Chapter 25 (M)

2.7K 33 3
                                        

Sangria
#92000A

---

"FUCK!" sigaw ni Cormac nang makarating siya sa ikalawang palapag. Mabuti na lamang at nagpaalam ng umuwi si Gio matapos kumain at si Nanang Nene naman ay abala sa kusina.

Apollo had that smug look as he leaned against the wall with the beer in his hand. "Must have been suck to be a kabit?"

Tiningnan niya ito nang masama at itinaas lamang nito ang mga kamay sa ere.

"It's not like I'm lying, Castellano. May mga restriksyon talaga kapag kabit ka lang," muling binigyang diin nito ang salitang kabit sabay nanghahamon na ngumisi sa kanya. "Walang birthday-birthday boy, maririnig mo talaga sa akin ang dapat mong marinig."

Hindi sumang-ayon ang mga kaibigan subalit hindi rin tumutol ang mga ito. Nakita niyang sumilip si Nicolas sa bintana at saka napasinghap ito.

"They are fighting..." Nicolas informed. "Sullivan, come here. Lip read now. Ikaw ang magaling no'n."

"Ano tingin mo sa akin utusan mo?" tanong ni Oliver sabay unti-unting lumapit sa isang bintana. Mayamaya ay nakasilip na rin ito katulad ni Nicolas. "Mike asked since when did you and Sir Cormac became close?"

Nanatili siyang tahimik at nakinig sa sinasalin ni Oliver. Dalton, on the other hand, just watched them in amusement as he drink his beer. Halatang mas naaliw pa ito sa kanilang pagiging chismosa kaysa sa nangyayari kina Diana at Mike sa labas.

"When do you think? Iyon naman ang reply ni Diana," dugtong ni Oliver.

"Now it's getting interesting," manghang wika ni Apollo sabay nang-aasar na sumipat sa kanya. "Grabe, para akong nanonood ng palabas, ah. Sana humihinga ka pa, Castellano."

"Shh..." Nicolas aggressively motioned his hand to tone it down without taking his attention outside. "Shut up, Alcazar. Ang daldal mo talagang kingina ka!"

Nagbato rin ng malutong na mura si Apollo bago tumahimik.

"What is Mike's reply?" tanong ni Cormac nang hindi niya na mapigilan ang kuryusidad. He could have looked outside but he thought it would be better not to see Diana and Mike together when he was on the edge of letting out his anger.

"He wasn't able to reply because his knees collapsed. Tinulungan ni Diana na makatayo at inalalayaan ito pabalik sa wheelchair . Mike is now back in his wheelchair.... but he looks like he is in a lot of pain," sagot naman ni Nicolas.

"Why do you have to impress your boss like that when you know you can't stand yet? How long do you have to please him?" wika ni Oliver sabay umalis na sa bintana at bumalik sa upuan. "That's all because Diana walked out."

Sumunod na rin si Nicolas sa pagkakaupo at nag-aalalang tiningnan sa kanya.

"Base sa reaksyon ni Diana, she still have love for her husband," komento ni Nicolas. "But based on what I see earlier,.."

Hindi mapakaniwalang napatingin siya kay Nicolas at pinanlakihan ito ng maga mata.

"Yes, fucker. I did see you and Diana almost kissing before Mike arrived because I was standing at the window," pag-amin ni Nicolas sabay turo sa bintana. "And besides, I am your friend, it's a normal response to check if you will do something stupid or not. What I'm saying is she may have an affection for you as well."

Cormac closed his eyes and gave up talking back. Sumasakit lamang ang ulo niya sa mga nangyayari.

"And Oliver lip read earlier as well. Alam na namin na malapit na gumaling si Mike," wika naman ni Usher. "What are you going to do when the time comes, buddy?"

RISQUÉ 1: Forbidden TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon