Platinum
#E5E4E2
---
HINDI na nagulat si Diana nang madatnan niya si Cormac sa loob ng greehouse habang sinusuri nito ang mga halaman. Ang mas ikinagulat niya ay kung bakit parang normal na para sa kanya ang presensya ng binata na para bang inaasahan niya rin itong makita sa mga oras na iyon.
Dumating siya sa greenhouse na masama ang loob matapos ang pagbisita nito sa bahay nila kahapon subalit agad na nawala iyon nang mapagtanto na hapit na sando lamang ang suot nito at kitang-kita niya kung gaano kaganda ang katawan nito.
Just like the first time she saw him, he looked dependable and strong.
Kung sinuman ang makakatanaw sa nagiigtingan nitong braso ay tiyak na gugustuhin agad na humimlay doon. And she couldn't help but curse in silence for that. Hindi nakatulong ang nakakaakit na tanawin na iyon para humupa ang pagkahumaling niya para sa binata.
Inilapag ni Diana ang lunch box sa lamesa at tumikhim para kunin ang atensyon nito. "Here's the adobo you wish so bad, Sir. You can now leave me here to do my job."
Itinukod ni Cormac ang mga kamay sa lamesa bago siya nito sinipat. Sa hindi niya alam na kadahilanan ay may kung anong bahid ng iritasyon ang nakaplastada sa mukha nito.
"You didn't inform me that you would take a day off yesterday," anito at hinintay ang kanyang sagot.
"Kinailangan ni Mike ng tulong ko kaya hindi ako nakapasok," sagot ni Diana at nainis sa sarili nang mapagtantong niyang nagpapaliwanag siya kahit hindi naman iyon kailangan. "And it was my day off, Sir. It's Saturday. What else would you want me to spend my day?"
"But you said you won't take any off," paalala nito at nagphilot ng sentido. "I was expecting you to work yesterday."
"So that's why you visited our house," ani Diana nang maintindihan niya ang tinutukoy nito. Tuluyan na siyang napailing-iling sa kawalang paniwala. "I am only your greenhouse keeper, Sir Cormac. Why are you doing this?"
Tinawid nito ang pagitan nila at ganoon na lamang ang pagpunto ng kanyang hininga nang gahibla na lamang layo ng kanilang mga mukha.
Nakita niya ganoon rin ang naging reaksyon ni Cormac bago ito sumamyo sa halimuyak niya na para bang siya ang pinakamabangong babaeng naamoy nito.
"Do you really have to ask?" Cormac asked, his voice low and suggesting. Malalim na tumitig ito sa mga mata niya. "You know what I want, Diana."
Sandaling binasa niya ang mga mata nito bago siya napailing-iling.
"Yes..." Cormac insisted, desperation hanging in his voice.
"No," agap na pagtutol ni Diana. Subalit hindi niya naman kayang bigyan ng distansya ang sarili mula rito. "You.... you don't mean it. If there's anyone you wish to desire then it should not be me, Sir."
"But I do," pagpupumilit ni Cormac at mas lalo lamang inilapit ang mukha sa kanya.
Tumigil lamang ito upang sabik na hagurin ang kanyang buong mukha ng tingin. Bawat pagdapo ng mga mata nito sa kahit anong parte ng kanyang mukha ay ganoon rin ang pagsilab sa kanyang katawan.
It felt like Cormac was making love with her using his eyes and she couldn't help but relish the way he made her feel at that moment. At alam niyang hindi iyon maari.
"I do want you," anito sabay tinitigan ang ngayong nakaawang niyang labi. "I want you from the moment I saw you in the hospital, Diana. I want you even before you open your mouth to talk back to me that day. And I want you even before I admit to myself that I do."
BINABASA MO ANG
RISQUÉ 1: Forbidden Temptation
RomanceAfter sleeping with countless women and branding them as objects of pleasure, someone has finally caught Cormac's attention. Except there's one problem, she is married. --- A successful vintner like Cormac Castellano never wished to settle down. Alt...
