pa ito kahit kailan nangyari. Kaya bakit madilim ngayon? Base sa dilim ay parang kalaliman na ng gabi.
At madilim na nga, tapos iilang piraso lang ang ilaw sa kisame ng corridor. Pupugak-pugak pa at malalabo ang liwanag ng mga bombilya, na parang papunta na yata sa pagkapundi.
Nagpalinga-linga ako. Bakit din mag-isa lang ako? Nasaan ang mga kaklase ko? Nasaan si Bhing? O kahit si Kit? Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sinilip ko ang mga room, mga walang tao. Walang kahit isang estudyante o guro.
Nang mapatapat ako sa isang bakanteng room, napatingin ako sa basag na jalousie na bintana niyon. Kahit malabo at may kadiliman ay malinaw kong nakita ang aking repleksyon – hindi ako naka-uniform.
Pilit ko pang idine-deny kanina, pero ngayon ay hindi ko na matatakasan pa ang totoo na wala talagang pasok. Hindi talaga ako naririto sa school para pumasok.
Nilunok ko ang nakabara sa aking lalamunan. Ang takot ko ay aking pilit na pinigilan. Sinikap kong ihakbang ang nangangatog kong mga paa hanggang sa makarating sa hagdan.
Mas madilim sa gawing ito dahil hindi na abot ng mga papunding bombilya sa kisame ng corridor. Nangapa na lang ako paakyat.
Unang baitang...
Nakahawak ako sa barandilya habang humahakbang. Malamig iyon hindi dahil sa bakal ito, kundi dahil malamig talaga ang paligid.
Pangalawang baitang...
Biglang may biglang umihip sa aking kaliwang tainga. Hindi ko pinansin. Basta tuloy lang ako sa pag-akyat.
Pangatlong baitang...
Biglang may nanakbo sa aking gilid.
Patuloy pa rin ako sa pag-akyat. Akyat lang. Tuloy lang. Kahit anong naririnig ko, nararamdaman, at nasisinag sa dilim, sinisikap kong hindi pansinin.
Ang lamig-lamig na ng palad ko nang makarating sa—third floor.
Wala ritong nakabukas kahit isang bombilya, bagaman nasisinag ko na ang paligid dahil ang buwan ay maliwanag.
Nasisinag ko ang paligid. Nasa third floor na nga ako. Nasa third floor ng Grade 12 building (4th year high school before the revision. Year 2003)
BINABASA MO ANG
Beware of the Class President
HorrorFLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente na sanhi ng pagka-coma nito. Nang gumaling at magbalik-eskwela ay tila ba ibang tao na. Pero para ka...