Chapter 23

1.9K 43 3
                                        

Chestnut
#954535

---


HINDI mapawi ang ngiti sa labi ni Diana nang makauwi siya sa bahay, subalit agad na napalitan ang kanyang kasiyahan nang pagkagulat at takot nang maabutan si Mike sa kanilang bakuran.

"Mike... you arrived early."

"Hindi masyadong traffic pauwi kaya mabilis lang ang byahe," sagot nito at nagtatakang napatingin sa suot niya. "Did you go out by chance? You are wearing your favorite dress... na akala ko ako lang ang makakakitang suot-suot mo 'yan."

Pilit na natawa si Diana at umiling. "Hindi ako umalis. Naglakad-lakad ako sa estate habang naghihintay sa pagbalik mo. Wasn't I wearing it in front of you now... like I promise?"

Diana had to lie. And she admit that she have forgotten that promised to her husband. She shamelessly wear it for Cormac because she knew she will look good with the dress.

Napangiti ito at ibinuka ang mga mga kamay. Nilapitan niya ito, subalit hindi gaya ng yakap na hinihingi ni Mike, nilampasan niya lamang ito. "I don't think hugging you will be a good choice. Amoy-araw ako at kailangan ko ng maglinis."

"Honey, it doesn't mat-"

Hindi niya na pinakinggan si Mike at iniwan ito sa labas upang magdire-diretso sa banyo. Pagkarating niya sa loob, sandali muna siyang tumingin sa salamin at nalungkot para sa asawa.

She had changed so much after two months of having an affair. Kung noon ay nag-aalala siya na mabuko ni Mike, ngayon ay gusto niya na lamang na makaramdam ito sa mga nangyayari. At sa oras na mangyari iyon, alam niyang handa niya ng tanggapin ang nakatadhana sa kanya kahit ano man iyon.

The guilt was still there, growing inside her as the day passed by. And she couldn't look at Mike in the eye without remembering Cormac anymore. Without comparing him to Cormac. Without less appreciating her husband and preferring her secret lover instead. It was cruel but it's been going on since last month.

Pagkatapos niyang maglinis ng katawan, agad siyang naghanda ng kanilang hahapunan. Mike remained silent while watching her cook until he couldn't endure the silent.

"I have good news, honey. I think I can walk now," wika nito dahilan para mapatigil siya sa paghiwa ng bawang. "I mean, hindi pa tuloy-tuloy pero nakakalakad na ako ng pailan-ilang hakbang."

Napatingin siya kay Mike nang tumayo ito sa wheelchair at naglakad ito sa pinakamalapit na upuan. Puno nang kasiyahan ang mukha nito habang pinapatunayan nito ang balita.

"See? I can walk now, Diana... another weeks or more, I think I can recover fully and return to my old life," nakangiting wika nito sabay tinapik ang tuhod. "Makakabalik na ako sa trabaho at hindi mo na kailangang magtrabaho sa greenhouse."

Naestatwa si Diana at pumailanlang sa kanya ang lahat ng memorya niya kay Cormac. Mula sa unang pagsuko niya rito, sa pagtatalik nila sa bawat sulok ng greenhouse, at sa pinagsaluhan nilang masayang usapan sa vineyard.

Habang inaalala ang lahat ng iyon, napagtanto ni Diana na hindi pa siya handang bitawan iyon.

"Bakit parang hindi ka masaya?"

Biglang natauhan si Diana, gulat na napatingin sa asawa. Doon pa tumulo ang luha niya at nagpunas ng luha sa harap nito.

"Masaya ako..." pagsisinungaling niya, pinilit na ngumiti. "Sa sobrang saya ko, napaluha ako, Mike. I am so happy for you. Ito ang hinihiling ko simula pa noon."

Napangiti si Mike at nagpumilit ito na bumalik sa wheelchair. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. Sa hindi alam na kadahilanan, ang una niya agad na gustong gawin ay bawiin ang mga kamay niya mula rito.

RISQUÉ 1: Forbidden TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon