CAPITULO 35 - Mad

40K 1.6K 2.2K
                                    

CAPITULO 35 - Mad


"BAKIT TITIG NA TITIG KA?"


"BAKIT HINDI KA KUMUKURAP?"


"TINGNAN MO, BAHAGYA PANG BUMUBUKAS ANG BIBIG MO."


"SIGURADO KA BA RIYAN SA TINITINGNAN MO? SA TINGIN MO BA, TOTOO IYAN? SA TINGIN MO BA, HINDI KA IPAPAHAMAN NIYAN?"


"PAANO KUNG SABIHIN KO SA 'YO NA... HINDI KA NAG-IISA?


KASI... MERON KANG KASAMA.


NASA BANDANG KALIWA MO. MAY NAKATAYO. 


MAKIRAMDAM KA, BASTA MAKIRAMDAM KA LANG, MAY MARIRINIG KA. MARIRINIG MO NA BINUBULUNGAN KA NIYA. 


MAPAPANSIN MO, UMIIBA ANG HANGIN SA PALIGID, IBIG SABIHIN, MALAPIT NA SIYA. LUMAPIT NA SIYA...


MAY IBINUBULONG SA 'YO. KUNG GUSTO MONG MARINIG, SABIHIN MO LANG ANG AD ME VENI, EXCIPIO TE. HIC EGO SUM, DESUPER SUM PRAESIDIO. SALVUS SUM. SALVUS SUM SALVVVVVVV- - ---



"Tigilan mo iyan."


Napadilat ako. Sino iyong nagsalita? Sino ang nagpapatigil sa akin? Bakit pamilyar siya?


Pagkuwa'y nakarinig ako ng katok. 


Palagi na lang akong nakakarinig ng katok. Ano ba iyon? Saan galing? Sa bintana? Hindi. Sa pinto? Hindi rin naman.


Nandoon. Nandoon na naman sa cabinet. Sino ang kakatok mula sa loob ng cabinet?


Cabinet? Cabinet iyon na lalagyanan ng mga walis dito sa room. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nasa school pa nga pala ako. Anong oras na ba? Kanina pa uwian, ah?


Dinampot ko ang aking bag at lesson plan sa ibabaw ng mesa. Hindi ko na hinintay na maubos ang mga estudyante sa hallway, lumabas na ako ng room at nakisabay sa mga ito. Nakasabay ko pa sa daan iyong dalawang estudyante na may pinapanood sa hawak na kulay grey na gadget. Digicam na isa ring MP4 player.


[ Baby, I'll treat you well. Lets take off your clothes and after, I'll take off mine... ]


Narinig ko pa iyong boses sa gadget. Mukhang isang romance foreign movie ang pinapanood. At mukha ring lampas R16. Nang makita nga ako ng dalawang estudyante ay napalayo agad ang mga ito sa akin.


Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sa may hagdan ay may dalawang estudyanteng lalaki. Busy ang mga ito sa kanya-kanyang cell phone. Iyong bagong model ngayon na malaki ang screen, may kulay na, at makakapag-Internet ka na gamit ang data.


May pinagtatawanan na kung ano ang isa. May nababasa yata ito roon na nakakatawa. Sinaway ko ang mga ito. "Ano pang itinatambay niyo rito? Magsiuwi na kayo."

Beware of the Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon